Wika: Ang Bayani ng Bansa
-ni Rebecca Aira Baliton at Neil Alden Belen
-ni Rebecca Aira Baliton at Neil Alden Belen
Mayroon akong tanong para sa lahat ng nakikinig. Anong bagay ang ginagamit natin upang makapag-isip at mag-paisip, mgsalita at magpatahimik, pumuri at kung minsa’y sumira, gumawa at gumiba? Sa isang salita, ito ang wika. 1Ayon kay Constantino, isang dalubwika, ang wika ay nagsisilbing daan upang magpahayag ng damdamin at katotohanan. Nilarawan niya ang wika bilang. “kasangkapan ng ating pulitika at ekonomiya”, at mabisa raw ito sa pagpapakilos ng mga tao upang hubugin ang tama at mali.
2May 175 na dayalekto ang kinikilala sa Pilipinas, ngunit 174 nalang ang ginagamit pa sa ngayon. 3Ang ating mga ninunong Austronesyano ay naglakbay tungo sa Pilipinas noong 3000 BC, dala dala na ang mga wikang Ilocano, Hiligaynon, Cebuano, Tagalog at iba pa. 4Sa pamumuhay ng mga ninuno nating ito, nawala ang mga tulay na lupa at tuluyan nang naging pulo-pulo ang bansa. Ang paghihiwa-hiwalay ng mga Austronesyano sa mga pulo ng Pilipinas ay nagbigay-daan sa pag-usbong ng iba’t-ibang pangkat etniko na siya namang nagpayaman pa ng sistema ng mga dayalekto ng Pilipinas.
5Isa sa mga pinaka-tanyag na dayalekto sa Luzon, nariyan ang Ilokano, na mula sa mga Iloko. Ang mga Iloko kilala sa pagiging maparaan at masipag sa kabila ng pananakop ng mga Kastila. Kapayakan, Kababaang-loob, Industriya, at Katipiran ang kadalasang tatak ng wikang Ilokano. 6Ang Cebuano naman, mula sa Visayas, ay sumasalamin sa kaugaliang bukas-palad, magalang, at malikhain. 7Maranao naman ang tawag sa mga dayalektong matatagpuan sa Mindanao na nangangahulugang “mga tao sa ragat”.
Ilan lamang ito sa dose-dosenang dialekto sa Pilipinas. Tagalog ang napiling batayan ng pambansang wika ng Pilipinas. 8Base ito sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (Dis. 30, 1937), alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184 sa bias ng Saligang Batas 1935. 9Ang wikang Filipino, binigkas man o sinulat, ay isang wikang nagpapapakita ng pagiging magiliw, magalang, maka-Diyos, at pagiging totoo sa damdamin ng mga Pilipino. Kapansin-pansin ang bawat hibla ng emosyong wari’y hindi maitago at tila ba nakahabi sa bawat pantig na lumalabas sa mga labi ng bawat Pilipino. Sa tuwing masasalo ito ng mga tainga, mararamdaman kaagad ang kultura ng mga Pilipino na umuugat pa sa ating mga ninuno, bago pa man dumating ang mga Espanyol.
10Bago pa man dumating ang mga Espanyol, mayroon nang ginagamit na wika ang mga ninuno nating Pilipino upang maisalin ang kultura nila sa bawat henerasyon. 11Ayon kay Kawahara ng Kyoto Koka Women’s University, mababa ang posibilidad na nagkaroon nang sistema ng pagsusulat ang mga Pilipino bago ang panahon ng kolonisasyon. Bagkus, ay tamang oral na tradisyon ang kanilang intrumento sa pagapasa ng kanilang kultura.
Taong 1521 ang kilalang-kilalang taon ng pagdating at pag-‘diskubre’ ng mga Espanyol sa bansang Pilipinas. 12Ito ang taon nang mapadpad ang isang maglalakbay na si Ferdinand Magellan sa pulo-pulong nasyon na ito habang naghahanap ng maaaring daanan papunta sa Moluccas, ang mga Isla ng mga Rekado (the Spice Islands). 13Dahan dahan ang paraan ng mga Espanyol sa pagpapakalat ng impluwensya ng Kristyano. Mga wikang lokal ang ginamit sa pagsesermon upang makuha ang loob ng mga katutubo. Sa pagiging laganap ng paglilimbag, napilitan din silang mag-saany sa wikang Kastila dahil karamihan sa mga opisyal na dokumento (mga limbag na libro, kontrata sa lupa, atbp) ay nakasulat sa wikang Kastila. Dahil sa unti-unting pagbawas ng paggamit sa sariling wika, unti-unti ring kumupas ang sariling kultura at napalitan ng mga tradisyon at kaugaliang banyaga. Sa pagkawala ng mga katutubong wika, tila ba nawalan na rin ng dahilan ang mga Pilipino na ipaglaban ang sariling pagkakakilanlan.
