“Pambalik Taal”
Kahit anong araw pwede namang kami lumabas para kumain pero ito’y isa sa pinakamemorable na pangyayari sa balikbayan namin. Ang kapatid ko’y hindi pa talaga naranasan ang tanawin ng Taal sa personal dahil halos buong buhay siya nasa Canada. Umuwi na kasi ang balikbayan naming kamag-anak, kaya napagisipan nila na kumain sa labas. Sa pagkatandaan ko pinagusapan nila na kumain sa labas sa gabi bago ang araw na iyon. Kahit isang araw at pinuntahan lang iyon,natandaan ko maraming memories ang nagawa noon.
Kahit anong araw pwede namang kami lumabas para kumain pero ito’y isa sa pinakamemorable na pangyayari sa balikbayan namin. Ang kapatid ko’y hindi pa talaga naranasan ang tanawin ng Taal sa personal dahil halos buong buhay siya nasa Canada. Kaya pinagisipan ng pamilya ko na ipakita sa kanya ang tanawin ng personal at sabay narin naisip na kumain sa parehong oras na yun, pupunta sana kami ng 9 ng umaga pero umalis nalang kami ng bahay ng alas-dose ng tanghali dahil tanghali na gumising ang mga balikbayan. Habang nasa kotse kami, Ang sobrang traffic papunta doon, nagsitulugan kami ng kapatid ko habang nag-kukwento ang iba sa kotse para malipas ang oras. Pagdating namin sa Tagaytay, mga alas tres ng hapon na iyon, at buti nalang walang gaanong tao sa oras na iyon, dahil magsi-datingan ang mga turista sa gabi dahil sa aesthetic ng kainan na iyon. Habang naghahanap kami ng magandang pwesto, biglang umusok ang Taal! Dahil diyan, naglitrato kami buong pamilya, via humalili. Habang nagpipicturan, nag-order ang tita ko ng pananghalian at sabay meryenda. Masarap naman ang pagkain doon, pero hindi talaga namin kaya ubusin at medyo mabilis lumamig ang bulalo dahil sa klima sa Tagaytay. Pagkatapos namin kumain, masaya kami talaga na nakipagbonding kaming pamilya at parang "Once in a lifetime" ito na mangyayari, makipaglitrato sa taal na umuusok pa. Bago kami umalis, nagselfie kami sa harap ng kainan bilang memorabilia na ilalagay sa "Alexa" ng Amazon.
Simple lang naman ang piniling lugar na piniling puntahan pero ang mga memories na galing doon, ay sobrang maganda at marami. Lalo na sa kapatid kong na mas sanay sa Canada, nalaman niya na ano ang itsura ng isang pantropiko na bansa at ano ang mga kilalang pagkain sa bansa na iyon. Dahil sa pangyayari na ito, sinabi ng nanay niya sa akin na "Magandang kwento ito para sa kaklase niya pagbalik nila sa Canada" at alam ko, ito'y isnag malaking memory para sa kanya.