Bago pa man mag-umpisa ang Sportsfest 2024, ang mga estudyante na sasabak sa kompetisyon ng cheerdance ay abala sa pag-eensayo ng kanilang sa sayaw. Maraming nilaan na oras, pagod, at pawis ang mga kalahok sa pananabik na manalo sa kompetisyon.
Sa pag-uumpisa ng Sports Fest 2024, ang lahat ay nagtipon noong ika-2 ng Disyembere, 2024 sa Gym 2 para sa pagbubukas ng programa.
Noong ika-3 ng Disyembre sa Gym 2, bawat grupo ng mga kulay ay maayos na nakahilera. Naghihintay sa panonood ng cheerdance at ang pagrampa ng mga muse ng bawat grupo.
Sa palarong basketball, naglaban ang grupo ng berde at ang kahel. Dikit na dikit ang laban ng magkaharap na grupo ngunit mas nanaig ang Kahel kung kaya’t ito ang nagwagi.
Sa paglalaban ng Pula at Rosas, parehas na magaling ang magkabilang grupo ngunit mas lamang ang Pula. Hindi na muling nakahabol ang kulay Rosas kaya naman ang pagwawagi ay napunta sa Pula.
Sa huli, ang Senior High School Sportsfest 2024 ay naging isang magandang karanasan para sa lahat. Sa kabila man ng pagod na naranasan ay napalitan naman ito ng kasiyahan dahil sa pagkakaisa ng bawat isa. Panalo man o talo, ang mahalaga ay naging masaya ang tatlong araw ng sportsfest at ito ang magsisilbing pagkapanalo natin.