Mga Taga-Filipos 4;19 pinaalala ni Pablo ang kasalukuyang gantimpala, “At pupunan ng aking Diyos ang bawa’t kailangan ninyo ayon sa kaniyang mga kayamanan sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus.”
Hindi ito nangangahulugan na tayo ay magiging mayaman. Hindi ito tumutukoy sa mga bahay, mga magagandang damit, o mga kotse. Ang ibig sabihin nito ay ang Diyos ang tutugon sa ating pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, pananamit at matutuluyan.