"Komik at Akademiko": Pagsasabay ng Dalawang Mundo para sa Pangarap
Paninimula talaga ang kabataan na kung saan dito umuunlad ng mga pangarap na gusting maging totoo. Alam ko lahat tayo may mga pangarap sa buhay na gusto maging totoo. Hindi mangyayari ang pangarap agad, palaging may mga sagwil sa daan habang sinusubukang abutin ang pangarap. at yan ang nalaman ko habang lumalaki.
Mga limang taon ako nun nung binigay saken an pinakauna kong laptop, at ito’y ang parang pinto para sa pangarap ko, at ito’y ang “World of Arts”. Natandaan ko nataka ako nung nanood ako ng isang “speedpaint” sa Youtube dahil sa kagandahan ng resulta na pinakita sa video na yun. Kaya sinubukan ko mismo at sa totoo lang, kahit na parang "nakakatakot", masaya ako nung nadrawing ko yun kasi ayun, nagawa ko. Pinatuloy ko ang pagguguhit araw-araw, kahit may mga assignments na binigay, hindi yan talaga makakapigil saken. At dahil diyan, naiimprove at nababago ang itsura ng mga drawing ko. Lalo nung pandemya, sobrang saya ko nun dahil pwede na akong magdrawing buong araw mas lalo naimprove yung mga drawing ko.
At dahil dyan, naisip ko na gumawa ako ng komik para ma”jump-start” nako sa pangarap. Subalit, hindi lagi araw-araw may pagkakataon na iuunlad pa ang pangarap ko. Mas lalong tumatambak ang mga ginagawa ko tuwing bagong school year. Naiintindihan ko naman para masanay ako dahil ganito ata mangyayari pagnatapos nako sa pag-aaral. Nakakastress talaga kapag pinasabay ang mga pang-akademiko at pangarap, merong mga beses nabreakdown ako dahil sa kamay ko at sumakit yung ulo ko dahil sa stress. Nag-aalala na tuloy ang pamilya ko dahil sa kabiglaang pagbabago ng ugali ko na tinatanong ako kung gusto ko magpatherapy. Natutuwa akong pinapahalagahan nila ang aking kaisipan kesa sa mga ibang tao na nagsasabi na “Magdasal ka para maayos ang pag-uugali mo!” Pero hindi pwede na sumuko agad. Merong mga paraan na pwedeng pwede ipagsabay ang akademiko at ang pangarap, at sa sitwasyon ko, ang paggawa ng tinatawag na “Web comic”, tulad ng pagaalternate kung ano ang unang gagawin na may timer para sa kanila (15 na minuto para sa dalawa). Sa bagong paraan na ginagawa ko hanggang ngayon, hindi lang natatapos ko ang mga ginagawa ko, pero hakbang-hakbang kona kinukuha ang pangarap ko.
Kahit isang pangarap lang ang gusto kong matotoo, marami ako natutunan habang lumalaki. Posible ang pagsasabay ng dalawang bagay para madaling matapos at mangyari agad. Kung ako’y may posibilidad na bumalik sa dating panahon at may sasabihin sa sarili ko, sasabihin ko sa kanya na makakaya niya yan at maghintay ka dahil makukuha mo yan.
Ang Unang Lalaking Sumira ng Tiwala ko
“Sasaktan ko ang sino mang manakit sayo.”
Iyan lagi ang banta ng aking ama habang lumalaki. Strikto si Papa. Minsan ay naiinggit ako sa ibang bata kung paano sila tratuhin ng kanilang mga ama. Hindi kami nagsama ni Papa sa iisang bubong noong ako’y musmos pa lamang. Walong taong gulang ako noong nakasama ko si Papa. Kung ang iba ay malayang nakapagsasabi sa kanilang ama ng kanilang mga nararamdaman, iba si Papa. Kung ang ibang bata ay superhero ang tingin sa kanilang ama, iba si Papa. Siya ang Boogeyman ng kabataan ko.
Mahal ko si Papa, ngunit siya ang unang lalaking sumira ng tiwala ko.
