Ang Wika ng SIlag Festival bilang daluyan ng Kultura at Identidad ng Ilokano
-ni Rebecca Aira Baliton
-ni Rebecca Aira Baliton
Ang papel pananaliksik na ito ay tumatalakay sa wika ng Sillag Festival bilang daluyan ng kultura at identidad ng mga Ilokano. Ang wika at kultura ay dalawang entidad na hindi mahihiwalay sa isa’t-isa bilang manghahayag at inihahayag. Ito ay totoo sa pagkalat ng iba’t-ibang kultura sa iba’t-ibang parte ng mundo sa pamamagitan ng media (Tanreverdi at Apak). Isa ang piyesta sa mga mabisang representasyon ng kultura at wika ng isang lugar. Layon ng pananaliksik na ito na pag-aralan ang ugnayan ng kultura, wika, at piyesta sa mga Ilokano. Ang mga datos ay nagmula sa pagsusuri sa mga nakalap na video at larawan mula sa mga naganap na Sillag Festival sa pamunuan ng Poro Point Management Corporation, at pormal na pakikipanayan sa mga kalahok rito, noong taong 2011 at 2012. Sa pagsusuring ito, lumabas ang wika ng mga produkto, ng mga kasuotan, at ng mga sayaw bilang tatlong tema na nagpapahiwatig ng pagwiwika o pagpapakahulugan ng kultura at identidad ng mga Ilokano. Ang bawat temang ito ay kinapapalooban ng mga produkto o tradisyon na nagpapakita ng iba’t ibang ugali at gawi ng mga Ilokano. Sa kabuuan, ang kultura at identidad ng mga Ilokano ay sadyang malawak kahit sa lalawigan ng La Union. Ang bawat produkto at pagtatanghal, mula sa mga kasuotan na sumisimbolo sa payak ngunit makabuluhang pamumuhay patungo sa pagiging malikhain ng mga sayaw, ay kumakatawan sa pagkakakilanlan ng mga tao sa iba’t ibang parte ng La Union.