Division of City Schools, Manila
BAGONG BARANGAY ELEMENTARY SCHOOL
Pandacan, Manila
2024 BRIGADA ESKWELA
Ang DepeD Order 24. S.2008 o National Schools Maintenance Week, Brigada Eskwela sa mas kilalang programa ng Kagawaran ng Edukasyon ay ang taunang aktibidad na isinasagawa bago magbukas ng klase. Layunin nito ang ihanda ang eskwelahan at siguraduhin na ang paaralan ay malinis, may maayos na pasilidad, kumpleto sa pangangailangan at higit sa lahat ligtas para sa mga mag-aaral na papasok sa pagbubukas ng klase.
Ang Brigada Eskwela 2024 ay gaganapin sa ika-22 ng Hulyo, 2024 na magtatapos sa ika-27 ng Hulyo, 2024. Kayo po ay malugod na inaanyayahan na makilahok sa mga gagawing paghahanda sa Paaralang Elementarya ng Bagong Barangay.
Ang mga sumusunod ang ilang pagbabago at pagpapaganda sa aming paaralan.
1. Paglilinis ng paligid ng paaralan
2. Pagpipintura ng pader
3. Paglilinis ng mga silid-aralan at palikuran
4. Pagkukumpuni ng mga sirang kagamitan katulad ng silya, lamesa, computer units, laptop
at iba pa.
5. Pagsasaayos ng linya ng kuryente.
6. Mural painting
7. Paghahanda ng grounds para sa isports.
8. Pagaayos ng school garden, groto, at gulayan para sa paaraln
Sa mga gustong lumahok, ay maaari lamang makpagugnayan sa aming paaralan o hanapin ang inyong lingkod Vincent Mari Marzonia, Administrative Officer II para sa inyong katanungan at tulong.
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagbibigay tulong sa aming paaralan.