Panahon na Para Tapusin ang mga Anay at Puksain ang mga Buwaya sa Pamahalaan
By: Ruth Baleros
Sa isang bansang maraming kapos-palad at naghihikahos gaya ng Pilipinas, lalong hindi nakatutulong ang pagkakaroon ng mga magnanakaw at kurap na opisyal na patuloy na nagpapakasasa sa perang nakalaan sana para sa kapakanan at pangangailangan ng taong bayan. Habang ang mga tao ay patuloy na nagbubuwis-buhay tuwing tumatawid sa baha at nagtitiis sa sira-sirang mga tulay, samantalang ang mga opisyal ay nagpapasarap sa pagbili ng mga kotse. Paano ito naging patas sa taumbayan, na sa bawat buwis na binabayad nila sa gobyerno ay napupunta lamang sa pagbili nang mamahaling gamit?
Matapos magsagawa ng internal audit ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nalantad sa media ang isyu ng ghost at palpak na flood control projects ngayong Agosto 2025 na sinundan ng imbestigasyon ng Senado, Kongreso, at Office of the Ombudsman.
Nararapat lamang na listahin at alisin sa puwesto ang mga ganitong opisyal upang hindi na sila pamarisan pa. Hindi lamang ang mamamayan ang kanilang pinahihirapan, kundi sinisira rin nila ang imahe ng pamahalaan. Madalas, ang mga ganitong opisyal ang nagiging dahilan ng pagkawala ng tiwala ng mga tao sa gobyerno.
Kung patuloy na pamumunuan ang pamahalaan ng Pilipinas ng mga buwayang opisyal na walang tigil sa pagkukurakot sa kaban ng bayan, walang magiging kinabukasan at hindi uunlad ang bansa.
Sa huli, ang paglaban at pagsugpo sa korapsyon ay hindi lamang simpleng usapin ng katiwalian, kundi nakasalalay din dito ang kinabukasan, kaunlaran, at tiwala ng mamamayan sa pamahalaan. Oras na para alisin ang mga anay na patuloy na sumisira sa ating bayan, at magagawa lamang ito sa pamamagitan ng pagkilos hindi lang sa paglilantad sa kanila. #
09/5/25
Tinig ng Bayan, Wakas ng Katiwalian
By: Ruth Baleros
Ang mga kalsada ng Maynila at iba pang lungsod ay muling umalingawngaw sa tinig ng mga Pilipinong nanghihingi ng katarungan. Hindi ito basta simpleng pagtitipon kundi isang mariing panawagan na wakasan ang katiwalian. Ang mga proyektong dapat sana ay nagliligtas ng buhay at ari-arian sa panahon ng baha ay mistulang bulang hindi natupad, dahil ang pondong nakalaan dito ay ninakaw.
Hindi na sapat ang pagtanggap at pananahimik. Sapagkat habang may iilang nakikinabang at nagpapakasasa sa nakaw na pera, kapalit naman nito ang pagdurusa ng milyun-milyong maralitang Pilipino na paulit-ulit na binabaha, nawawalan ng tahanan, at unti-unting nawawalan ng pag-asa. Kaya naman nitong Setyembre 11,, 2025, libo-libong mamamayan ang nagtipon sa Rizal Park, People Power Monument, at EDSA Shrine. "Magnanakaw, ikulong na yan" ang mariing sigaw ng mga nagpoprotesta na naglalayong tapusin ang nakawan, panagutin ang mga maysala, at ibalik ang tiwala ng bayan.
Sa kabila ng kaguluhang ito, nananatiling mabigat ang tanong "Kailan kikilos ang ilan pang Pilipino? Manonood na lamang ba sila habang unti-unting ninanakaw ang kanilang kinabukasan?"
