Ang tawag ng mga Badjao sa kanilang wika, na diyalekto ay wikang Samal. Ang iba nama’y Badjau, Badjaw, o Badjao ang tawag sa kanilang wika upang maiba sa salitang ginagamit ng mga Samal na naninirahan sa lupa. Ipinagpapalagay ng ilan na ang Badjao ay katulad ng maliit na pangkat ng mga Samal laut (mga Samal na naninirahan sa dagat) o Samal tonqongan (totoong Samal.) Gayunpaman, itinuturing ni Blumentritt(1892) na ang Samal Laut at Badjao ay dalawang magkaibang grupo. Unang dumating ang mga Samal Laut bago ang mga Badjao at nanirahan sila sa kapuluan ng Samales na matatagpuan sa pagitan ng Jolao at Basilan. Tinatawag na Luwaan(tagalabas o itinakwil) ng mga Tausug ang mga Badjau at Palau (lumulutang na mga tao) kung saan nagmula ang pangalan ng isla ng Palawan. Ang salitang Palau ay ibang katawagan sa Paraw (Bangka). Pinangangalanan din silang Kuto Dagat o Kuto Tahik ( mga kuto ng dagat) ng mga Tausug at Samal, gayunpaman, sinasabi ng mga Badjao na sila ay mga Samal o Sama (nimmo 1968).
Ang Badjao ay isang Pangat Etniko na namumuhay malapit sa karagatan, nagpapakita sila na may sariling wika, kultura at kaugalian. Kilala ang Badjao sa panlilimos at kadalasan na nakikita natin na tumutulog sa tabing kalsada. At madalas nakikita nating humahabol sa mga rumaragasang jeepney para humingi ng kaunting barya o manlimos. May mga ilang Badjao naman na nakatira sa bangka, karamihan sa bahay ng badjao ay nakatayo sa ibabaw ng dagat.
Ang salitang Badjao ay “Man of the seas” ayon sa lider ng Badjao sa Barangay Wawa, Batangas City, hindi nila kayang mamuhay na walang dagat malapit sa kanilang tahanan. Dahil sa dagat anduon ang kanilang hanapbuhay at ang kanilang kasanayan na tumira malapit sa karagatan.
Madaming Badjao dito sa atin, tulad na lamang ng lugar sa Maynila, Basilan, Santa Clara, Tabangao, Isla Noah, Zamboanga City, Sulu, Malitam at Batangas City.
Ang mga kalalakihan ay nagpapakita ng kahusayan sa paglangoy dahil ang kanilang hanapbuhay ay ang mangisda at ang mga kababaihan naman ay nagpapakita ng husay sa paggagawa ng banig at paggawa ng mga kwintas gamit ang mga perlas.
Ang pananamit ng mga badjao ay makukulay at kaakit-akit tingnan. Ang tradisyonal na suot ng mga lalaki ay may mga saplot sa kanilang ulo at may makukulay na damit. Sa mga babae naman ay may mga perlas sa kanilang ulo na kanilang tinuturing palamuti sa kanilang mga katawan. Makukulay din ang kanilang mga suot tulad ng sa mga lalaki. May iba naman sa kanila na hindi nakasuot ng kanilang tradisyonal na pananamit .