Ilang beses ko pinangarap noong bata ako na sana ay makahanap ako ng isang lalaking mapapangasawa na gaya ni Papa. Kita ko kasi sa mga ngiti ng aking ina kung paano siya napapasaya nito. Ngunit hindi sapat ang naging pagmamahalan nila. Naghanap ng iba si Papa. Nang dahil kay Papa, nawalan ako ng tiwala sa pag-ibig. Hindi sapat ang salita upang masabi ang aking nararamdaman. Nais ko siyang harapin at sabihin sa kaniya kung kaya niya bang saktan ang sarili niya sapagkat siya ang unang lalaking nanakit sa akin. Hindi kinaya ng damdamin ni Mama kaya’y lumayo kami kay Papa.
Habang binabalikan ang karansan kung iyon. Napatanong ako sa aking sarili kung napatawad ko na ba si Papa. Maraming taon na ang nakalipas ngunit kung babalikan ko, ito ay parang kahapon lang. Sariwa pa rin ang sakit, sariwa pa rin ang mga sugat. Sariwa pa rin ang mga alaalang sa tingin ko ay kailan man hindi na mawawala sa isip ko. Iyon ata ang isa sa mga pangyayari sa buhay ko na nagpabago sa aking sarili. Masaya ako dahil hindi nawala ang masiyahing batang si Ainsley, ngunit namuo ang takot sa kaniyang puso. Takot na magmahal, takot na magtiwala. Hanggang ngayon ay pilit kong pinapatawad ang aking ama, at pilit kong hinihilom ang aking puso. Nang dahil sa pangyayaring iyon, natuto ako ng mga onting bagay tungkol sa pag-ibig. Natuto ako na iba-iba ang klase ng pag-ibig na kayang ibigay ng mga tao. Kahit naging masakit man ang karanasan ko, ito ay nagbigay daan para sa aking personal na pag-unlad at natutuhan ko na maraming bagay ang aking hindi kayang kontrolin, ngunit hindi ito magiging daan para kontrolin ako ng mga bagay na ito.
Ang Pagdiriwang ng Kagandahan sa Pagdalo sa mga Patimpalak
Ang mga pageants, o patimpalak sa kagandahan, ay bahagi na ng ating kultura at tradisyon sa Pilipinas. Sa mata ng marami, ito ay isang makulay at masayang palabas na nagtatampok ng mga kababaihan na hindi lamang maganda kundi may mga taglay na talino, kakayahan, at personalidad. Ngunit sa kabila ng glamor at saya, marami ding aspeto ng mga pageants na nagsisilbing palaisipan o minsan ay sanhi ng di pagkakaunawaan. Isang karanasan ko na may kaugnayan sa mga pageants ay nagbigay sa akin ng malalim na pagninilay at pag-unawa sa mga aspeto ng kompetisyon, at kung paano ito nakakaapekto sa mga kalahok at sa mga manonood.
Habang nagha-handa para sa patimpalak, naramdaman ko ang matinding pressure mula sa mga tao sa paligid ko – mula sa mga kasamahan kong kabataan na nangangarap ding magtagumpay, hanggang sa mga pamilya at kaibigan na nagbigay ng kanilang suporta at inaasahan. Ang pagiging bahagi ng isang pageant ay isang pagsubok ng lakas ng loob at kumpiyansa sa sarili, ngunit sa parehong pagkakataon, naramdaman ko rin ang bigat ng mga pamantayan ng lipunan sa kung ano ang ibig sabihin ng "kagandahan."Sa bawat ensayo, mas lalong tumitindi ang aking pag unawa na ang pageants ay hindi lamang tungkol sa pisikal na kagandahan. Dito ko natutunan na may kahalagahan din ang pagiging matalino, may malasakit, at may malalim na pang-unawa sa mga isyung panlipunan. Ngunit hindi rin maikakaila na ang mga pageants ay nagtataguyod ng mga imahe ng "perpektong" babae – isang stereotype na laging nakaangkla sa mga tiyak na pamantayan ng kagandahan. Isang halimbawa nito ay ang mga tiyak na sukat ng katawan, taas, at hitsura na tila kailangang sumunod ang mga kalahok upang maging karapat-dapat.
