ABSTRAK
Nilayon ng pag-aaral na ito na suriin ang kalagayan ng pagsasalin ng mga dokumentong pampubliko sa Lungsod ng Calbayog, partikular ang kalidad ng salin at antas ng pagtanggap at pag-unawa ng mamamayan. Isinagawa ang panayam sa mga kawani ng iba’t ibang lokal na tanggapan gaya ng City Information Office at City Disaster Risk Reduction and Management Office, gayundin ang tekstuwal na analisis sa piling dokumento gamit ang rubrik ng kahulugan, katumpakan, at kaangkupan ng wika. Isinagawa rin ang survey sa 100 mamamayan mula sa 10 barangay upang masukat ang antas ng pagtanggap at pag-unawa sa isinaling dokumento. Lumitaw sa pag-aaral na ang karaniwang isinasalin ay mga anunsyo ukol sa kalamidad, impormasyon sa kalusugan, at mga paalala ukol sa serbisyo ng pamahalaan. Bagama’t 80% ng dokumento ay itinuturing na tumpak, may bahagi pa ring hindi malinaw dulot ng direktang pagsasalin ng teknikal na termino. Mas nauunawaan at tinatanggap ng mamamayan ang mga dokumentong nasa Waray kaysa sa Filipino o Ingles, lalo na sa mga rural na komunidad. Natukoy din ang mga salik gaya ng wika, antas ng edukasyon, kultura ng impormasyon, at akses sa midya bilang pangunahing nakaaapekto sa pagtanggap ng mamamayan. Inirerekomenda ang pagbabalangkas ng lokal na gabay sa pagsasalin, pagsasanay sa mga kawani, paggamit ng bilingual na format, at paglikha ng audio-visual na bersyon ng mga dokumento. Ang pagsasalin ay hindi lamang usaping lingguwistiko kundi isang panlipunang mekanismo ng partisipasyon at akses sa karapatang pampubliko.
Mga Susing Salita: dokumento, pagsasalin, pagtanggap, pagtatasa, pampubliko
ABSTRACT
This study aims to examine the state of public document translation in the City of Calbayog, particularly focusing on the quality of translations and the level of public acceptance and comprehension. Interviews were conducted with personnel from various local government offices, such as the City Information Office and the City Disaster Risk Reduction and Management Office, along with textual analysis of selected documents using a rubric evaluating meaning, accuracy, and appropriateness of language. A survey involving 100 residents from 10 barangays was also administered to assess public reception and understanding of translated documents. Findings show that commonly translated materials include announcements related to disasters, health information, and reminders about government services. Although 80% of the translations were considered accurate, certain parts were unclear due to direct translation of technical terms. Documents written in Waray were more easily understood and better accepted, especially in rural communities, compared to those in Filipino or English. Factors such as language, level of education, information culture, and media access were identified as key influences on public reception. The study recommends the development of a localized translation guide, capacity-building for government personnel, use of bilingual formats, and the creation of audio-visual versions of public documents. Translation is not merely a linguistic task but a social mechanism for civic participation and equitable access to public information.
Keywords: translation, document, public, acceptance, evaluation