4. Nakikilala ang mga personalidad na kabilang sa LGBT Community at ang kanilang kontribusyon sa lipunan.
-"Ang karahasan laban sa kababaihan ay isang patunay na hindi pantay ang turing noon pa man sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan"
-"Isa sa mga mapanganib na pamamaraan sa lipunan ang karahasan laban sa kababaihan kung saan sapilitang nalalagay sa mas mababang posisyon ang babae kaysa sa mga lalaki"
-Idineklara niya ang Kalihim-Panlahat ng Nagkakaisang Bansa sa isang ulat noong 2006 na matatagpuan sa websayt ng United Nations Development Fund for Women (UNIFEM)
-"Nangyayari sa buong daigdig ang karahasan laban sa kababihan. Wala itong pinipiling lipunan o kultura"
-Ayon pa kay Annan, isa sa bawat tatlong babae sa buong mundo ay masasabing biktima ng pambubugbog, sapilitang pakikipagtalik, at pagmamaltrato sa tanan ng kanyang buhay na ang umaabuso ay madalas kilala ng biktima.
-Maging ang mga kalalakihan ay biktima nito. Sa katunayan, maraming kalalakihan din ang nakakaranas ng pang-aabuso sa salita (verbal abuse) ng kanilang may bahay.
-Sa panayam ni Lilia Tolentino kay dating Kalihim ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD) na si Dinky Soliman noong 2003, nabanggit na 1 sa bawat 20 lalaki sa bansa ang biktima ng pang-aalipusta ng kanilang misis. Sa pahayag ni Hillary Clinton noong 2011, tinawag niya ang mga miyembro ng LGBTQ+ na "INVISIBLE MINORITY" dahil sa pagkukubli ng kanilang mga kwento at ang hamon ng diskriminasyon na kanilang kinakaharap sa iba't-ibang aspeto ng lipunan.
-Ayon sa pag aaral na ginawa noong 2011, may mga LGBTQ+ (bata at matanda) na nakaranas nang di-pantay na pagtingin at pagtrato ng kanilang kapamilya, kapwa, komunidad, at pamahalaan.
-Ang mga sumusunod ay ang mga diskriminasyon na natatanggap ng mga taong parte ng LGBTQIA+ COMMUNITY:
• Kawalang oportunidad sa pagtatrabaho
• Pagkakaroon ng walang karapatan sa pagpapakasal
• Hindi pagkakaroon ng sariling negosyo
Elen DeGeneres (LESBIAN)
Noong Nobyembre 2011, ginawaran siya ng isang importanteng sugo para sa Global AIDS Awareness mula kay Kalihim ng Estado Hillary Clinton at siya ay isang artista, manunulat, stand-up comedian, at host ng "The Ellen Degeneres Show"
Tim Cook (GAY)
Siya ang CEO ng Apple Inc., na kilala sa paggawa ng mga produkto tulad ng iPhone, iPad, at iba pang Apple products. Pumasok siya sa kompanya noong Marso 1998 at nag trabaho rin sa iba pang kompanya tulad ng Compaq at IBM.
Danton Remoto (GAY)
Siya ay isang kilalang pamantasan, kolumnista, manunulat, at mamamahayag. Nakilala siya sa pagtatag ng Ang Ladlad, isang pamayanan na binubuo ng mga miyembro ng LGBT.
Marillyn A. Hewson (BABAE)
Noong 2015, pinangalanang ika-20 na pinakamalakas na babae sa mundo ni Forbes. At siya ang Chair, Presidente at CEO ng Lockheed Martin Corporation, isang kumpanyang kilala sa paggawa ng mga armas pandigma at panseguridad.
Charice Pempengco (LESBIAN/TRANSGENDER)
Isang Pilipina na mang aawit na kilala sa Pilipinas at sa ibang panig ng mundo. Inilabas niya ang kanyang unang internasyunal na studio album na "Charice" noong 2010, na pumasok sa ika-pitong pwesto sa Billboard 200 chart.
Anderson Cooper (GAY)
Isang mamamahayag na tinawag ng New York Times na "the most prominent open gay on American television", kilala siya bilang host at reporter ng Cable News Network (CNN).
Parker Gundersen (LALAKI)
Siya ang Chief Executive Officer ng ZALORA, isang kilalang online fashion retailer sa iba't ibang bansa sa Asya.
Geraldine Roman (TRANSGENDER)
Siya ang kauna-unahang transgender na miyembro ng Kongreso sa Pilipinas. At siya ang pangunahing tagapagsulong ng Anti-Discrimination Bill sa Kongreso.
