Dagdag na Dalawang Taon sa High School
-ni Mark Vincent Cabana at Jhun Bran Viaje
-ni Mark Vincent Cabana at Jhun Bran Viaje
Sa taong 2012 hanggang 2013, ang Pilipinas ay ang pinakahuling bansa sa Asya at isa na lamang sa tatlong bansa na mayroon lamang apat na sa taon para sa high school (10-year-pre-unviversity cycle) sa buong mundo, kilala ang sistemang ito sa tawag na BEC sa Pilipinas o Basic Education Curriculum (Jeanny Burce, 2013). Matapos lumabas ang usaping ito ay nabuo ang salitang k+12 o 13 taong programa sa kongreso at senado. Isa itong programa o sistema ng edukasyon na kung saan kailangan dumaan ng isang mag-aaral sa pagiging Kindergarten, anim na taon sa elementarya, apat na taon sa junior high school at dalawang taon para sa senior high school. Layunin ng programang ito mabigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang mga mag-aaral para sa trabaho, kolehiyo at negosyo. Kinikila rin itong pamantayan ng mga estudyante at propesyunal sa buong mundo (Larry Boy, 2015).
Noong taong 2013 ika-15 ng Mayo ay nilagdaan ng ating dating Pangulo Benigno Aquino III ang batas na naglalayong ipatupad ang k+12 sa buong kapuluan ng Pilipinas (Larry Boy, 2015). Noong taong 2014 naman ay isinabatas ang kurikulum para sa grade 11 at 12 o mas kilala sa tawag na senior high school. Ang senior high school ay ang huling dalawang taon sa k+12. Sa ilalim nito’y lahat ng mag-aaral ay makikinabang sa isang core curriculum, o mga paksang pangkalahatan, at mga paksang kapares ng pinili nilang track. Ang Senior High School, bilang parte ng k to 12 basic curriculum, ay binuo base sa kurikulum ng Commision on Higher Education (CHED), kilala sa kagawarang namamahala para sa mga pamantasan at unibersidad sa Pilipinas (Christopher Olaya, 2015).
Ang senior high school ay mayroon apat na track na hinalintulad sa mga kurso sa kolehiyo base sa disiplina. Mayroong Academic, kasama na rito ang business, science and engineering, humanities and social science at isang general academic strand). Technical-vocational-livelihood, na mayroong highly specialized subjects at TESDA qualifications. At ang huli ay ang sports at, arts and designs (Christopher Olaya, 2015).
Sa academic ay mayroon apat na strand ito ang ABM (accountancy, business and management), STEM (science, technology, engineering and mathematics), HUMMS (humanities and social science) at ang General Academic. Ang bawat isang strand ay kaugnay ng mga kurso sa kolehiyo. Ang track na ito ay binuo upang ihanda ang mga mag-aaral na magtutuloy sa kolehiyo (Daniel Gubalane, 2016).
Ang arts and design ay mayroon siyam na asignatura at ang bawat isa ay kailangan ng 80 oras kada semester. Ang mga subject na kasama sa track na ito ay literary arts, media and visual arts, dance, music and theater (Daniel Gubalane, 2016).
Ang sports track ay mayroon din siyam na asignatura, kabilang na ang safety and first aid, human movement, coaching, sports officiating and sports leadership. Binuo ang track na ito para sa mag-aaral na may hilig sa laro at nagnanais na makapasok sa larangan ng pampalakasan (Daniel Gubalane, 2016).
Ang TVL (Technical Vocational Livelihood track) ay mayroon din siyam na asignatura, kilala ang mga ito sa tawag na TVL track subjects at meron din itong TESDA specialized subjects. Kasama dito ang home economics, agri-fishery, industrial arts at information and communications technology (Daniel Gubalane, 2016).
Maraming magandang benepisyo ang k to 12, isa na rito ang maihanda ang mga mag-aaral sa kanilang pipiliing track. Pangalawa, ang pagkakaroon ng dagdag na dalawang taon ay hindi sayang sa pera at oras ng mag-aaral at magulang dahil una sa lahat, libre ang pag-aaral kung sa pampublikong paaralan papasok ang isang estudyante at kung sa pribado naman ay makakatanggap ito ng tinatawag na voucher o tulong pinansyal ng gobyerno. Kapag nakatapos din ng grade 12 ang isang mag-aaral ay makakatanggap ito ng tinatawag na Certificate of Competency (COCs) at National Certification (NCs) naman kung daraan pa ito sa TESDA training regulations. Ang mga sertipikong makakamit ng mag-aaral na nagtapos ng grade 12 ay maaring gamitin sa paghahanap ng trabaho. Maaari rin itong gamitin sa pagtatayo ng sariling negosyo (Larry Boy, 2015).
Ang pagkakaroon ng k+12 ay nakatutulong din sa akin, sa nagging karanasan ko bilang nasa ika-labing dalawang antas ito ay nag bigay pa sa akin ng oras upang mapag isipan ng mabuti ang tunay na itinatahak pag yapak sa kolehiyo. Marami ring mga essensyal na kaalaman ang na ibahagi sa akin ang programang ito tulad ng sa pag pananaliksik mas na ilinaw sa akin ang tamang pag sasagawa nito. Maging ang ilan na ring kaalaman na maaring hindi nalaman ng nasa high school pa lamanag. Sa madali’t salita ito nga ay tunay na inihahanda ang aking sarili upang hindi na gaano mahirapan sap ag yapak ng kolehiyo.
Sa kabuuan, ang epekto ng bagong programa sa edukasyon lalo na ang dagdag na dalawang taon sa high school ay hindi lamang para sa hinaharap ng indibidwal na Pilipino kundi pati na rin sa bansang kinabibilangan nito. Isipin natin ang pagkakaroon ng sertipiko ng bawat mag-aaral na magtatapos ng grade 12 ay malaking hakbang para sa bansa sapagkat maaari na silang magkaroon ng trabaho, ibigsabihin ay madadagdagan ang bilang ng mga Pilipinong nasa larang ng pagtatatrabaho na nasa tamang edad. Malaki ang posibilidad na tumaas ang ekonomiya ng bansa sa pagkakataong iyon.
Isa pa sa aking naging karanasan ay sa programang ito tunay na ito ay magandang transisyon sapagkat sa programang ito dahan-dahang na bubuksan ang aking mga mata sa realidad ng buhay. Ako ay lalo pang nabibigyan ng maraming impormasyon hingil sa gusto kong kurso, at hindi lang sa itinatahak na kurso maging na rin ang mga ibang kurso na nabigyan ako ng interes.
Nasa ika-5 taon na tayo ng sistemang k+12 ngunit marami pa rin sa atin ang nababahala sa sa usapin ito. Maraming pong oras ang ginugol ng ating kongreso at senado upang pag-aralan at maipasa ang batas na ito. Sumailalim po ito sa tamang proseso kaya’t hindi po maaraing isa lamang ito pakana o propaganda ng ating gobyerno. Sinasabi ko po sa inyo lalo na sa mga papasok ng senior high school at sa magulang nila, suportahan po natin ang programang ito ng ating pamahalaan sa pamamagitang ng pagpasok sa senior high school ito naman po’y libre at para rin sa ikabubuti ng bawat isa henerasyon natin.
Huwag natin hayaan na tayo’y maiwan ng mundo, subalit maging bukas sa mga ideya na maaring makapag paunlad ng bansa natin, kung hindi sa bansa para sa mga susunod na henerasyon.