ABSTRAK
Ang mga espasyong pampubliko ay lubhang mahalagang bahagi ng kapaligiran na nagtataguyod sa kalusugang pisikal, panlipunan, at pangkaisipan ng isang pamayanan. Nararapat itong pangalagaan bilang kayamanang pamana ng isang lahi para sa susunod na henerasyon. Ang Quezon City ay mulat sa napakayamang kasaysayan nito mula sa pinangarap na “Lungsod sa Gulod” ng pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas, Manuel Luis Quezon, na naging katuparan noong 1939. Isa sa mga hiyas ng bagong lungsod ay ang Quezon Memorial Circle na isang pambansang liwasan at dambanang naiikutan ng Elliptical Road, at kinatatampukan ng isang musoleong pinaglalagakan ng mga labi ni MLQ at kabiyak na si Aurora Aragon-Quezon. Sa pagsulong ng Ordinansa Blg. SP-2428 ng Konseho ng Pamahalaang Panlungsod ng Quezon noong 2015, ang Pamanang Bahay ni Quezon ay itinalagang Local Heritage Site. Bunga ng pananaliksik ng mga naglilingkod sa Tanggapang Panturismo ng QC at mga konsultant mula sa Center for the Conservation of Cultural Property and Environment in the Tropics (CCCPET) ng UST (kasama ang tagasaliksik na ito), nabuo ang mga panels na nagsasaad ng nakararahuyong pangyayari sa buhay ni MLQ at ng kaniyang mag-anak. Ang hamon ng pagsasalin sa mga panel na ito ay isang kapaki-pakinabang na yugto na may mga aral para sa gawain ng pagsasalin, na siyang layunin ng papel na ito. Kung paano maisasaad ang tekstong teknikal sa isang naratibong kaakit-akit sa mga bisita ng museo na galing sa iba’t ibang antas at sibol ng buhay, ay isang pagsubok sa kakayahan na siyang pamana ding iiwan ng mananaliksik na ito sa sining ng pagsasalin.
Mga Susing Salita: espasyong publiko, pamana, museo, liwasan, dambana
ABSTRACT
Public spaces are crucially essential parts of the environment which ensure the physical, social, and mental health of a community. These should be nurtured as cultural treasures of a race for the next generation. Quezon City is deeply aware of its rich history, from the time it was conceived as “The City on a Hill” by the president of the Philippine Commonwealth, Manuel Luis Quezon, which became a reality in 1939. One of the jewels of the new city was the Quezon Memorial Circle, a national park and shrine encircled by the Elliptical Road, featuring a museum where the remains of MLQ and his wife, Aurora Aragon-Quezon are interred. With the passage of Ordinance Number SP-2428 by the Quezon City Council in 2015, the Quezon Heritage House was designated a Local Heritage Site. As yielded by the research of the QC Office of Tourism and consultants from the Center for the Conservation of Cultural Property and Environment in the Tropics (CCCPET) of UST (including this researcher), the panels were created, chronicling the fascinating narratives of MLQ and his family. The challenge of working on these panels is a pragmatic chapter replete with lessons on translation, which is the object of this study. How to articulate a technical text in a narrative which is engaging to visitors of the museum coming from a wide cross section of life, is a trial by fire on the capability of the researcher, which is also a legacy to be bequeathed to the art of translation.
Keywords: public space, heritage, museum, park, shrine