1. Nabibigyang kahulugan ang terminolohiyang gender at sex
2. Naipapaliwanag ang uri ng gender at sex
3. Natatalakay ang mga gampanin ng kalalakihan at kababaihan sa lipunan at sa iba’t ibang bahagi ng daigdig
4. Napapahalagahan ang gampanin ng bawat kasarian sa lipunang ginagalawan
KATANGIAN NG SEX
Ang mga ilang bayolohikal at pisikal na katangian ng lalaki at babae ay ang mga sumusunod:
May adams apple
May bayag/titi at testicles
May XY chromosomes
May androgen at testosterone
May developed breast
May puki at bahay bata
May XX chromosomes
May estrogen at progesteron
KATANGIAN NG GENDER
Tumutukoy sa panlipunang gampanin, kilos at gawain na itinakda ng lipunan para sa babae at lalaki.
Ito ay puwedeng magbago sa pag-usad ng panahon.
Ito ay iba-iba sa bawat kultura at lipunan.
Mga Halimbawa:
Ang mga kababaihan sa Saudi Arabia ay hindi maaring magmaneho ng sasakyan.
Ang mga kalalakihan ang madalas na naghahanap-buhay
Ang suweldo ng kababaihan ay mababa
LGBT
Pinaghalong simbolo ng lalaki at babae ang siyang kumakatawan sa lesbian, gay, bisexual at transgender
BABAE
Kababaihan ay sumisimbolo ng kagandahan at pagiging modelo ng kanilang makulay na kultura sa larangan ng pagpipinta.
Imahen ng salamin ang naging simbolo ng babae.
LALAKE
Sa panahon ng mga Griyego kilala ang kalalakihan sa larangan ng pakikipagdigma gamit ang kanilang espada at pana.
Ang pana ang naging batayan ng simbolo ng lalaki
Kahulugan ng mga Kulay sa Watawat ng LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender)
Red - Life and Sexuality
Orange - Healing and Friendship
Yellow – Vitality and Energy
Green - Serenity and Nature
Blue - Harmony and Artistry
Violet - Spirit and Gratitude
Gender Roles
Ito ay ang itinakdang pamantayan na basehan ng tungkulin o gampanin ng babae at lalaki batay sa tinatanggap ng lipunang ginagalawan.
Ayon sa isang artikulo na mula sa Hesperian Health Guides ang gender role ng isang tao ay ang pagtatakda ng komunidad kung paano ang pagiging babae at lalaki.
Ang mga sumusunod ay mga halimbawa na isinulat sa nasabing artikulo.
Ang babae ang inaasahang maghanda ng pagkain, mag-ipon ng tubig at panggatong, at mag-alaga sa mga anak at kapartner.
Madalas naman, lalaki ang inaasahang magtrabaho sa labas ng bahay para suportahan ang pamilya at mga magulang sa pagtanda, at magtanggol sa pamilya mula sa kapahamakan.
Paksa 2: Uri ng Kasarian (gender) at Sex (sex)
GALANG - isang organisasyon sa Pilipinas na naglalayong ipagtanggol ang karapatan ng mga nasa laylayan na miyembro ng LGBT.
YOGYAKARTA PRINCIPLES ( 2006 )
ORYENTASYONG SEKSUWAL ( SEXUAL ORIENTATION )
tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksiyonal, emosyonal, seksuwal at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa.
PAGKAKAKILANLAN AT PAGPAPAHAYAG NA PANGKASARIAN ( GENDER IDENTITY AND EXPRESSION
kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak.
MGA ORYENTASYONG SEKSUWAL
( SEXUAL ORIENTATION )
Tao na nagkakagusto o naaakit sa taong hindi kahalintulad ng kanyang kasarian.
Tao na nagkakagusto o naaakit sa taong kahalintulad ng kanyang kasarian.
Tao na naaakit sa parehong babae at lalaki. Ang ibang tawag sa kanya ay AC-DC, silahis, atbp.
Tao na ipinanganak na may reproductive o sexual anatomy na hindi akma sa lalaki o babae.
Babae na nagkakagusto o naakit sa kapwa babae. Ang ibang tawag sa kanya ay tibo, tomboy, lesbiyana, atbp.
Lalaki na nagkakagusto o naakit sa kapwa lalaki. Ang ibang tawag sa kanya ay bakla, beki, bayot, bading, paminta, sirena, atbp.
tao na kinikilala ang kanyang kasarian na maaaring taliwas sa ari nung ipinanganak siya o yung inatas sa kanya ng lipunan. Ang ibang tawag sa kanya ay transwoman, transman, atbp.
tao na may sexual orientation o sexual identity na hindi nakapirmi o nag-iiba o maaring hindi limitado sa dalawang kasarian lamang.