Sa aking personal na karanasan, natutunan ko na hindi dapat magtakda ang isang tao ng sarili niyang halaga batay sa kung anong nakikita o sinasabi ng iba. Bagamat may mga aspeto ng pageant na nagbibigay ng tuwa at pagpapahalaga sa mga kalahok, napagtanto ko na ang tunay na halaga ng isang tao ay hindi nasusukat sa mga pisikal na aspeto kundi sa kabutihan ng kanyang puso at isip. Sa huli, natutunan ko ring yakapin ang aking sarili at tanggapin ang aking mga kahinaan at kalakasan. Ang pageant ay isang magandang pagkakataon upang ipakita ang talino at ganda ng isang tao, ngunit ito rin ay nagiging paalala sa atin na ang mga pamantayan ng lipunan ay hindi laging makatarungan at hindi palaging sumasalamin sa tunay na halaga ng isang tao. Ang karanasan ko sa pageant ay nagsilbing daan upang mas mapagtibay ko ang aking kumpiyansa sa sarili at matutunan na ang tunay na kagandahan ay hindi nasusukat sa mga materyal na bagay kundi sa mga aral at kabutihang dulot ng ating mga ginagawa at pagpapakita ng malasakit sa iba.
“Hiram na Buhay”
Napakaganda ng mundo, ngunit puno ito ng mga problemang kaakibat, mapa natural man o gawa ng tao. Mahirap mamuhay, ngunit sa kabila ng lahat ng pagsubok, napakagandang mabuhay. Hiram lamang ang buhay na meron tayo ngayon, at kaya't nararapat lang na ito'y alagaan at pahalagahan. Ngunit may mga pagkakataon na dumating na ang oras natin, at minsan ay hindi natin ito inaasahan.
Naalala ko nung 2017, plano sana naming bisitahin ang aking lolo sa probinsya. Ang pagbisita namin ay magiging kauna-unahan naming pagkakataon upang magkasama-sama kami ng aking ina at lolo. Ngunit habang papalapit na kami sa aming destinasyon, isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap. Bigla na lang inatake ang aking lolo sa puso, at naging sanhi ng kanyang kamatayan. Ang saya at kasiyahan ko sa pagpunta sa probinsya ay agad naging lungkot at pangungulila. Doon ko napagtanto na ganun pala kabilis ang kamatayan, minsan biglaan, minsan hindi. Mula noon, tuwing bago matulog, lagi ko nang iniisip: "Kung ako ba'y mamamatay, saan ako pupunta? Totoo nga ba ang langit at impyerno, o baka naman muling mabubuhay ako bilang ibang tao?" Ang mga tanong na ito ay laging bumabalik sa isip ko, kasi ramdam ko na masyadong maikli ang buhay para mag-aksaya ng panahon. Ngunit ang pinaka kinatatakutan ko ay ang pagpanaw ng aking mga magulang. Bilang anak, palagi kong iniisip kung ano kaya ang mangyayari sa amin ng kuya ko kapag dumating na ang panahon na mawala ang magulang namin. Napapaiyak ako tuwing naiisip ko iyon. Mahal na mahal ko ang magulang ko at hindi ko kayang mawala sila sa aking buhay. Kahit na tumanda man ako, sa tingin ko, palagi ko pa ring kailangan ang gabay at pagmamahal nila. Sa totoo lang, hindi ko kayang mag-isa. Minsan, naiisip ko na kung kukunin man sila ng Diyos, gusto ko rin sumunod agad, kasi sa palagay ko, hindi magiging buo ang buhay ko kapag wala na ang mga magulang ko. Sila ang dahilan kung bakit ako nagsusumikap, at ang lahat ng ginagawa ko ay para sa kanila at para sa aking pamilya. Gusto kong magsumikap at yumaman, at para sa akin, ang buhay ay parang isang karera. Isang karera na magdadala sa akin sa tagumpay, kung saan sa araw na maging mayaman na ako, nandoon pa rin ang magulang ko upang maranasan nila ang mga bagay na hindi nila naranasan sa buhay. Gusto ko silang higitan pa sa lahat ng ibinibigay nila sa akin, dahil sa aking pananaw, wala nang hihigit pa sa pagmamahal at pag-aaruga na ibinibigay nila sa akin. Kahit na may mga pagkakataong nasasagot ko na sila at hindi ko sila nirerespeto, alam ng Diyos na mahal na mahal ko sila. Kaya't napakahalaga na hindi natin sayangin ang mga oras na kasama natin ang ating mga mahal sa buhay, dahil ang oras ay limitado lang para sa atin bilang tao sa mundong ito. Kaya't aking natutunan na sa bawat araw na tayo ay nabubuhay, ay dapat nating sulitin at pahalagahan ang bawat sandali, dahil ang buhay ay napakabilis lumipas.
