Wikang Filipino: Daan Tungo sa Kaunlaran nating mga Pilipino
Jhun Bran Benavidez Viaje
Jhun Bran Benavidez Viaje
Ngayong taon , sa pagdririwang natin ng Buwan ng Wika na may paksang Filipino: Wikang Mapagbago ay pinapahalagahan natin bilang mga Pilipino ang ating sariling wika bilang salamin ng ating kultura at pagiging tunay na Pilipino at higit pa rito ay ang gamit ng ating wika bilang instrumento tungo sa pagbabago. Pero paano na nga ba nabuo ang ating wikang pambansa ? Taong 1936, Oktubre 27, sinabi ni Pangulong Manuel L. Quezon sa Unang Pambansang Asemblea na hindi na kailangang ipaliwanag pa na ang mga mamamayang may isang nasyonalidad at estado ay dapat magtaglay ng wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat. Alinsunod dito ay nagsimula ang paggawa ng mga hakbang at pagpasa ng mga batas tulad ng Batas Komonwelt Blg. 184 na kung saan itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa na may layuning magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang wika batay sa isa sa mga umiiral na wika at sa ilalim ng pamumuno ni Jaime C. (medyo bawasan ang mahabang pangalan dahikl nakakabawas ito sa interes ng mga makikinig))de Veyra (Samar-Leyte) at mga kasaping sina Santiago Fonacier (Ilokano),Felix Rodriguez (Panay) Filemmon Sotto (Ilokano) Hadji Butu (Moro) CAsimiro Perfecto (Bikol) at Cecilio Lopez (Tagalog) pinili ang “Tagalog” dahil sa nakararaming bilang ng mamamayang gumagamit dito, bukod pa ang mga kategorikong pananaw ng mga local na pahayagan, publikasyon at manunulat. (Sa pagsulat ng history mamili lamng ng mga mahahalagang impormasyon upang hindi mapahaba at mawalan ng interes)Noong Disyembre 13, 1937, sinang ayunan batay sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na pagtibayin ang tagalog bilang batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas at noong Hunyo 7, 1940 pinagtibay ng Pambansang Asemblea ang Batas komonwelt Blg. 570 ang Pambansang Wikang Filipino bilang isa sa opisyal na wika ng Pilipinas. Sa pamumuno naman ni Lope K. Santos sa Surian ng Wikang Pambansa mula 1941-1946 ay nagdaos ng sari-saring seminar upang matupad ang mithiin ng Pambansang Wikang Filipino. Sa pamumuno naman ni Julian Cruz Balmaseda ay pinasimulan ang paggamit ng Diksiyonaryong Tagalog at lumikha naman si Cirio H. Panganiban ng talasalitaan sa mga espesyalisadong larang halimbawa sa batas, aritmika at heometriya. Pagsapit sa termino ni Jose Villa Panganiban isinagawa ang mga palihan sa korespondesiya opisiyal sa wikang pambanasa. Dito na nailathala ang English-Tagalog Dictionary at hind kalaunan ay ang Tesawro-diksiyonaryo. Noong Agosto 13, 1959 nagpalabas ng kautusan ang kalihim ng tanggapan ng edukasyon na tawaging “Pilipino” ang wikang pambansa na ibinatay sa tagalog at maghuhuno sa “Filipino” alinsunod sa bisa ng Saligang batas 1973 na nagasasaad na linangin,paunlarin at pagtibayin ang Filipino alinsunod sa mga umiiral na dayalekto nang hindi alintana ang pagtanggap sa salita mula sa mga dayuhang wika. Sa bisa naman ng batas na nilagdaan ni Pang. Corazon Aquino na Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 nalikha ang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas na pumalit sa Surian ng Wikang Pambansa ngunit ngnunit sa papamagitan ng pagpapairal at pagpapatibay ng SAligang Batas ng 1987 iniatas nito ang pagtatag ng Komisyon ng Pambansang Wika at noong Agosto 14, 1991 sa bisa ng Batas Republika 7104 naitatag ang Komisyon ng Wikang Filipino.(May lohikal na daloy ang katawan)
Pero ano nga ba ang kalagayan ng wika natin sa panahon ngayon ? Marahil ay lingid na sa ating kaaalaman ang pagbabagong nangyayari sa ating wika. Ilan sa mga ito ay ang pagsulpot ng mga naiimbentong lenguwahe tulad ng mga konyong termino, jejemon at gay lingo. Ilan sa mga dahilan nito ay ang mga pagbabagong nangyayari sa loob ng ating lipunan, kasama nito ay ang mga modernong kultura na nabubuo sa mga kabataan ngayon. Isa ito sa mga reyalidad na umuusbong sa ating wika na hindi natin mapipigilan dahil ang isang katangian ng wika ay daynamiko at nagbabago sa paglipas ng panahon. Sa kabila nito ay hindi natin masasabi na negatibo ang mga pagbabagong ito na nagaganap sa ating wika ngunit kailangan nating isipin na ang pagkakaroon ng iisang wika na gagamitin ay magdudulot sa ating ng magandang komunikasyon sa iba at maiiwasan ang mga sitwasyon ng hindi pagkakaunawaan sa loob ng ating lipunan.
Pero ang isa sa mga hamon sa atin sa panahon ngayon ay paano nga ba natin gagamitin ang wikang Filipino bilang wikang mapagbago?