KAUGNAY NA VIDEO:
https://youtu.be/fRwtstTsdBs?si=BU1GcQKKX2VUNt0E
Paksa 3: Gender Roles sa Iba’t-Ibang Bahagi ng Daigdig
Ang kababaihan bagamat na maaaring maging pinuno ng pamahalaan ay tumatamasa pa rin ng mga maliit na lebel ng karapatang pantao sapagkat ang mga kalalakihan ay maaaring mag-asawa ng madami, at maaaring makipaghiwalay sa mga babae at may karapatan ding kunin ang ari-arian na una nang naibigay sa babae.
Ang mga kababaihan ay dapat na maging mahusay sa gawaing bahay. Inaasahan din sila na magkaroon ng malaking pakikipagugnayan sa relihiyon at simbahan. Ang mga kalalakihan ang madalas na kumikita at bumubuhay sa kanilang may bahay at pamilya.
Sa panahon ng pag-aalsa ang mga kababaihan ay naging parte rin ng pagkamit ng kalayaan laban sa mga Kastila. Ang iba ay naging mga bayani, tulad na lamang ni Gabriela Silang
Ang pinakamalaking pagbabago sa panahon ng Amerikano ay ang pantay na pagtanggap ng mga paaralan sa mga kababaihan at kalalakihan. Ang mga kababaihan ay nagkaroon ng pag-asang umunlad sa sarilli nilang pamamaraan. Kasabay nito ang pagbibigay karapatan sa mga kababaihan na bumoto.
Parehas na lumaban ang mga kalalakihan at kababaihan noong ikalawang digmaang pandaigdig.
Sa kasalukuyan, lubos ang kaalaman ng mga tao tungkol sa pagkakapantay-pantay ng karapatan sa kahit na anong kasarian.
Gender Roles sa Ibang Bahagi ng Daigdig
Africa at Kanlurang Asya
Isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anomang benepisyong medikal.
Ito ay isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili nitong walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay maikasal.
gang-rape sa mga Lesbian (tomboy) sa paniniwalang magbabago ang oryentasyon nila matapos silang gahasain.
Papua New Guinea
Taong 1931 nang ang Antropologong si Margaret Mead at ang kanyang asawa na si Reo Fortune ay nagtungo sa rehiyon ng Sepik sa Papua New Guinea upang pag-aralan ang mga pangkulturang pangkat sa lugar na ito.
Nangangahulugang “tao”
Walang mga pangalan ang mga tao rito
Ang mga babae at mga lalaki ay kapwa maalaga at mapag-aruga sa kanilang mga anak, matulungin, mapayapa, kooperatibo sa kanilang pamilya at pangkat.
Kilala rin sa tawag na "Biwat"
Ang mga babae at lalaki ay kapwa matapang, agresibo, bayolente at naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat.
tinatawag din na Chambri
Ang mga babae ay inilarawan nina Mead at Fortune bilang dominante kaysa sa mga lalaki, sila rin ang naghahanap ng makakain ng kanilang pamilya, samantalang ang mga lalaki naman ay inilarawan bilang abala sa pag-aayos sa kanilang sarili at mahilig sa mga kuwento.
Mahusay! Ngayong natapos mo na ang unang aralin narito ang mga gawain upang iyong masubukan ang sarili sa mga natutunan.
REFERENCES:
Ikatlong Markahan- Modyul 1
https://www.researchgate.net/figure/A-pair-of-Abelam-Arapesh-ritual-dancers-with-lavish-face-decoration-completely_fig4_321133149
https://images.app.goo.gl/LRiZ1L4z31zAERH68
https://images.app.goo.gl/nQCq2n6WQggRwjrg8
https://images.app.goo.gl/Ew6HvAJFFkQBbGpX8
https://images.app.goo.gl/vrYGdS8ozJGdVAzH8
https://images.app.goo.gl/MaaK3m5ZKVM6StkN7
https://images.app.goo.gl/69qoK4yToaqxRVrG6
https://images.app.goo.gl/AHzszJNkRSDk84HY6
https://images.app.goo.gl/kTjpCH2xRkASxcmw7
https://images.app.goo.gl/zen5beaeatZZEDvK7
https://images.app.goo.gl/FUwGkx9W837iTmTCA
https://i.pinimg.com/564x/de/60/53/de6053f6d6ee913258903f2276f43a68.jpg
https://i.pinimg.com/564x/5e/9a/f7/5e9af7040780aa98d7f9ccbdedf6c0e3.jpg
https://i.pinimg.com/564x/53/c7/7f/53c77fc5d0c1c63d53e787cad2ddeab2.jpg
https://i.pinimg.com/564x/1e/75/97/1e75970006dff14cb21bd2fd3b8bac7c.jpg
https://i.pinimg.com/564x/43/54/7b/43547be790fe70ac9e472ffed658376b.jpg
https://i.pinimg.com/736x/80/d6/04/80d6043d713fc38fe21d3b99da18af2f.jpg
https://i.pinimg.com/736x/3a/e8/15/3ae815e46b31e60a4f25c2be2e0cdfe1.jpg
https://media1.tenor.com/m/BjnbSGOwRPYAAAAC/power-power-puff-girls.gif