Ganito ang naging sitwasyon sa mahigit tatlong daang taong pagsakop sa atin ng mga Espanyol. Sa pagsapit ng ika-19 ng Hunyo, 1861, ipinanganak ang isang alagad ng sining na siyang gagamit ng sandata ng wika upang kitilin ang mga masasamang impluwensya ng banyaga at buksan ang mga mata natin sa mga dapat nating ipaglaban. Si Jose Rizal ang pambansang bayani natin ngayon hindi lang sa mapayapa niyang pakikipaglaban para sa paglaya ng Pilipinas. 14Ginamit niya ang wika upang buksan ang mga kaisipan ng mga Pilipino upang ipaglaban ang sariling bayan at upang kumawala sa anino ng mga Espanyol.
Malayo na ang narating ng bansang Pilipinas dahil sa wika mula sa mga nagawa ni Rizal. Ang bawat aspeto ng ating bansa ay dumedepende sa wika upang magkaroon ng pag-unlad. Imposible ang pagkakaroon ng transaksyon, at pagpapatakbo ng ekonomiya kung walang wika. Gayon din sa gobyerno. Binibigyang daan ng wika ang pagkakaroon ng komunikasyon sa pagitan ng bawat miyembro ng mamamayan ng Pilipinas.
Ipinapatupad ang Mother-Tongue Based Multilinggual Education sa bagong kurikilum ng Kto12 upang malinang ng mga kabataan ang una nilang wika. Ito ay dapat magpapatibay ng pundasyon sa pag-aaral ng bata. 15Ayon sa isang pag-aaral na ginawa ni Catherine Young na pinamagatang “First Language: A Foundation for Effective Basic Education”, maraming kabataang Pilipino ang nag-uumpisa ng kanilang pag-aaral sa isang wikang hindi nila lubusang maintindihan. Hindi nagiging matibay ang pag-aaral sa pinaka-payak ngunit importanteng mga konsepto. Ayon pa kay Young, ang unang wika o dayalekto lamang ng mga kabataang ito ang maaaring maging tulay sa identidad ng bata at sa mga leksyon kanyang inaaral.
Sa mga sitwasyong ito, hindi maikakaila ang laki ng nagagawa ng wika para sa lipunan. Para itong isang pangkalahatang pandikit na siyang nagbubuklod buklod sa mga magkakababayan; siya ring nagsisilbing pundasyon ng ating ekonomiya, gobyerno, at edukasyon. Sa madaling salita, hindi natin masisilayan ang mundong ito na ngayon ay ating ginagalawan kung hindi dahil sa wika.
Ngayon naman, sa pagtatapos ko, may tanong akong muli. Naitanim ba sa isip mo ang kapangyarihan ng wika? Nakita mo na ba ang kahalagahan ng wikang Filipino, o ibabalewala mo na lang ba ang mga ipinaglaban ng iyong mga ninuno?
1 https://filipinoastig.wordpress.com/wika/
2 https://tl.wikipedia.org/wiki/Mga_wika_sa_Pilipinas
3 https://www.facebook.com/UPMAreaStudies/posts/500535616687228
4 http://www.gmanetwork.com/news/news/nation/171158/kasaysayan-ng-wikang-filipino/story/
5 https://www.scribd.com/doc/95985529/Ang-Kulturang-Iluko-Sa-Pilosopiyang-BayanAng-Pagaaral-Sa-p-College-Sample-1071199102
6 http://cebumosttreasured.blogspot.com/2013/03/cebus-most-treasured-bago-ko-sabihin-sa.html
7 https://brainly.ph/question/23313
8 http://www.wika.club/wika/mga-batas-sa-pagpapatupad-ng-wikang-pambansa
9 http://walangforeverperomahalkita.blogspot.com/
10 rappler
11 A study of literacy in Pre-Hispanic Philippines Toshiaki Kawahara Kyoto Koka Women’s University
12 Philipine history
13 http://wikivisually.com/lang-tl/wiki/Wikang_Kastila_sa_Pilipinas
14 http://deytiquezmjc.blogspot.com/2010/10/sa-mga-final-requirement-namin-sa.html
15 FIRST LANGUAGE: A FOUNDATION FOR EFFECTIVE BASIC ra sa 5�^T.W: