(2:30 a.m) Marvin: Gab tara na sa munisipyo at hintayin na ang ating mga kasama sa Unashamed.
Gab: Sige bro, gayak lang ako.
Sobrang excited naming mag kaibigan sa pagpunta sa Unashamed 2017 dahil ito ay unang beses naming makakasama sa youth conference. Ang Unashamed 2017 Campus conference ay isang tipunan ng mga kabataan sa bawat sulok ng mundo, at nabalitaan pa namin dito na may mahigit 13,000 na kabataan ang pupunta. Hindi ko akalain na dumating ang araw na ito na dati ko lamang pinag iipunan at ngayo'y nandito kami sa munisipyo na naghihintay ng sasakyan patungo sa SM Mall of Asia. (3:30) am na nang umaga ngunit wala parin ang sasakyan. Naghihintay na kaming lahat dito sa munisipyo excited ang lahat subalit sa tagal ng sasakyan halos lahat ay inantok. Hangga’t sa malaman namin hindi pa pala nagigising ang driver. (4:30 am) na nang kami ay maka-alis, at dito itinulog ko na ang lahat, mahigit anim na oras kaming nakaupo, hinihintay ang pagdating sa pupuntahan. Hindi na kinakaya ng katawan ko ang pagod at sakit habang ako’y nakaupo. Habang bumibiyahe, aking napagtantuan lamang sa isip isip ko sinabi ko sa sarili “Hala nandito na pala ako, paluwas ako kasama ang ibang kaibigan, pero wala ang aking nanay.” Naisip ko na grabe pala kung saan- saan na ako dinala ng aking pananampalataya sa aking Diyos. Naka punta na ako ng Subic, Cabanatuan, at Ngayon patungo na akong Mall of Asia ng hindi ako kasama. Ako lamang ay namamangha kung gaano na kalaki ang binago ng buhay ko mag mula ng makilala ko ang Diyos. (Blag) Nang tumama ang ulo ko sa salamin at sa pag gising ko nandito na pala kami. Day 1 na pala ng Unashamed Campus Conference. Sobrang lawak pala ng Mall of Asia Tila ito ay malawak at maraming kainan. Sa gutom naming lahat aming napag isipan na kumain na muna sa Jolibee. Kumain ako ng Burger Steak, pagkasarap nito, tunay na creamy, at niresolba ang aking gutom. Pagka-kain naming lahat kami ay dumeretso na sa Hotel na tutulugan.
Ang Golden Phoenix Hotel “Akkaw!” ang sabi ko agad. Ito ay grabe sapagkat hindi ko akalain na napaka sosyal naman nitong hotel na ito. Kami na ang aking mga Buddy ay dali-daling nag punta agad sa aming room. Pag bukas ng aming room kami ay tila parang mga batang bano. Electrical Lock at Keycard ang kailangan para sa kuryente. Kami ay tuwang-tuwa dahil sa first time pa lamang naming sa ganitong lugar. Kaming mag kakaibigan ay dali-daling tumalon agad sa higaan at nag patalon- talon dito. Na-alala ko nga pala may Unashamed pa kaya naman aking inalahanan ko ang aking mga kasama at nag simula na kaming maglakad patungong SM Mall of Asia Arena. Ito pa ang maganda ang hotel na tinutulugan namin ay malapit lamang sa SM Mall of Asia kaya kami ay makakatipid pa ng pamasahe.
Nandito na ako! Pagkatapos ng pagka-haba-haba na pila sa Mall of Asia Arena. Ako ay nakapasok na sa mismong arena ng MOA. Agad ko naman na kinuha ang aking cellphone at kumuha agad ng litrato ng aking ID at yung mismong arena. Napakaraming kabataan ang nag kakantahan, nag uusap tungkol lahat kay Jesus Christ. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nadarama ko. Lalo na ng mag countdown na ng 10 seconds ang Unashamed Campus Conference. Buong arena nag sisigawan ang mga kabataan nag bibiliang 10,9,8..3, 2, 1!!! . Tumugtog agad ang Victory Worship at nagtalunan na ang lahat. Nang matapos ang tugtugan nagdasal na ang lahat at nagpatuloy sa aming kumperensiya. Una kanilang pinaliwanag kung bakit tayo nag karoon ng “hiya”. Sabi ng isang Pastor na Ang hiya natin ay nanggagaling sa ating kasalanan. Dahil sa ipinakita rin ito ni Adam at Eba na nang sila ay magkasala sila ay nahiya sa panginoon. Para gawin maikli ang storya ang Day 1 ay ipinaliwanag kung saan nang gagaling ang hiya natin , at paano tayo nahihiya. Natapos na ang Day 1 pagod na pagod kami kaya naman dali dali kami nahiga sa aming tulugan sa Hotel.