Panahon na upang ang taumbayan ay kumilos at tumindig. Hindi na sila dapat manatiling biktima ng pang-aabuso at katiwalian. Oras na upang sila ay kumawala mula sa pagkakakulong sa sistemang pinaghaharian ng mga buwayang opisyal. At sa pamamagitan ng simpleng pagsigaw ng karapatan sa mga kalsada, nakakatulong ang bawat isa upang ipabatid sa pamahalaan na kailangan na nilang umaksyon.
Hindi na dapat manahimik sa isang tabi. Sa laban kontra katiwalian, ang bawat tinig ay mahalaga sapagkat tanging nag kakaisang boses lamang ang pupuksa sa mga sakim na buwaya.
Sa huli kung mag mimistulang bingi at pipi lang ang bayan, patuloy na dadanasin nang susunod na henerasyon ang pait at paghihirap sa bansang ito. Ngunit kung sabay-sabay silang titindig, walang kapangyarihan ang mas makapangyayari pa kaysa sa tinig ng nagkakaisang sambayanan.#
09/26/25
Pagyakap sa Hindi Pa Alam: Ang Hamon ng Siyensya
By: Ruth Baleros
Sa mundong pabago-bago, kung saan ang bawat sandali ay may kasabay na pagbabago sa teknolohiya at agham, tila nagiging hamon kung paano makakasabay ang sangkatauhan. Habang ang ilan ay nangangamba sa bilis ng pagbabago, nariyan din ang paniniwalang ang siyensya at inobasyon ang magiging susi upang mapabuti ang kinabukasan ng lahat.
Ang temang "Harnessing the Unknown: Future Through Science Innovations" ay nagsisilbing paalala na ang mga hindi pa lubos na nauunawaan ay hindi dapat katakutan, kundi pag-aralan at paunlarin pa. Layunin nitong hikayatin ang bawat mamamayan na tangkilikin ang agham bilang daan tungo sa pag-usbong ng bagong ideya, solusyon, at pag-asa para sa mundo na may hangaring mapagaan ang pamumuhay at mapaunlad ang kaalaman ng tao.
Sa pamamagitan ng siyensya at mga makabagong inobasyon, nagiging posible ang mga solusyong dati ay imposible. Sa larangan ng kalusugan, teknolohiya, at edukasyon, nakatutulong ito sa pagresolba ng mga suliranin ng lipunan. Ang agham ay hindi lamang nakatuon sa pagbibigay ng linaw at direksyon sa kinabukasan. Ito ay gabay upang maharap ng tao ang mga suliranin nang may kaalaman at tiwala.
Mahalaga ang temang ito sapagkat binibigyang-diin nito ang kahalagahan ng patuloy na pagdiskubre, eksperimento, at pagkamalikhain. Ang siyensya ay nagsisilbing tulay upang makamit ang pag-unlad, at ang inobasyon ang nagbibigay ng bagong pananaw sa kung paano haharapin ang mga pagbabago. Sa panahon ng modernisasyon, ang pag-unawa sa agham ay nangangahulugang pag-unlad hindi lamang ng teknolohiya, kundi ng pag-iisip at kabuhayan.
Sa huli, pinapaalala ng temang ito na ang kinabukasan ay hindi dapat katakutan kundi dapat yakapin at paghandaan sa pamamagitan ng siyensya at inobasyon upang mas maging malinaw ang landas patungo sa progreso. Sa mundong ito na parang makinang patuloy ang pagtakbo, makakamtan lamang ang tunay na pag-unlad kung gagamitin ang agham bilang sandigan sa pagharap sa kinabukasan. #
10/03/25
Mahalagang Kaalaman, Sa Gitna ng Pag-uga ng Lupa
By: Ruth Baleros
Sa bawat pag-uga ng lupa, hindi lamang mga gusali ang nayayanig kundi maging ang katahimikan ng lipunan. Mabilis, biglaan, walang babala, at delikado, iyan ang lindol. Ngunit sa kabila ng takot na hatid nito, may sandatang kayang ihanda ng bawat mamamayan tamang kaalaman at kahandaan.
