Pagdating ng mga Badjao dito sa atin kung saan inakala nilang mas magiging maayos ang kanilang pamumuhay malayo sa gitna ng digmaan sa mga piratang naglalagay sa panganib ng kanilang mga buhay ay hindi pa rin naging maganda ang pamumuhay na kinahantungan ng mga badjao. Madalas pandirihan ng mga taong nakakasalamuha sa lansangan at nakatatanggap ng mga pangungutya mula sa mga taong hindi makaintindi sa kanilang kalagayan.
Kahit matagal na silang nakatira sa Brgy. Wawa ay nakakatanggap padin sila ng kaunting pang-aapi at diskriminasyon sa ibang tao dahil sa kulay ng balat, kulay ng buhok, kakaibang pananalita. Ang karamihan na nakakaranas sa kanila ay mga estudyante o mga batang badjao. Para sila ay hindi maapektuhan hindi na lang nila pinapansin ang mga taong nang-aapi at nang aasar sa kanila. dahil sa tagal ng pagtira nila rito sa atin ay nasanay na raw sila sa mga sinasabi ng ibang tao sa kanila at iyon ang nagpapatibay sa kanila para maging matapang at wag nalang patulan. Pero sa patuloy na pamumuhay at pakikisalamuha ng mga Badjao sa ating mga tagalog ay natututunan na nila ang sariling atin. Kaya’t sa pag-agos ng buhay at pagkakaroon ng pag-asa, patuloy ang pagaaral ng mga badjao sa wikang tagalog.