Sa kabuuan, ang buhay ay puno ng mga pagsubok at hindi inaasahang pangyayari, ngunit ito rin ay isang biyaya na kailangang pahalagahan. Ang pagmamahal at alaga ng ating mga magulang, ang mga alaala at sandali ng pagiging magkasama, ay mga bagay na hindi dapat sayangin. Ang bawat araw ay isang pagkakataon upang magpasalamat at magbigay halaga sa mga tao at bagay na mahalaga sa atin. Sa kabila ng lahat ng takot at pag-aalala tungkol sa hinaharap, ang pinakamahalaga ay ang pagtangkilik sa kasalukuyan at ang pagiging bukas sa pagmamahal at pagpapahalaga sa ating mga mahal sa buhay. Huwag nating kalimutan na ang buhay ay maikli, kaya't ang bawat sandali ay may halaga.
Ang Kaibigan ng Lahat ay Kaibigan ng Wala
Sa bawat yugto ng buhay, marami tayong nakakasalimuha at nakikilalang bagong kaibgan. Ang ating mga kaibigan ang nagsisilbing sandigan sa mga panahong may pinagdaraanan at katuwang sa mga masasayang tagpo. Ngunit sa paglipas ng panahon, natutunan ko ang isang mahirap na katotohanan: “Ang kaibigan ng lahat ay kaibigan ng wala.” Ito ay tinuro rin sa akin ng isang dating kaibigan. Wala namang mali sa pagiging palakaibigan, ngunit natutunan ko sa aking karanasan na hindi sa lahat ng pagkakataon ay mabuti ang maging kaibigan ng lahat. May mga oras na sa ating pagnanais na mapalapit sa bawat tao, nawawala ang lalim ng ating relasyon sa iilan na tunay nating pinahahalagahan.
Sa aking karanasan, ako ay palakaibigan na tao at halos lahat ng mga tao sa aming seksyon ay gusto kong kaibiganin. Naging maganda ang turing ko sa kanila dahil bilang isang tao na walang kapatid ay sila ang itinuturing ko na parang kapatid. Dumating ang oras na nagkaroon na ng mga sari-sariling grupo ang bawat isa ngunit lahat naman ng iyon ay napapabilang ako. Maganda ang naging umpisa nito at masaya ako dahil maraming tao ang gusto akong makasama. Pakiramdam ko ay “fit in” ako sa lahat dahil nakakasabayan ko sila sa bawat tawanan at kwentuhan. Subalit sa kabila ng lahat ito, minsan ay nararamdaman ko na parang may kulang ang koneksyon ko sa kanila. Nalalapitan nila ako kapag may problema sila ngunit kapag may problema ako, pakiramdam ko na mag-isa lang ako. Minsan ay nakakaranas ako ng pagkaleft out at ito ay dahil siguro ay may nakakaligtaan akong mga ganap dahil ako ay nasa kabilang grupo minsan. Sa isang aktibidad na aming isinagawa, ang aming guro ay hinayaan kami na pumili ng mga gustong maging kagrupo, ako lamang ang natirang walang pangkat sa mga kaibigan ko. Sa puntong iyon ay napagtanto ko na totoo nga ang sinabi sa akin ng dati kong kaibigan na ang kaibigan ng lahat ay kaibigan ng wala. Ilan lamang iyan sa mga karanasan ko ukol dito.