Sa bahaging ito ng aralin ay masasaksihan mo ang mga ibat ibang uri ng karahasang kinakaharap ng mga kalalakihan, kababaihan at LGBT. Inaasahan din na matapos ang mga gawaing nakapaloob dito, matataya at masusuri mo ang mga nasabing isyu, at magkakaroon ka ng mas matibay, malinaw na pang-unawa sa lahat ng mga isyus hinggil sa kasarian.
-Ayon sa United Nations, ang karahasan sa kababaihan (violence against women) ay anomang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, sekswal o mental na pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at pagtataksil sa kanilang kalayaan.
Ang ibat ibang anyo ng karahasan ay walang pinipiling kasarian. Ito ay maaaring nangyayari sa paaralan, sa lansangan, sa pinapasukang trabaho maging mismo sa loob ng ating tahanan. Subalit inaakala ng iba na ito ay natural lamang at bunga ng pagiging mahina ng kababaihan o maaring kawalan ng batas na nagbibgay proteksiyon ng walang pagkiling sa kasarian.
Ang kababaihan, sa Pilipinas man o sa ibang bansa, ay nakararanas ng pang- aalipusta, hindi makatarungan at hindi pantay na pakikitungo, at karahasan. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t ibang kultura at lipunan sa daigdig. Mababanggit ang kaugaliang foot binding noon sa China na naging dahilan ng pagkakaparalisa ng ilang kababaihan.
Ang “foot binding" ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga paa ng mga batang babae ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal.
-Ang tawag sa ganitong klase ng mga paa sa prosesong Foot Binding.
-Halos isang milenyong umiral ang tradisyong ito.
-Kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa pagpapakasal.
-Tinanggal ang ganitong sistema sa China noong 1911 sa panahon ng panunungkulan ni Sun Yat Sen dahil sa di-mabuting dulot ng tradisyong ito.
-Ang breast ironing o breast flattening ang pinaka matandang kaugalian sa bansang Cameroon sa kontinenteng Africa.
-Ayon sa Cameroonian Women’s Organization at Germany’s Association noong 2006, sinasabing 24% ng mga batang babaeng may edad siyam ang apektado nito.
Ang mga sumusunod ang dahilan ng pag normalize ng BREAST IRONING sa kanilang kultura:
-Maiwasan ang Maagang pagbubuntis ng anak
-Paghinto sa pag-aaral
-Maiwasan ang pagkakagahasa
-inakda noong ika-25 araw ng Nobyembre
-Dito sa Pilipinas, ang ika-25 ng nobyembre hanggang ika 12 ng disyembre ay tinaguriang “15 Day Campaign to end VAW"
Isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang porma ng karahasang nararanasan ng kababaihan na tinagurian nilang “Seven Deadly Sins Against Women”. Ang mga ito ay ang:
1. Pambubugbog/pananakit
2. Panggagahasa
3. Incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso
4. Sexual harassment
5. Sexual discrimination at exploitation
6. Limitadong access sa reproductive health
7. Sex trafficking at prostitusyon
Ayon sa ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang kababaihan ang biktima ng karahasan na nagaganap sa isang relasyon o ang tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan at LGBT ay biktima rin. Ayon pa sa ulat, ang ganitong uri ng karahasan sa mga kalalakihan ay hindi madaling makita o makilala. Ang ganitong uri ng karahasan ay maaring emosyonal, seksuwal, pisikal, at ibang banta ng pang aabuso. Tandaan din na ito ay maaaring maganap sa heterosexual at homosexual. Na relasyon.
Maaari mong malamang inaabuso ka na kung napapansin mo ang mga ganitong pangyayari:
1. Tinatawag ka sa ibang pangalang may kaakibat na pang-iinsulto;
2. Pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan;
3. Pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan;
4. Sinusubukan kang kontrolin sa paggastos sa pera, saan ka pupunta at kung ano ang iyong mga isusuot;
5. Nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko;
6. Madalas pinagagalitan ka ng walang dahilan;
7. Pinagbabantaan ka na sasaktan;
8. Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ka;
9. Pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong kalooban; at
10. Sinisisi ka sa kanyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang sa iyo ang ginagawa niya sa iyo.
11. Pinagbabantaan kang sasabihin sa iyong pamilya, mga kaibigan at mga kakilala ang iyong oryentasyong seksewal at pagkakakilanlang pangkasarian.
