LAYUNIN:
Natatalakay ang iba’t ibang mga hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa kasarian;
Nasusuri ang epekto ng mga hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa kasarian sa mga mamamayan sa lipunan;
Nabibigyang halaghalagaa ang mga hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa kasarian; at
Nakagagawa ng mga programa at aktibidad na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa kasarian.
Layunin nito ang pagbibigay ng pantay na karapatan at oportunidad sa iba't ibang kasarian na kabilang sa lipunan. Nananatiling malaking isyu at hamon ang pagkakapantay-pantay ayon sa kasarian. Sa Pilipinas, kahit malayo na ang narating ng kababaihan sa larangan ng politika, negosyo, media, akademya, at iba pang larangan; nanatiling biktima pa rin sila ng diskriminasyon at karahasan. Ngunit hindi lamang sila ang nahaharap sa diskriminasyon at karahasan, maging ang mga kalalakihan rin ay biktima nito.
Ang tinawag ni Hillary Clinton (2011) na “invisible minority” ay ang mga LGBT, ang kanilang mga kuwento ay itinago, inilihim at marami sa kanila ang nanahimik dahil sa takot. Marami sa kanila ang nahaharap sa malaking hamon ng pagtanggap at pagkakapantay-pantay sa pamilya, paaralan, negosyo, lipunan at maging sa kasaysayan.
Ayon sa dating senador na si Loren Legarda (Senate Women's Month Privilege Speech, 2011) ang papel na ginagampanan ng mga babae sa ating lipunan ay patuloy na nagbabago. Matapos mabigyan ng pagkakataong makapag-aral, ang mga babae ay naging aktibong bahagi na ng puwersang manggagawa, kadalasa'y gumagawa ng trabahong dati'y laan lang para sa mga lalaki. Isang magandang halimbawa ay ang hakbang ng ilang bus companies na kumuha ng babaeng driver na tinuruang magmaneho ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at rekomendado ng Metro Manila Development Authority. Ayon pa rin sa kanya, hindi komo maraming babae na ang nakapagtatrabaho ay sapat na ito. Hindi komo nakikibahagi na sila sa paggawa ng desisyon sa pamilya, sa komunidad at sa bansa, ay nangangahulugang pantay na sila sa mga lalaki.
FORBES MAGAZINE
Noong 2018, inilabas ng Forbes Magazine ang kanilang “Most Powerful People in the World.” Sa 75 na tao na nasa listahan, lima lamang dito ang babae. Sina Angela Merkel, Chancellor ng Germany; Theresa May, Prime Minister ng United Kingdom; Christine Lagarde ng International Monetary Fund; CEO ng General Motors na si Mary Barra at si Abigail Johnson, CEO ng Fidelity Investments. Sa kabuuang 49.6% na populasyon ng babae sa mundo, limang tao lamang ang napabilang at itinuturing na pinakamakapangyarihan sa mundo.
Ang SOGIE Bill ay naglalayong maiwasan ang anumang anyo ng diskriminasyon base sa sexual orientation and gender identity or expression ng isang tao.
Dito sa Pilipinas, ang partisipasyon ng kababaihan sa politika ay higit na mababa kumpara sa kalalakihan.
United Nations Office of the High Commissioner for Human Rights (UN-OHCHR)
Ang pag-aaral ng United Nations Office of the High Commissioner for Human Rights (UN-OHCHR) noong 2011 ay nagpapakita na ang mga miyembro ng LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender) community ay nakakaranas ng di-pantay na pagtingin at pagtrato mula sa kanilang kapwa, pamilya, komunidad, at pamahalaan. Ito ay nagpapakita ng isang isyu ng diskriminasyon at hindi paggalang sa kanilang karapatan bilang indibidwal. Kaya naman sa paglipas ng panahon, hindi lamang karapatan ng kalalakihan at kababaihan ang ipinaglalaban ng iba't ibang indibidwal o grupo. Kabilang din sa mga isinusulong ay ang karapatan ng mga miyembro ng LGBT community kaya naman mayroong panukalang batas na naglalayong magsulong nito, ito ang SOGIE bill.
Sen. Risa Hontiveros
Ang SOGIE bill, ayon sa panukala ni Senator Risa Hontiveros ito ay naglalayong protektahan ang mga tao laban sa anumang uri ng diskriminasyon batay sa kanilang sexual orientation at gender identity o expression. Ang layunin ng panukalang batas na ito ay ipakita ang pagsunod ng pamahalaan sa mga internasyonal na kasunduan tulad ng Universal Declaration of Human Rights (UDHR), International Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR), at International Covenant on Economic Social and Cultural Rights (ICESCR). Dito nagsasaad na dapat matamasa ng bawat tao ang patas at epektibong proteksiyon laban sa diskriminasyon sa kahit anomang basehan katulad ng lahi, kulay, kasarian, wika, relihiyon, politikal at iba pang opinyon; pambansa o panlipunang pinagmulan, kapanganakan, at iba pang estado sa buhay.
Ang Ladlad ang tumitingin sa mga kapakanan ng natatanging partido politikal para sa mga lesbian, gay, bisexual at transgender (LGBT) community dito sa ating bansa. Makikita rin natin ang patuloy na paglaban ng mga grupo ng LGBT para sa pantay-pantay na karapatan, oportunidad at pagtanggap sa pamamagitan ng politikal na paglahok.Ang Ladlad ay sumubok na tumakbo sa eleksyon upang makamit ang representasyon sa Kongreso noong 2007, 2010, at 2013.
Si Emma Watson ay isang aktres mula sa United Kingdom na nakilala sa kanyang mga pagganap sa mga pelikula ng Harry Potter series bilang Hermione Granger. Itinalaga si Watson ng UN Women, isang ahensya ng United Nations para sa pagkakapantay-pantay ng mga kasarian at sa ikabubuti ng kababaihan, bilang UN Goodwill Ambassador. Pinangungunahan niya ang kampanyang HeForShe.
•Noong ika-20 ng Setyembre taong 2014 sa punong tanggapan ng United Nations, pinangunahan ni Emma Watson ang isang kampanya para HeForShe.org.
Kampanyang HeForShe.org
Ang HeForShe.org ay pinag-isang kampanya ng UN Women para sa pagkakapantay-pantay ng kasarian. Ito rin ay naglalayong isama ang kalalakihan sa laban sa di-pantay na pagtrato sa kababaihan at para rin sa karapatan ng kababaihan.
MGA KAUGNAY NA VIDEO
REFERENCES