Mula sa karanasang ito, natutunan ko na mahalagang unahin muna natin ang ating sarili bago ang kapakanan ng ibang tao. Napakahalaga na dapat natin piliin ang ating mga magiging kaibigan. Ang kaibigan na hindi mo lang makakasama sa masasayang panahon ngunit maaasahan, handang makinig, at mananatili sa iyong tabi. Natutunan kong mas mabuti ang may iilang tao na talagang nakakaintindi at nagpapahalaga sa akin, kaysa maraming tao na pawang pangkaraniwang ugnayan lamang. Ang pagkakaibigan ay hindi nasusukat sa dami ng tao sa iyong paligid kundi sa lalim ng inyong koneksyon. Ang tunay na kaibigan ay handang makinig at manatili sa iyong tabi kahit sa pinakamahirap na mga sandali. Ngayong natutunan ko ang kahalagahan ng pagiging totoo at pagkakaroon ng mga piling kaibigan, pinili ko nang hindi lamang maging kaibigan ng lahat, kundi maging isang totoong kaibigan sa mga taong nararapat sa aking tiwala at malasakit.
Ang Kahalagahan ng Pagkakaibigan sa Buhay ng Isang Teenager
Ang mga tao ay may iba't ibang kahulugan ng pagkakaibigan at iba't ibang opinyon sa kahalagahan nito. Ang pagkakaibigan ay maaaring makatulong sa pagpapagawa ng kalungkutan, magbigay ng pakiramdam ng pag-aari, at lumikha ng mga pagkakataon para sa mga bagong karanasan. Kung tatanungin mo ang sinuman tungkol sa kanilang mga pananaw sa pagkakaibigan, malamang na nakatanggap ka ng magkahalong magkapareho at magkaibang mga sagot.
Nakikita natin ang mga anyo ng pagkakaibigan sa lahat ng dako, sa social media man o sa totoong buhay, na humahantong sa atin na magtaka kung paano naging malapit at komportable ang ilang tao sa isa't isa. Bagama't hindi natin lubos na mauunawaan ang kanilang mga natatanging paglalakbay, malinaw na ang pagkakaibigan ay isang magandang pagpapahayag ng platonic na pag-ibig at isang malalim na pakiramdam ng koneksyon na lubos kong hinahangaan.
Hindi ako nakaramdam ng pagka apurahan o pangangailangan para sa mga kaibigan noong ako ay nasa grade school. Nasanay na akong mag-isa pagkatapos lumipat ang matalik kong kaibigan sa Canada ng hindi ako binibigyan ng anumang abiso. Bilang resulta, nawala ang pakiramdam ko sa pakikisalamuha at nahihirapan akong makipag-usap sa mga tao sa pangkalahatan. Ang pakikisalamuha sa iba ay madalas na nagdudulot sa akin ng pagkaligaw at pagkalito, lalo na sa tila pang-araw-araw na sitwasyon. Ang pinaniniwalaan ko noon bilang mabuting pagkakaibigan sa huli ay nag-iwan sa akin ng pakiramdam na walang laman sa pagtatapos ng araw, na nag-iiwan sa akin na pag-isipan ang lahat ng ito sa isang mabigat na estado ng
pag-iisip.
Sa Baitang 7, nahaharap ako sa isang bagong paaralan, isang bagong kapaligiran, at higit sa lahat, mga bagong tao. Nahirapan akong mag-adjust sa mga hindi pamilyar na mukha at madalas akong nakaramdam ng awkward at wala sa lugar. Gayunpaman, ang sitwasyong ito ay humantong sa akin sa aking matalik na kaibigan ngayon, na lumapit sa akin at nagsimulang makipag-chat sa Ingles dahil sa tingin niya ay pangunahing nagsasalita ako ng wika. Noong una, hindi ko masyadong inisip ito, ngunit isang simpleng imbitasyon na kumain sa McDonald's malapit sa Perpetual ang nagpabago sa pakikisalamuha ko sa iba at binago ko ang aking reputasyon bilang isang tahimik na tao sa klase.
Sa pagmumuni-muni sa aking paglalakbay, napagtanto ko na ang mga pagkakaibigan, lalo na ang mga kababaihan, ay lubos na nagpabago sa aking pananaw sa pakikisalamuha, pagpapahalaga sa mga alaala, at pagpapalawak ng aking network. Nakakatuwang isipin na minsan ay hindi ako naniniwala na magagawa ko ang gayong malalim na koneksyon sa aking mga kaibigan. Ngayon, pagkatapos ng mga taon ng ibinahagi ng karanasan, nakita ko ang aking sarili na pinahahalagahan ang mga bono na ito nang higit pa sa naisip kong posible.
Sa pamamagitan ng paglalakbay na ito, nakakuha ako ng napakahalaga ng mga insight sa pagiging naroroon para sa isang tao, nag-aalok ng tunay na kaginhawahan, at pagpapaunlad ng malalim na pag-unawa sa kung ano ang ibig sabihin ng pagiging isang tunay na kaibigan. Bagama't kinikilala ko na walang sinuman sa atin ang perpekto at naharap natin ang ating bahagi ng mga hamon, ang mga sandaling ito ng pagkasira ay nagsilbing mahahalagang aral. Binigyang-diin nila ang kahalagahan ng aktibong pakikinig, ang lakas ng loob na maging mahina, at ang pangangailangan ng paggalang sa mga hangganan ng bawat isa. Dala ko ang mga aral na ito habang sinisikap kong iwasang maulit ang mga nakaraang pagkakamali.
Sa pagbabalik-tanaw, hindi ko akalain na ang aking buhay ay maging napakayaman at kasiya-siya, na naka-angkla ng aking malapit na grupo ng mga kaibigan. Ang mga aral na ibinahagi nila, ang mga sandali na ibinahagi namin, at ang napakaraming karanasan na pinagsama-sama namin ay may mahalagang papel sa aking personal na pag-unlad. Ang pagkakaibigan ay naging isang pundasyon ng aking pag-iral, na binago ako mula sa isang taong minsan ay ginusto ang pag-iisa tungo sa isang taong umunlad sa piling ng marami. Ang pagtanggap sa kahalagahan ng mga koneksyong ito ay naging isang tunay na pagpapala, at nagpapasalamat ako sa bawat pagkakaibigan na nagbibigay kulay sa aking buhay.
Ang Aking Laban para sa Kalayaan: Isang Pagninilay sa Aking Paglalakbay
Lumaki ako sa isang pamilya kung saan palaging mahirap makahanap ng kagalakan, lalo na noong ako’y nasa ika-10 baitang. Dito ko naranasan ang pinakamalupit na pagsubok sa relasyon ko sa aking mga magulang. Parang lagi akong nalulunod sa kanilang mga kritisismo. Sa buong buhay ko, naging mahirap ang aking mga magulang sa akin, at ang presyon ay hindi ko na kayang tiisin. Bilang isang lalaki sa aming pamilya, ako ang inaasahan na gumawa ng lahat ng bagay, palaging tama, at hindi pwedeng magkamali.
Ngunit sa bawat pagkakamali ko, laging malupit ang kanilang reaksiyon. Hindi ako nakakatanggap ng pag-uusap kundi puro sigawan, pagmumura, at laging paghahambing sa iba. Palagi nilang sinasabi na hindi ako sapat, at wala akong magawang tama. Ang mga salitang ito ay naging sanhi ng labis na emosyonal na sakit, na hanggang sa aking mga panaginip ay sumasalamin. Tuwing isinasara ko ang aking mga mata, natatakot akong marinig muli ang kanilang mga sigaw, ang mga salitang masasakit na paulit-ulit sa aking isipan. Para na akong nakakulong, walang paraan para makalabas, kahit sa aking pagtulog.