Ang lindol ay isa sa mga natural na kalamidad sa mundo na hindi mapipigilan ng agham o teknolohiya man. Gayunpaman, maaaring mabawasan ang pinsalang dala nito sa pamamagitan ng wastong paghahanda. Gaya ng mahalagang pagkakaroon ng malinaw na plano sa bawat tahanan at institusyon, kabilang ang pagtukoy sa mga ligtas na lugar o safe zones, at pagkakaroon ng emergency kit na naglalaman ng pagkain, tubig, first aid kit, at mahahalagang dokumento ay malaking tulong sa oras ng pangangailangan. Sa panahon ng lindol, dapat isaisip ang tatlong hakbang "Drop, Cover, and Hold On". Ang pagpapanatili ng kapanatagan at disiplina ay nakatutulong upang maiwasan ang mga kapahamakan.
Pagkatapos ng lindol, mahalagang hintayin muna ang hudyat o pag-apruba ng mga awtoridad sa kaligtasan ng mga lugar bago muling pumasok sa mga gusali o tahanan upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan. Sa ganitong paraan, nananatiling ligtas at mahinahon ang bawat komunidad.
Ang kahandaan ay hindi nagsisimula sa oras ng pagyanig, kundi sa araw-araw na pagkilos tungo sa kaligtasan. Sa bansang may disiplina at kaalaman, mas nagiging matatag ang sambayanan sa harap ng anumang sakuna. #
10/11/25
Ang tunay na sandata laban sa Lindol ay hindi Takot, kundi Kaalaman at Kahandaan.
By: Ruth Baleros
Sa bawat pagyanig ng mundo, madalas ay takot ang nangingibabaw. Ngunit sa halip na pagtakbo, ipinakita ng Saint Thomas Aquinas College na ang tunay na sandata laban sa lindol ay hindi takot, kundi kaalaman at kahandaan.
Nitong Oktubre 15, 2025, ganap na alas 4:00 ng hapon, isinagawa ng paaralan ang earthquake drill bilang bahagi ng kanilang layunin para masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante . Sa aktibidad na ito, nasaksihan ang pagkakaisa ng mga guro at mag-aaral na sama-samang nagsanay, nagmatyag, at nagpakita ng kahandaan sa gitna ng mga hindi inaasahang mga sakuna. Hindi ito basta-bastang drill ito ay patunay ng malasakit ng paaralan sa kapakanan ng bawat bata.
Sa panahong dumarami ang mga ulat ng lindol sa bansa, ang ganitong mga inisyatiba ay dapat hangaan. Ipinapakita nito na sa bawat pagtuturo at pagsasanay, pinatitibay hindi lamang ang mga gusali kundi pati ang pundasyon ng kamalayan at disiplina ng mga kabataan. Ang Saint Thomas Aquinas College ay nagsilbing halimbawa ng kung paano maaring maging ligtas ang bawat Pilipino sa pamamagitan ng edukasyon at tamang paghahanda.
Sa halip na takot, kaalaman at tapang ang pinairal ng mga Thomasian. Sa ganitong mga gawain, muling nagpapaalala sa lahat na ang kaligtasan ay hindi lamang responsibilidad ng mga awtoridad, kundi tungkulin ng bawat isa.
Sa bawat pag-uga ng lupa, nawa'y hindi malimot ang mga aral na natutunan at matotong hindi takot kundi kaalaman ang pairalin sapagkat sa wastong paghahanda, walang lindol ang kayang yumanig sa katatagan ng bawat pagkatao. #
10/17/25
Pagod, Puyat, at Presyur: Ang Mukha ng Edukasyon Ngayon
By: Ruth Baleros
Bawat pagpasok sa eskwela, bitbit ng mga estudyante ang puyat na mata at pagod na katawan habang pilit inaalala ang mga pinag-aralan kagabi. Araw-araw nilang tinitiis ang pagod at puyat hindi lamang upang matuto, kundi upang makasabay sa mga inaasahan sa kanila. Sapagkat sa mundong ito, sa halip na inspirasyon, presyon na ang naghahari sa mga silid-aralan. Medalya at sertipiko na ang naging sukatan ng talino at galing na para bang kapag wala ka nito, wala ka ring halaga. Ganito ang realidad na araw-araw na hinaharap ng bawat estudyante ngayon.
