ARALIN 1:
KONSEPTO NG KONTEMPORARYONG ISYU
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:
• nabibigyang kahulugan ang kontemporaryong isyu;
• natutukoy ang mga uri ng kontemporaryong isyu;
• nasusuri ang mga kontemporaryong isyu ayon sa kasanayang natalakay;
• napahahalagahan ang pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu; at
• nakapagbibigay ng sariling mungkahi sa paglutas ng mga kontemporaryong
isyu na kinakaharap ng kinabibilangang komunidad.
Ang salitang “kontemporaryo” ay tumutukoy sa mga pangyayari sa
kasalukuyan na maaaring nakaaapekto sa buhay ng mga tao sa lipunan.
Ito ay mga paksang napapanahon na nagiging sanhi ng pagkabagabag ng mga tao.
Maaari rin itong mga pangyayaring naganap sa nakalipas na nakaaapekto hanggang ngayon sa lipunan.
Ang salitang “isyu” naman ay mga pangyayari, suliranin, o paksa na napag-
uusapan at maaaring dahilan o batayan ng debate. Tandaan mo na maaari itong
magdulot ng positibo o negatibong epekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan.
Ang kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa
anumang pangayayari, paksa, tema, opinyon, o ideya na may kaugnayan sa
kasalukuyang panahon.
Ito ay mga isyu o mahahalagang pangyayari na may malaking epekto sa iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng pamilya, simbahan, paaralan, pamahalaan, at ekonomiya.
Isang legal na katayuan sa lipunan o kinikilala kasal sa pagitan ng dalawang tao ng parehong sex o gender. Ang same-sex marriage ay isang karapatang sibil, pampulitika, panlipunan, moral, at relihiyon na isyu sa maraming bansa
Isang sinadyang kaguluhan o pananakot na ginagamitan ng karahasan ng isang pangkat o ng isang estado upang matamo ang isang adhikaing politikal o kriminal
Ang paniniwala na ang lahi ang pangunahing tumutukoy sa katangian at kakayahan ng isang tao at ang pagkakaiba ng lahi ang nagbibigay ng likas na pangingibabaw ng isang partikular na lahi. Sa ilang kaso ng intitusyunal na rasismo, may ilang pangkat ng lahi ang maaaring hindi bigyan ng mga karapatan o benepisyo, o makakuha ng preperensiyal na trato
Isang pormal na proseso ng pagpapasya kung saan ang isang populasyon ay pumipili ng mga indibidwal na hahawak ng isang publikong opisina.
Ito ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang isang halaga ng mga pag-aaring materyal o salapi.
Ito ay mga isyu na may kaugnayan sa kalusugan na maaaring nakabubuti o hindi nakabubuti sa mga tao sa lipunan.
Ang Covid-19 ay mga pamilya ng mga virus na nagdudulot ng sakit mula sa karaniwang sipon hanggang sa mas malubhang sakit tulad ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS) at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS).
Ang obesity o pagtaas o pagbigat ng timbang na hindi naaayon sa edad at tangkad ay isang uri ng malnutrition na dulot ng sobrang pag-kain at hindi pagiging aktibo ng ating katawan
Ito ay malubhang kondisyon na bunga ng kakulangan ng tamang sustansya sa mga kinakain ng isang tao sa araw-araw
Ang adiksyon sa droga ay isang chronic at relapsing disease o pangmatagalang at paulit-ulit na sakit. Ito ay labis na pagnanasa, paghahanap, at paggamit ng gamot. Nakaaapekto ito sa kalusugan ng kaisipan at katawan. Ito rin ay nakakapagpabago ng normal na takbo ng utak na nagreresulta sa kawalan ng kakayanan na magkontrol at gumawa ng makatwirang desisyon.
Ang HIV ay isang uri ng mikrobyo o virus na sumisira sa resistensya o immune system ng isang tao. Ang pagkakarooon ng HIV sa katawan ay tinatawag na HIV infection.
Ang AIDS naman ay ang kondisyon kung saan labis nang napahina ng HIV ang immune system ng isang tao. Ang taong may AIDS ay maaaring kakitaan na ng mga sintomas ng iba't-ibang uri ng impeksyon kasama na ang kanser na maaaring humantong sa kamatayan kung hindi maaagapan.
Ito ay tumutukoy sa mga isyung may kinalaman sa kapaligiran at mga usapin sa pagpapaunlad at tamang paggamit sa ating kalikasan.
