Pang-abay – Ito ay bahagi ng pananalita na nagbibigay turing sa pang-uri, pandiwa o kapwa pang-abay. Ang mga Pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan ay ilan lamang sa mga uri nito.
Halimbawa:
1. Nananatili sila sa bahay upang hindi mahawahan ng sakit.
2. Nagtungo ang mga manggagamot kina Judy nang sumama ang pakiramdam nito.
Halimbawa:
1. Kinamayan niya ako nang mahigpit.
2. Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa pagkakaroon muli ng lockdown.
Ang paghihinuha (inferencing) ay isang kakayahan ng mga mambabasa na magbigay ng kuru-kuro o palagay sa maaaring kinahinatnan o kahihinatnan ng isang akdang binasa. Ito ay magagawa sa pamamagitan ng mga pahiwatig sa akda na maaaring nakakabuo ng palagiang daloy o pattern mula sa ibang akdang nabasa na nakabatay sa karaniwang daloy ng mga pangyayari.