Ang mga trauma ng mga sandaling iyon ay nag-iwan ng matinding epekto sa akin. Madalas akong magising na umiiyak, kahit na ilang oras lang akong natulog. Ang mga sugat sa aking emosyon ay malalim, at hindi ko kayang alisin ang pakiramdam ng pagiging bilanggo sa sarili kong tahanan. Dumating sa punto na nagsimula akong umiwas sa kanila. Laging may dahilan akong binibigay na hindi ako makauwi agad—sasabihin ko na may schoolwork ako o mag-iimbento ng ibang dahilan para lang hindi makita sila. Naging tao ako na wala na silang alam tungkol sa akin, at sa maraming pagkakataon, hindi ko na rin kilala ang aking sarili.
Ang distansya sa pagitan namin ng aking mga magulang ay naging proteksyon ko mula sa patuloy nilang verbal na pang-aabuso. Para bang ako’y nabubuhay sa dalawang magkaibang mundo—isang mundo kung saan nais kong mabuhay nang ayon sa gusto ko, at isa pang mundo kung saan ako’y kanilang anak, na kailangang sumunod sa lahat ng utos at hindi makapagdesisyon para sa sarili.
Sa kabila ng lahat ng sakit na nararamdaman ko, ang mga karanasang ito ay nagsilbing motibasyon ko upang magpatuloy. Napagtanto ko na kung gusto kong makalabas sa cycle ng takot at sakit, kailangan kong magtapos ng pag-aaral at maging independent. Ang pangarap ko ay naging malinaw: nais kong magkaroon ng buhay na hindi punong-puno ng galit at negativity, kung saan maaari kong tawaging aking tahanan—isang lugar na puno ng kapayapaan. Alam ko na para makalabas sa bilangguan na ito, kailangan kong tumayo sa aking sariling mga paa, upang magtayo ng buhay na kung saan maaari ko nang maramdaman ang kalayaan mula sa lahat ng kritisismong palaging nasa aking likod.
Isa pang dahilan kung bakit gusto kong tapusin ang pag-aaral ay para sundan ang aking tunay na passion—ang fashion. Alam kong hindi ito ang pinakapraktikal na landas dito sa Pilipinas, ngunit sa tingin ko, ang negosyo ay tungkol sa pagkuha ng risk, hindi ba? Ang mga magulang ko ay may sariling negosyo kung saan bumibili sila ng lupa at nagpapagawa ng mga bahay o apartment na ipinaparenta. Iyon ang kanilang pangunahing pinagkakakitaan, ngunit hindi ko iyon interes. Ako ay may pangarap na magpatuloy sa aking pagmamahal sa fashion at balang araw, sana, makapag-create ako ng sarili kong brand at maging kilala ang aking clothing line.
Kung sakaling magtagumpay ako sa pangarap ko, para itong isang pagtubos sa aking sarili. Isang pagkakataon na maipapakita ko sa sarili ko na wala sa mga sinabi nila ang totoo, at kayang-kaya ko palang makamit ang isang bagay na mahirap at labis na pinagmamalaki. Laging may mga pagkakataon na ako ay inihahambing sa iba—madalas sinasabi ng aking mga magulang na may ibang bata na mas magaling kaysa sa akin. Ngunit kung magtatagumpay ako, ito ang magsisilbing patunay na hindi ko na kailangan pang magpaliwanag sa kanila. Makakamtan ko ang aking mga pangarap at magsisilbing inspirasyon na maaari ko pa ring baguhin ang aking buhay.
Sa kabila ng lahat, natutunan kong minsan, ang pinakamahirap na laban ay ang mga laban na hindi mo nakikita. Ang mga sugat ng verbal na pang-aabuso ay hindi nakikita ng iba, ngunit nararamdaman ko. Hindi ko hinahayaan na maging dahilan ng aking mga karanasan ang aking pagkatalo. Determinado akong magpatuloy, tapusin ang aking pag-aaral, at magtayo ng isang bukas na puno ng pag-asa at kalayaan. Maaaring hindi ko nakuha ang suporta mula sa aking mga magulang, ngunit natutunan kong maging lakas ko ang aking sarili. At dito ako kumukuha ng lakas, upang magpatuloy at lumikha ng buhay kung saan sa wakas, makakaranas ako ng kapayapaan at tagumpay sa mga pangarap ko.