Nang dahil sa ganitong kaisipan, ayon sa datos ng Commission on Higher Education (CHED), dumarami ang mga estudyanteng nagda-drop out hindi dahil sa hirap ng aralin, kundi dahil sa mga problemang pangkaisipan tulad ng depresyon at anxiety. Mula elementarya hanggang kolehiyo, maraming kabataan ang nakararanas ng labis na pagod, kawalan ng tulog, at matinding takot sa pagkakamali. Para bang ang bawat grado ay hatol, at ang bawat pagkabigo ay kahihiyan sa pamilya.
Bagaman maganda ang layunin na hikayatin ang mga kabataan na ibigay ang kanilang makakaya at maging magaling upang makamit ang tagumpay, hindi maikakailang nagdudulot ito ng labis na presyur. Presyur na parang kutsilyong unti-unting pumapatay sa kanila. Para sa ilang estudyante, ang medalya at sertipiko ay nagiging kapalit ng luha, puyat, at kalusugan ng isip at damdamin isang mabigat na halaga para sa tagumpay na minsan ay wala nang saysay. Dahil maaring sa likod na mga listahan ng mga "honor students" nakatago ang mga mapapait na gabi at araw na mga estudyanteng nanalo sa papel subalit na bibigo sa sarili.
Kaya naman panahon na upang baguhin ang pananaw sa edukasyon. Hindi lang ito tungkol sa karangalan o sa pagtaas ng marka ito ay dapat maging daan sa paghubog ng isang buo at masayang pagkatao. Dapat tiyakin ng mga paaralan na may sapat na "guidance programs" at "mental health support" para sa mga estudyanteng nahihirapan at piankamahalaga dapat maunawaan ng lahat na ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa medalya, kundi sa kung gaano kaligaya at kalmado ang pusong natututo.
Sana, sa susunod na pag-angat ng tropeo, ay hindi lamang pagod ng mga estudyante ang makikita, kundi tunay na kaligayahan sa kanilang tagumpay, hindi lang sa paaralan, pati narin buhay.#
10/29/25
Discaya: Panahon ng Hustisya
By: Ruth Baleros
Sa bawat sirang tulay at pananggalang sa baha na nagdulot ng maraming kapahamakan sa buhay ng mga Pilipino, ang pangalang Discaya ay palaging nakatatak sa isipan ng publiko.
Bagaman siya ay nagpasko sa kulungan nong nakaraang taon at sa wakas sanay magkakaroon na nang hustisya ay nitong Enero 13, 2026 lamang muli siyang hinarap ng Regional Trial Court Branch 27 sa Lapu-Lapu City at nag plead ng not guilty sa kanyang kasong graft at malveration. Ngunit ang tanong hahayan nga lang ba ang isang makasalanang taong gaya niya na makasalusot sa isang mabigat na krimeng pumatay at nagpahirap sa buhay nang maraming Pilipino?
Ang pagnakaw ni Discaya at ng mga kasama niya sa perang para sa mga libo libong maralitang Pilipino para lang ipambili nang mamahaling kotse na may malaking payong di umano. Samantalang patuloy na ngangamba ang mga tao na lumilikas tuwing baha sa takot na mapahamak at dahil ito sa mga hindi dikalidad at tinipid na proyekto para sa kaligtasan nang marami.
