Isang lugar sa Batangas City, Barangay Wawa ay may mga Badjao na tahimik na naninirahan duon. Kapansin pansin ang kanilang tirahang bahay ay malapit sa dagat na hindi pangkaraniwang na makikita sa ating mga tagalog. Ang yari ng kanilang bahay ay isang tradisyon para sa mga badjao. Ang pinaka haligi at sahig ng kanilang bahay ay kawayan, yari naman sa maninipis na kahoy ang kanilang ding-ding at ang kanilang bubong naman ay katulad lang ng ibang bahay ng mga tagalog at ang iba naman ay yari sa dahon ng niyog na kung tawagin ay palapa. Dahil nga malapit sila sa karagatan hindi dapat mababa ang kanilang tirahan dahil pwede itong pasukin ng tubig. Naging kaugalian nadin ng mga Badjao na kapag nalaman nila na may Badjao sa isang lugar ay lilipat din sila duon para sila ay sama-sama.
Ang mga Badjao ay isang grupo ng mga tao na naninirahan sa kayamanan ng dagat gamit ang kaalamang nagpasalin-salin sa kanilang mga ninuno. Isang ritwal ng di umano'y pagtanggap sa lipi ng mga Badjao, ang pagtapon ng bagong panganak sa malalim na dagat at muling pag-ahon ng mga nakatatandang mga lalaki sa sanggol. Magkaibang-magkaiba ang kostumbre ng dalawang tribung kaagtas sa buhay. Ang mga Tausog ay hambog, tila sila na ang nakaaangat sa mga Badjao, sapagkat sila ay may paniniwala at tapang. Kahawig ng mga Samal ang kanilang kultura. May haka-hakang sila at ang mga Samal ay isang pangkat na nagmula sa Johore sa dakong timog ng peninsulang Malaya. Nakatira sila sa mga bangkang-bahay. Isang pamilya na may myembrong 2-13 miyembro ang maaaring tumira sa bangkang-bahay.
Ang pagpapakita ng paggalang at pag unawa sa kanilang tradisyon at kultura ay mahalaga sa pakikipag ugnayan sa mga badjao.