Ang Bandera ng Rosas: Isang Larawang Sanaysay sa Sportsfest 2024
Ang mapabilang sa isang grupo na ang isang pagkakakilanlan ay ang kulay na paborito ng mga nakararaming babae ay naging biro noong una. Tila maraming nagsasabi na masyadong babae ang kulay na ito, kaya bang lumaban sa mga tanyag na kulay tulad ng asul, pula, pati na rin ginto? Ayan ang gumambala sa akin, ngunit matapos ang tatlong araw ng paligsahan, iba ang aral na natutuhan ko mula sa kulay na ito. Kaya samahan niyo akong bumalik at tanawin ang aking karanasan sa Sportsfest 2024.
Bilang isa sa mga tagapag-hatid ng balita sa mga maraming mag-aaral, kami ay nagkaroon ng isang pagpupulong at ang litrato na ito ay kuha mula sa isang drone ng isa sa mga maniniyot ng aming organisasyon. Kita sa larawan kung paano naging maganda ang kinalabasan ng isang litrato kahit na iba-iba ang kulay ng damit ng mga tao rito, natuwa ako at naisip ang pagkakaisa mula sa aming pagkakaiba-iba.
Ito ay kuha ko sa sarili kong telepono, nangyari ito habang ang pangkat naming ay pumarada sa aming paaralan, natuwa ako dahil sa ganda ng aming kulay. Pambabae man ito sa paningin ng iba, ngunit ang kulay na ito ay naging simbolo naming ng pagkakaisa.
Ito naman ay litrato ng aking grupo, sila ang nakasama ko na mag-ensayo sa loob ng halos isang buwan,n akita namin kung paano ginawa ng aming grupo ang aming lahat ng makakaya upang manalo sa laban. Hindi man kami nagwagi ngunit masasabi bang talo ang isang laro kung natapos naming ito nang nakangiti?
Ito ay kinuhang litrato ng aming guro na si Bb. Lady Lee Consignado, pabiro ko pang sinabi na gagamitin ko ang litrato na ito para dito, kung tatanungin ako kung paano ito nakaapekto sa akin ay isa lang ang isasagot ko. Ang mga kulay ng na ito ay parang buhay, iba't iba, tulad ng ating mga pangarap, nag-aalab, puno ng pag-asa, masalimuot at magaan, sa bawat kulay, mundo'y nagiging makulay.
Ito ay ang huling araw ng paligsahan, kita sa larawan kung paano nangibabaw ang rosas. Kulay na aking pinanggalingan, kulay na hindi ko malilimutan.
Kung tatanungin ako kung anong natutuhan ko, rosas ang isasagot ko. Ang kulay na ito ang nagturo sa akin kung ano ang kahulugan ng pagkakaisa. Marami man ang nanlumo na walang napanaluhan ang kulay na ito, pero dahil sa aking mga kasama ay parang nanalo na ako. Sa loob ng tatlong araw ay nangibabaw ang iba’t ibang kulay, ngunit rosas ang tumatak sa aking buhay. Salamat sa dalawang taon, hanggang sa muli, rosas.