Ang mikroekonomiks o mikroekonomiya (Ingles: microeconomics, Kastila: microeconomía; nagmula sa Griyegong μικρό-ς: "maliit" o "munti"; at οικονομία /ikono΄mia/: "ekonomiya") ay isang sangay ng ekonomiyang nagsasagawa ng pag-aaral kung paano nagpapasya ang mga tahanan at mga kompanya upang magamit at itatalaga ang limitado o kakaunting mga kagamitan o yaman,[1] sa paraang tipikal at karaniwan sa loob ng mga merkado o pamilihan kung saan mabibili at maipagbibili ang mabubuting mga dala-dalahin o mga serbisyo. Sinusuri ng mikroekonomiya ang kung paano naaapektuhan ng ganitong mga desisyon at asal, ugali, o gawi, ang pampuno at pangangailangan (supply and demand sa Ingles) para sa mga mabubuting dala-dalahin at mga serbisyo, na nagiging batayan ng mga presyo o halaga; at kung paanong ang presyo naman ay nagiging batayan ng pampuno at pangangailangan ng mabubuting mga dala-dalahin at mga serbisyo.[