Sa tuwing may namamatay sa sakuna, huwag sanang mawala sa isip ng mamamayan na si Discaya at ang kanyang mga kasama ay may bahagi sa kanilang kapahamakan. Kaya naman, hindi dapat hayaan na makalabas sa kulungan ang mga ito. Dapat silang mabulok sa likod ng rehas at magbayad sa pinsalang kanilang ginawa. Ito ang tunay na hustisya para sa mga nadamay at naapektuhan ng kanilang kasakiman.
Ang kasong ito ay hindi simpleng kasong pampulitika o ordinaryong graft. Ito ay paglabag sa karapatan nang mga tao hindi lang sa hustisya kundi magkaroon na patas at maayos na pamumuhay. kaya naman oras na para kumilos. Nang saganon sa susunod na sakuna walang maghahatid sa simenteryo sa halip makapag bangon nang malaya.
01/16/2g
Handa, Ngunit Mapayapa: Ang Ugnayan ng Pilipinas at Japan
By: Ruth Baleros
Sa unti-unting paglawak nang agawan nang teritoryo at yamang-dagat hindi maiiwasan ang pag-usbong nang tensyon sa pagitan nang china at Pilipinas. Isang alitan na maaaring magdulot nang kapahamakan o banta sa kapayapaan ng dalawang bansa sa hinaharap. Ang mga nangyayari sa West Philippine Sea ay hindi na lamang usaping diplomatiko, kundi malinaw na hamon sa seguridad at soberanya ng bansa.
Sa ganitong kalagayan, muling napukaw ang pansin ng publiko nang lumagda ang Pilipinas at Japan sa mga bagong kasunduang pangdepensa. Ang Acquisition and Cross-Servicing Agreement (ACSA) ay nagpapahintulot sa dalawang bansa na magbahagi ng suplay at suportang logistikal sa panahon ng joint military training. Kasama na dito ang tulong mula sa Japan upang palakasin ang kakayahang pandagat ng Pilipina, isang maituturing na napakalaking tulong para sa bansa lalo na sa mga mangingisda.
Sa kabila ng panalo ng Pilipinas sa arbitral ruling noong 2016, nakakabahala parin ang patuloy na presensya ng China sa pag-angkin ng nasabing karagatan. Lalo na't ilang beses narin nasangkot ang Pilipinas sa mga insidente sa West Philippine Sea, mula sa pangha-harass sa mga mangingisda hanggang sa paghadlang sa mga resupply mission ng pamahalaan. Kaya naman ang pakikipag-alyansa sa Japan ay nagsisilbing patunay na hindi nag-iisa ang Pilipinas sa paggiit ng rule of law at kalayaan sa paglalayag. Higit sa lahat, pinapalakas nito ang kahandaan ng bansa na ipagtanggol ang sarili nang hindi kinakailangang gumamit ng dahas.
Ang kasunduang ito ay hindi paghahanda sa digmaan o kaguluhan kundi isang paraan upang maiwasan ang mas malalang problema o sigalot na maaaring mamuoo mula sa alitan . Sa pinagtibay na depensa at maingat na diplomasya, mas nagiging posible ang kapayapaan. Sa huli, ang ugnayan ng Pilipinas at Japan ay nagsisilbing sandigan sa pagprotekta ng soberanya at seguridad ng rehiyon. Sa huli hangad nang marami ang mapayapang karagatan kaysa marahas digmaan na pinamumunoon nang mga kampihan.
01/23/26
"Hindi Lang Barya"
By: Ruth Baleros
"Diba taga stac kayo, bat nanglilimos?" Ito madalas na tanong na narinig tuwing Begging Day ng mga estudyante ng Saint Thomas Aquinas College (STAC), katulad ng narinig mula sa mga tindera, tricycle driver, at iba pang nakatagpo ng mga estudyante noong Enero 27. Sa unang tingin, para bang kakaiba mga kabataan na nakasuot ng uniporme, abala sa paghingi ng pera sa mga tao. pero kung titingnan nang mas malalim, makikita ang isang makabuluhang dahilan sa likod ng ginagawa nila.
