Hindi namulat ang ibang mga Badjao sa pag-aaral, nakaugalian ng mga Badjao na pag dating nila sa edad na labing dalawa hanggang labing anim ay kailangan na nila mag trabaho para sa kanilang pamilya.Â
Sa kasalukuyan sa Barangay Wawa, Batangas City ang mga batang Badjao ay namulat na sa pag aaral, sa tulong ng Barangay Official halos lahat ng kabataan na Badjao ay pumapasok na sa paaralan. Dahil sa nakikita ng mga batang badjao ang ibang tagalog na naka uniporme na may dalang bag at pumapasok sa eskwela ay natutuwa sila tingnan at gusto din nila na makita silang suot ang mga iyon, dahil duon nawili silang mag aral at nagustuhan na nila. Ang edukasyon ay magiging susi ng mga Badjao para magkaroon sila ng panibagong pamumuhay. Sa tulong ng edukasyon nagkakaroon sila ng bagong kaugalian, matututunan nila ang magkaroon ng mataas na pangarap at magandang kinabukasan. Dadating sa panahon na ang mga Badjao ay hindi na kailangang manlimos para sila ay mabuhay, dahil sa tulong ng edukasyon sila ay mamumuhay ng maayos at hindi na katulad ng buhay nila dati.