• Sa bahaging ito ng aralin matutunghayan mo ang pagkilala sa buhay ni "MalalaYousafzai", kabilang ang kaniyang itinatag para sa karapatan ng mga kababaihang mag-aaral.
-Nakilala si Malala Yousafzai habang lulan ng bus patungong paaralan, nang siya ay barilin sa ulo ng isang miyembro ng Taliban noong ika-9 ng Oktubre 2012, dahil sa kan'yang paglaban at adbokasiya para sa karapatan ng mga batang babae sa edukasyon sa bansang Pakistan. Kinondena hindi lamang ng mga Muslim ang pagtatangka sa buhay ni Malala. Bukod pa rito bumuhos din ang tulong pinansyal upang agarang mabigyang lunas ang pagbaril sa kanyang ulo.
Ngunit, bago natin kilalanin ang kaniyang buong pagkatao. Balikan muna natin muli ang kahulugan ng mga sumusunod na may kaugnayan sa buhay ni Malala Yousafzai;
- Ang Taliban ay isang kilusang politikal na nagmula sa Afghanistan.
-Tinutuligsa ang Taliban sa konserbatibong pananaw at pag-intindi nito sa Qur’an.
-Itinuturing ng Estados Unidos na isang terorista ang grupong Taliban na may akusasyong massacre, human trafficking, hindi-pantay na pagtrato sa kababaihan, at suicide bombings.
-Ipinanganak siya noong ika-2 ng Hulyo 1997 sa Mingora, Swat Valley, sa hilagang bahagi ng Pakistan, malapit sa Afghanistan.
-Taong 2007, nang masakop ng mga Taliban ang Swat Valley na naging dahilan ng kaniyang pagkakaroon ng determinsayon upang ipaglaban ang karapatan ng nga babae, matapos nitong sunugin ang mahigit 100 paaaralan.
-Ang pagbaril kay Malala ang nagpakilala sa mundo ng tunay na kalagayan ng edukasyon ng mga babae sa Pakistan
-Bagama't nais niyang makamit ang mithiin, ipinagpatuloy niya ang pagsulong sa kalagayan ng mga paaralan para sa mga batang babae sa pamamagitan ng pakikipag usap sa mga:
•Pinuno ng mga Organisasyong Sibil
•Non- Government Organizations o NGOs gaya ng United Nations at iba pa.
1. Ang diskriminasyon at karahasan laban sa mga kababaihan, kalalakihan, at komunidad ng LGBTQ+ ay mga malalawakang isyu sa Pilipinas at sa buong mundo.
2. Halimbawa ng diskriminasyon ay ang paggamit ng foot binding sa China, na naglimita sa paggalaw at oportunidad ng mga kababaihan, at ang breast ironing sa Africa, na naglalayong pigilin ang paglaki ng dibdib ng mga batang babae.
3. Ang karahasan laban sa mga kababaihan, tulad ng pisikal at seksuwal na pang-aabuso, ay isang malaganap na problema, na ipinapakita ng mga estadistika na maraming kababaihan ang nakaranas ng mga anyo ng karahasan na ito.
4. Ang mga organisasyon tulad ng GABRIELA sa Pilipinas ay nagsusulong laban sa iba't ibang anyo ng karahasan sa mga kababaihan, kabilang ang pisikal na pang-aabuso, panghahalay sa sekswal, at trafficking sa sekswal.
Mahalagang kilalanin at tugunan ang mga isyung ito upang palaganapin ang pantay na pagtrato at protektahan ang karapatan ng lahat ng indibidwal, anuman ang kanilang kasarian o oryentasyong sekswal.
KARAGDAGANG KAALAMAN:
Quarter 3- Aralin 2 (Paksa 2)
https://images.app.goo.gl/MJpeaQkELDkpVDAW8
https://images.app.goo.gl/jvjP9XNWyC3a7GVE8
Quarter 3- Aralin 2 (Paksa 3)
https://images.app.goo.gl/ZT9KpkRBxtTxdHhLA
https://images.app.goo.gl/VuoEsR6Le5Ec8vXt6
https://images.app.goo.gl/uyNsyASWeSTLKX2f9
Quarter 3- Aralin 2 (Paksa 4)
https://images.app.goo.gl/PE8jrAtF42cjg3gs5
https://malalayousafzai.peelschools.org/
Para sa mga katanungan at gawain:
https://images.app.goo.gl/aAHGcJ5ZfPPp5Upv9
https://images.app.goo.gl/JmgC3PReDgoasUqt5
https://images.app.goo.gl/7Q2NnnisTqT1Nr8TA