Ang Begging Day sa STAC ay hindi lamang basta paghingi ng pera. Ito ay isang tradisyon na nag-uugat sa buhay ni Saint Thomas Aquinas, na noon ay nakaranas din ng kahirapan at paghingi para sa kabutihan ng iba. Layunin ng araw na ito na palalimin ang pag-unawa ng mga estudyante sa kababaang-loob at pagtulong sa kapwa. Hindi ito tungkol sa personal na kapakinabangan sa halip, ito ay paraan para maturuan ang kabataan ng pagiging mapagpakumbaba at mapagmalasakit sa komunidad kahit pa sa kabila nang kanilang estado sa buhay.
Ang mga tanong at pag-aalinlangan at pagtatakang reaksyon ay natural para sa ibang hindi nauunawan ito. Madalas para sa ibang tao nakakahiya at aksaya sa oras lang ang ganitong tradisyon. Ngunit para sa mga estudyante, bawat hakbang sa pamimigay ay aral sa pagpapahalaga sa buhay ng kapwa, at pag-intindi sa kwento ng nakaraan ni Saint thomas.
Sa huli, ang paghingi sa Begging Day ay hindi kahihiyan kundi paalala ng isang makasaysayang tradisyon na nagbibigay ng aral at kabutihang-loob, kababaang-loob, at pakikipagkapwa-tao. Kung titingnan ng may mulat na puso, makikita natin na ang hindi lang ito basta "barya mo sa paaralan ko" Ito ay baryang puno nang pagpapahalaga aral at pagsisikap na ibinibigay ay hindi lamang para sa mga estudyante, kundi para sa pagpapatuloy ng isang mahalagang tradisyon.
01/30/26
Tagumpay, Hindi Stress
By: Ruth Baleros
"Grades ang basehan.", Iyan ang kadalasang nakatatak sa utak ng mga estudyanteng halos magmakaawa na sa sariling marka, makapasok lamang sa honor list. Sa bawat quiz, recitation, at performance task, hindi na lang pagkatuto ang hinahabol kundi ang numerong magdedesisyon kung "magaling ba sila o kulang pa" kaya sa tuwing tataasan ang pamantayan, hindi lang kalidad ang tumataas. Pati bigat nang presyur ng mga estudyante simpleng lumalago pa.
Hindi lahat ng estudyante ay pare-pareho. Bagama't hindi maitatangi na merong mga batang talino, hindi rin maikakaila na may mga estudyanteng nangangailangan pang ulit-ulitin ang pag-aaral para maintindihan ang mga pinag-aaralan. Kung tataasan ang requirement para maging honor student sa 95 na grado, ilan lang ba ang makakamit nito? Ang resulta ay hindi patas at nagdudulot ng labis na stress sa karamihan ng mga estudyante.
Sa halip na itaas ang standard, mas makabubuti kung bigyan ng tamang pansin at suporta ang lahat ng estudyante. Maaaring maglagay ng mentorship programs, remedial classes, at counseling services para sa mental health, kasama ang malinaw na pagtuturo at pantay na oportunidad. Ang tunay na sukatan ng edukasyon ay hindi lamang numero, kundi ang paglago, kaalaman, at kalusugang pangkaisipan ng estudyante.
Dapat maging reward ang pagiging honor para sa mga estudyante hindi presyur o kompetisyon . Dahil magagawa naman ng paaralan na hubugin ang mga kabataan para matuto, lumakas, at maging handa sa totoong buhay nang hindi nagiging pasanin ang kanilang mental health at isinasakripisyo ang kanilang kasiyan bilang mga estudyante. Ika nga diba "A good education is not about making students excel in grades, but helping them grow in knowledge, character, and confidence" patunay na hindi lang ang grado ng estudyante ang kailangan pagtuunan.
02/06/26