Noong ika 2-4 ng Disyembre, nagkaroon ng “Sportsfest” sa University of Perpetual Help: System DALTA. Ito’y isang kaganapan kada taon kung saan ang buong Senior High School ay nagsama-sama para lumaban sa mga iba’t ibang paligsahan at laro na angkop sa kaganapan nito.Ang mga sumusunod ay ang mga litratong nakuha ko.
Bago talaga nagsimula ang Sportsfest, nagsama-sama kami at nagparada papunta sa pagkatandaan ko gym 2, para sa opening ceremony. Dito na makikita ang excitement namin para sa kaganapan nito.
Pagpasok namin sa gym, maririnig talaga ang malakas na kasiyahan ng mga estudyante sa mga koponan nila. Sa sobrang ingay kailangan pa talaga ikalma sila, pero nakakaexcite talaga.
Sunod naman ang isa sa pinakahinihintay na kaganapan, na cheerdance, sa pwesto ng koponan namin, di ko medyo nakikita ang mga sayaw na ginagawa nila dahil nakatalikod sila. Pero, technically kailangan nila na nakaharap sa mga judges para, malamang iskoran sila. Tsaka, yung performance nila ay nakaka interest catching" mga ganon, ito’y napaligaw sa koponan namin bagp. Habang at pagkatapos nila magperform.
Pagdating naman ng pagkilala ng bagong Ms. SportsFest, hindi natagumpay ang aming representative dyan pero okay lang sa’min. Ang importante lang ay syempre, may pinakita tayo para sa Ms. Sportsfest at pagsama-sama ng suporta sa kanya.
Panghuli naman ay ang awarding sa pagkatandaan ko ay ang Badminton at Swimming sa kategorya ng lalaki. Nung nalaman namin na ang aming koponan ay ang itinuring “champion”, malakas talaga ang sigawan at suporta namin sa kanila, kahit mainit nung araw nayun.
Kahit na konti lang nakuhang panalo ang pink team, ang importante nito sa huli ay ang kasiyahan at ang mga memories na nakuha namen sa 3 araw ng SportsFest. Kahit na medyo may kaguluhan na nangyari, nakipagcooperate kaming buong koponan para maituturing memorable at maayos ang mga iyon at ito’y isa sa mga memory na diko talaga malilimutan.