Mitolohiya ng Kenya
Binibigyang-pansin sa unang aralin ang panitikan ng bansang Kenya na nagpapamalas ng kulturang taglay nito at maaaring kapulutan ng mahahalagang aral sa buhay at lipunan. Matututuhan mo rin ang ilang pamantayan at gabay sa kulturang mayroon ang bansang ito.
Ano ang mito/mitolohiya?
Ang mito/mitolohiya ay kuwento o salaysay hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban, kalipunan ng iba’t ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa, kuwento ng tao at ng mga mahiwagang nilikha. Ito ay isang natatanging kuwentong kadalasang tumatalakay sa kultura, sa mga diyos o bathala, at ang kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao. Sa pamamagitan ng mitolohiya ay nabibigyan ng kalinawan ang mga kababalaghang pangyayari at ang mga nakatatakot na puwersa sa daigdig tulad ng pagbabago ng panahon, apoy, kidlat, pagkagutom, pagbaha, at kamatayan.
Mga elemento ng mitolohiya:
1. Tauhan-mga diyos at diyosa na may taglay na kakaibang kapangyarihan.
2. Tagpuan-may kaugnayan sa kulturang kinabibilangan at sinauna ang panahon.
3. Banghay-maaaring tumalakay sa sumusunod:
a. maraming kapana-panabik na aksiyon at tunggalian
b. maaaring tumalakay sa pagkakalikha ng mundo at mga natural na pangyayari
c. nakatuon sa mga suliranin at kung paano ito malulutas
d. ipinakikita ang ugnayan ng tao at ng mga diyos at diyosa
e. tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo, pagbabago ng panahon, at interaksiyong nagaganap sa araw, buwan, at daigdig
4. Tema-maaaring nakatuon sa sumusunod:
a. pagpapaliwanag sa natural na pangyayari
b. pinagmulan ng buhay sa daigdig
c. pag-uugali ng tao
d. mga paniniwalang panrelihiyon
e. katangian at kahinaan ng tauhan
f. mga aral sa buhay
Sa bahaging ito ng aralin ay mapapanood mo ang isang mitolohiya mula sa bansang Kenya na pinamagatang, “Liongo” ,isang mitolohiyang nagmula naman sa bansang Nigeria. Panoorin at unawain mo itong mabuti upang magkaroon ka ng kaalaman tungkol sa kultura ng bansang pinagmulan ng mga ito.
OUTPUT #1: Pag-unawa sa Akda
Panuto: Suriin ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang mitolohiyang pinamagatang, “Liongo” batay sa suliranin ng akda, kilos at gawi ng tauhan, at desisyon ng tauhan gamit ang flow chart. Isulat ang iyong sagot sa isang document at i-send sa naturang google drive.
Paalala:
Maaari mo ring mabasa ang kwentong "Liongo" sa blogspot sa MGA SANGUNIAN ng site na ito.