PHOTOJOURNALIST
FILIPINO
FILIPINO
📷: Queen Audrey Jamero
Pagsasanay para District Festival of Talents Makikita sa larawan ang mga elemtaryang mag-aaral na nagsasanay para sa katutubong sayaw gamit ang kanilang mga bilao. Makikita ang kanilang pagta-tiyaga at pagtutulungan habang sila'y sabay-sabay na sumasayaw. Isa itong paraan upang mapanatili ang kulturang Pilipino at maipakita ang kahalagahan ng ating tradisyon.
📷: Queen Audrey Jamero
Pagsisimula ng Bagong Ugnayan, Pagkakaibigan, at Saya Sa ilalim ng ilaw at musika, muling nagkatipon ang mga kolehiyong estudyante upang mas makilala ang isa’t isa at ipagdiwang ang pagkakaibigan, kasiyahan, at bagong simula sa temang “A Night in Paris.”
📷: Queen Audrey Jamero
Mag-aaral, Tinuruan ng Wastong Kaalaman Kontra Teenage Pregnancy Mag-aaral sa Saint Thomas Aquinas College aktibong nakikinig sa symposium tungkol sa teenage pregnancy na isinagawa ng taga Supreme Student Government noong ika-24 ng setyembre. Nagtuturo ng kahalagahan ng wastong kaalaman upang maiwasan ang maagang pagbubuntis.