Ang kagustuhan ng lider ng badjao ay ang magkaroon ng Feeding program sa komunidad nila sa wawa para sa mga kapwa niya badjao ay nagmumula sa kanyang pag-unawa sa mga pangangailangan ng kanyang kababayan. Bilang lider, nauunawaan niya ang kahirapan at kakulangan sa nutrisyon na kanilang kinakaharap. Sa pamamagitan ng feeding program, layunin niyang matugunan ang pangangailangan ng mga miyembro ng komunidad, lalo na sa mga batang badjao na labis na naaapektuhan ng kakulangan sa pagkain. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng pagkain, naglalayon siyang mapalakas ang kalusugan at nutrisyon ng kanyang mga kababayan.
Ang Feeding program ay hindi lamang isang simpleng aktibidad kundi isang hakbang tungo sa pagpapalakas ng komunidad ng mga badjao sa wawa. Ipinapakita nito ang kagustuhan ng lider na hindi lamang maglingkod sa kanilang pangangailangan sa ngayon kundi pati na rin sa kanilang kinabukasan. Sa pagtutulungan at pagkakaisa, maipapakita ng komunidad ng mga badjao na sila ay matatg at handa harapin ang anumang hamon na kanilang hinaharap.
Isa rin ito na gustong ipatupad na programa ng lider ng badjao ang clean up drive program sa kanilang komunidad, bilang lider, siya ay magbibigay diin sa responsableng pangangalaga sa kalikasan at pagtitiyak na ang kanilang lugar ay ligtas at malusog para sa kanilang mga mamamayan. sa pamamagitan ng clea up drive, layunin niyang mabawasan ang pagkalat ng basura at maging maayus ang kanilang komunidad.
Ito ay hindi lamang isang paraan upang linisin ang kapaligiran kundi pati na rin isang opportunidad upang magkaisa at magtulungan ang mga miyembro ng komunidad. Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga badjao na ipakita ang kanilang pagmamalasakit sa kanilang kapaligiran at ang kanilang kakayahan na magtulungan para sa kabutihan ng lahat. Sa bawat partisipasyon sa Clean up drive, nagiging bahagi sila ng solusyon at nagbibigay katuparan sa kanilang pangarap na magkaroon ng malinis at maayos na kapaligiran.
Ang Clean up drive program ay nagpapakita ng determinasyon at liderato ng kanilang Lider sa pagpapalakas ng kanilang komunidad. Ito ay hindi lamang isang simpleng gawaing pangkalikasan kundi isang simbolo ng pagkakaisa at pagkilos tungo sa pagbabago. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malinis at maayos na kapaligiran, nakikita ng lider ang potensyal na mabago ang kanilang komunidad at maging modelo pa ng iba pang lugar.