Day 2 na ng Kumperensiya at ako ay tuwang tuwa sapagkat makakatagpo ko na rin ang inidilo kong singer sa youtube na kristyano na si Sharina Perdigones. Nakatagpo ito ng aming ate na si Ate Jenn at sinabi niyang may gusto mag pa picture sa kaniya. Kaya naman ako ay dali-daling pumunta agad sa c.r nag bihis at kumain sa libreng Breakfast buffet ng Golden Phoenix Hotel. Kumuha agad ako ng toast, sausage at kanin, ito ay napakasarap na pang umagahan ngunit sabi ko sa isip ko agad “There’s no time to lose”. Agad agad akong nagsipilyo at sumama kay Ate jenn Para mag pa Picture na kay Sharina Perdigones. Kami na ay nasa MOA Arena. Ipinag hintay ako ni Ate Jenn sa isang sulok , at doon raw kami mag lilitrato. Habang ako ay nakatayo may lumapit sa aking mga Chinese, at taas noo silang nag pakilala. Sabi nila “ Hi!, Im Stella, and she is Sue.” Ako ay na-bigla dahil sa sila pang foreigner sila pa ang may lakas loob lumapit sakin at nagpakilala, at bigla rin lumapit ang kanilang campus missionary na si Eric. Nag kwentohan kami at sila ay masayahin, talagang “unashamed of the gospel” Biglang dumating sa aking isip na napagtantuan ko na kailangan ko na talagang maging “unashamed of the Gospel” Dito na nagkaroon ako ng inspirasyon sa kanila na patuloy talaga ipalaganap ang salita ng Diyos sa mga kabataan. Habang kami ay nag-uusap tawanan, at kasiyahan ang nararamdaman naming, nang bigla kong matanaw si Sharina Perdigones hawak ang kamay ni Ate jenn at nanakbo patungo sa amin. Agad akong nag pakilala at nakipag kamay sa kaniya. Malambot ang kaniyang kamay at ito ay napakalamig, at bigla kong na-alala na siya nga pala ay kakanta mamaya sa kumperensiya. Madali kaming nag introduksyon ng pangalan pagkatapos noon kami ay kinuhaan na ng 3 litrato. (Yes!!) sabi ng aking puso habang nanakbo patungo sa pangatlong palapag para habulin at nag co-countdown na . Nag sisimula na ang kantahan, pagkatapos , campus day na Nag turo na ulit sa amin ang Pastor tungkol kung paano ibabahagi Ang Mabuting Balita ng Diyos. Marami akong natutunan at ako ay lalo pang na bigyang hamon na gawin ito sa pag uwi. Pagkatapos ng kumperensiya ako ay “on fire” pero syempre gutom na gutom ako dali dali kaming nag punta agad sa Mall of Asia para maghanap ng pwede kainan. Nakita namin agad ang Jollibee at ako ay kumain ng fried chicken at nag order din ng Choco mallow pie. Hindi ako nag-sisi na bumili nito at ito ay tunay na napakasarap. Pagkatpos kumain umuwi agad kami para mag pahinga para sa huling araw ng kumperensiya.
Day 3 na ng kumperensiya medyo malungkot sapagkat ito na ang huling araw ng kumperensiya. Kami ni Gab ay nagnanais na mag pa litrato sa ilang kasama naming sa trabaho noong kami ay nag tratrabaho sa Bay-ler View na si Ate Catherine. Kumain na agad kami nag gayak na inimpis na ang gamit para sa check out, at saka kami dumeretso sa kumperinsya. Nagkita kami ni Ate Catherine, Tawanan at kasiyahan ang aming kwentohan halos ma late kami sa kumperensiya gawa lamang ng kaka-kwento at maraming kalokohan na ginagawa. Nang malaman namin na kami ay mahuhuli na. Agad kaming nag litrato ang nag punta na sa kumperensiya. Ganoon muli masaya, napakaraming sigawan at iyakan, at nang matapos na ang huling kanta may surpresa silang journal na binigay. Naging punto ng pangatlong araw ang pag uwi namin at patuloy na pag kakalat ng mabuting balita ng Panginoon. Tapos na, tapos na ang kasiyahan pero aking napagtantuan na ito na talaga ang simula ng bagong paglakbay. Dito ko na malalaman kung maidadala ko nga ba ang natutunan ko sa kumperensiya. Marami akong mai-kwe-kwento sa aking pamilya at mga kaklase sa pag uwi. Huling Gabi kumain kami, at saka kami nag patuloy na patungo ng Baler. Ngayon, sa kasulukyang panahon natutuwa akong nagagawa ko ito ngayon at patuloy na ipapakilala ang ilang kabataan sa Panginoon.