Ang climate change ay hindi pangkaraniwang pagbabago ng klima ng mundo na tumatagal ng dekada, siglo o mas matagal pa.
Ang lindol ay isang mapanganib na sakuna. Ito ay ang natural na paggalaw ng lupa. Ang mga karaniwang resulta sa ganitong klaseng sakuna ay ang pagguho ng mga gusali, pagkabitak-bitak ng mga sementadong daanan, pagguho ng lupa, pagkawasak ng mga sinaunang establisyemento at lalo na ang kamatayan
Ang baha ay dahil sa kumplikadong kumbinasyon ng panahon, climate at mga gawain ng tao. Karaniwang gawa ito ng mahina hanggang sa malakas na pag-ulan sa isang lugar
Ang El Niño ay natural na pangyayari sa ating mundo kung saan nakararanas ng pagtaas ng temperatura ang gawing silangan ng Karagatang Pasipiko. Naghahatid ito ng maikling panahon ng tag-ulan at mahabang panahon ng tagtuyot sa Pilipinas
Ang La Niña ay ang hindi pangkaraniwang haba ng panahon ng tag-ulan na madalas nangyayari pagkatapos ng El Niño. Tuwing may La Niña, lumalamig ang temperatura ng silangang bahagi ng Karagatang Pasipiko, maikli ang tag-araw, mas maraming bagyo, at mas malamig ang hangin.
Mga suliraning may kinalaman sa globalisasyon at negosyo, kasama rito ang mga usapin o isyung pang-ekonomiya.
Ang Import ay ang pag-aangkat ng produkto mula sa ibang bansa.
Ang Export ay ang pagbebenta ng produkto sa ibang bansa
Ito ay ang paggamit ng online app katulad na lamang ng shopee, lazada, channel, gucci, at iba pa para mapadali ang pagbili ng ating mga kailangan at kagustuhan
Proseso na walang kalakip na buwis at walang nakatakdang dami ang mga produktong iniluluwas (export) at inaangkat (import) sa pagitan ng dalawang magkasundong bansa
Pandaigdigang samahan ng mga bansa na naglalayon ng pagsulong ng kabuhayan, kapayapaan at pag-unlad ng mga bansa
• Kaalaman sa pagsusuri kung ito ay naglalahad ng patas na opinyon.
• Kaalaman sa batayan ng isyu, saan nagmula, maaari na ito ay hango sa mga legal na dokumento, journal, sulat, larawan, at iba pa.
• Kakayahan sa pagbibigay ng opinyon, pagbuo ng ugnayan, at pangkalahatang pananaw sa isang pangyayari.
• Kakayahang malaman kung ang pahayag o pangyayari ay makatotohanan o nakabase sa opinyon o haka-haka lamang.
Nagbubukas ng isipan ng mag-aaral sa mga pangyayari sa kanilang kapaligiran at nagtuturo sa kanila ng kanilang papel sa lipunan.
Nagtuturo sa pagbibigay-timbang sa mga sitwasyon at pagkilala sa mga positibo at negatibong epekto nito.
Pag-unlad ng kasanayan sa pagbasa at pang-unawa at pagpapalakas ng kasanayan sa komunikasyon.
Pagpapalakas ng kakayahan sa pag-iisip, pagpaplano, at pagpapatupad ng mga solusyon sa mga suliranin.
Paglawak ng kaisipan sa pamamagitan ng pag-aaral ng impormasyon, ideolohiya, kasaysayan, at kultura.
Pagpapatalas ng kaisipan at pagtanggap ng hamon.
Paglawak ng kakayahan sa pagpapahalaga sa mga tuwirang at di tuwirang kontribusyon ng mga pangyayari at isyu.
Pagkakataon upang maging mapanuri at mapagtugon na bahagi ng pagbuo ng lipunang mulat at matalinong sumasagot.
KARAGDAGANG IMPORMASYON
Kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong isyu
Kontemporaryong isyu
https://www.associazionepiuinforma.org/wp-content/uploads/2021/06/Smog1-1.jpg
https://www.paho.org/en/topics/coronavirus-infections/coronavirus-disease-covid-19-pandemic
https://www.facebook.com/p/Pagsugpo-sa-Rasismo-100065017270059/
https://www.paho.org/en/topics/coronavirus-infections/coronavirus-disease-covid-19-pandemic
https://www.facebook.com/p/Pagsugpo-sa-Rasismo-100065017270059/