Bakasyon sa Marilao
-ni Bhing Carlo Sarina
-ni Bhing Carlo Sarina
Nagsimula ang araw ng napakasaya, gumising ako na tila ang panahon at oras ay pumapanig sa aming lakad. Gumayak nang napakabilis na kala mo ay itinutulak sa bangin upang ang oras ay mapaiksi. Nang ang lahat ay naayon na sa aking naisin, agad kong pinuntahan ang iba ko pang kaibigan upang sila’y paggayakin. Nagtungo kami sa palengke para magpaayos ng cellphone yung isa naming kasama, duon ay nakilala namin si kuya Michael na madaldal at magaling magkumpuni ng cellphone. Habang hinihintay namin na matapos, nakaramdam kami ng pagkabugnot kaya kami ay naglibot-libot muna sa palengke. Masaya ang aming paglilibot dahil narin sa iba’t ibang ingay at sari-saring amoy ng mga paninda, hindi namin napansin ang oras kung kaya’t dali-dali kaming bumalik sa pagawaan ng mga sirang cellphone at sakto namang tapos naring ayusin ang kanyang cellphone.
Sunod naming pinuntahan ang SM marilao, dito umikot ang tunay naming kasiyahan. Alam naman nating malamig, maaliwalas, mabango at maraming tao sa loob ng mall. Habang naglilibot kami, nakita namin ang Game zone kaya’t naakit kaming maglaro sa loob. Nang kami’y naglalaro na, may nakilala kaming isang babae na nagngangalang Xena Naza, siya ay mabait,maganda at magaling sa ano mang game kaya madali namin siyang nakapalagayan ng loob.
Kami ay aliw na aliw sa paglalaro ng kung ano-anong game sa loob ng zone kaya hindi na namin napansin ang oras na tanghali na pala. Tila kinukutkot ang loob ng aming tiyan na naghahanap ng makakain sa loob ng mall. Nagtungo kami sa chowking sapagkat ito ang pinakamalapit sa lugar naming. Umorder kami ng regular meal with upgraded drinks at dahil sa mga kinain namin talaga namang hindi kami binigo sa kabusugan.
Hindi lang diyan natapos ang aming kasiyahan na umabot hanggang alas tres ng hapon. Talaga namang napakasaya ng aming paggagala sa mall na tila wala ng bukas ang kasiyahan, hindi ko malilimutan ang aking mga kaibigan. Dumating na nga ang alas kwatro ng hapon kung kaya’t kami’y maghihiwahiwalay na ng landas. Habang kami ay naglalakad papunta sa sakayan ng jeep, nakakita nanaman kami ng street food kaya kami ay natakam at naingganyong bumili. Tumagal din ang pagkain namin ng halos trenta minutos. Hindi namin napigilang bumili kahit kami ay nagtitipid para sa pamasahe dahil sa amoy ng napakasarap na fishball at kikyam habang ipiniprito.
Pagtapos naming kumain iyun na nga ang huli naming pagsasama. Nang mga oras na yun ako naman ay dumeretso na sa tito ko sa gym na amoy bakal at puno ng kalalakihan maging kababaihan. Doon ay nakasalamuha ko si kuya Robert na isang matikas at magalang na lalaki, siya ang nagsilbi kong gym instructor kaya maayos ang aming pag eehersisyo. Natapos na nga ang aming session sa gym at hindi ko nanaman namalayan ang oras na alas syete na pala ng gabi kaya’t nagpaalam na ako sa tito ko at kay kuya Robert.
Umalis na ako sa gym at nagsimulang maglakad, habang nasa daan ay nakakita ako ng burger stand kaya naakit nanaman akong bumili, sakto namang may natitira pa sa pera ko. Habang nakain ako pumasok sa isipan ko ang mga ideyang, napakasaya palang maggala kapag ang mga kasama ay tunay na kaibigan, masarap makisalamuha sa ibang tao upang matuto ng bagong aral, at ang huli kaibigan at pamilya parin ang lagi kong matatakbuhan sa hirap man o ginhawa. Tapos na akong kumain ng burger at uminom ng juice kaya napagtanto kong natapos narin ang napakasayang araw kasama ang mga kaibigan ko.