Maraming natatanging talento ang mga Badjao bukod sa paghahabi ng banig ay magaling din sila sa paggawa ng mga kwintas, porselas at mga palamuti o disenyo sa bahay. Ito ay nagmula sa kanilang mga tradisyunal na kasanayan at kultura. Sa pamamagitan ng kanilang kasanayan sa pagbuo ng mga perlas mula sa mga kabibe at iba pang likas na materyales, sila ay nakakalikha ng mga kwintas na may kahusayan at kagandahan. Sa paggamit ng mga perlas at sa pagdisenyo ng kanilang mga bahay gamit ang mga ito ay ipinapakita ng mga badjao ang kanilang kasanayan sa sining at pagpapahalaga sa kanilang kultura at tradisyon.