DEVOTIONAL TIME
Bible Text: Mathew 25:40 ay sinabi ang ganito, “At sasagot ang Hari at sasabihin sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Yamang inyong ginawa sa isa dito sa aking mga kapatid, kahit sa pinakamaliit na ito, ay sa akin ninyo ginawa.”
May mga pagkakataong dahil sa katayuan natin sa buhay, tayo ay tinatrato na parang alipin. Madalas kaysa hindi na tayo ay namumura, napagsasalitaan ng masama, napagbabantaang tatanggalin sa trabaho at hindi napapasweldo ng tama.
Tunay na hindi madali ang ganitong sitwasyon. Nakaka-stress. May mga pagkakataon pa ngang halos ayaw mo ng magtrabaho dahil sa mga ganitong pangyayari ngunit kinakailangan mong tiiisin alang-alang sa mga mahal mo sa buhay.
Ang ugaling masama ay hindi dapat na itinuturing na normal lamang. Ang masamang ugali ay kasalanan. Ang maling pagtratong ginagawa natin sa iba ay pagtratong ginagawa natin sa Diyos.
Lahat tayo ay pantay-pantay sa paningin ng Diyos.
Kaya naman para maging patas ang lahat, sinabi ni Kristo sa atin na “Mapalad” tayong mga inaapi sapagkat para sa atin ang “Kaharian ng Diyos.”
Reference: https://ptl2010.com/2016/11/06/tt64-paano-mo-tinatrato-ang-iba-how-do-you-treat others/
MANALANGIN TAYO!
Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang iyong pangalan.Nawa’y maghari ka sa amin. Sundin nawa ang iyong kalooban dito sa lupa, tulad ng sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw; at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming hayaang matukso, kundi iligtas mo kami sa Masama. Panginoong Jesus bigyan mo kami ng magandang pangangatawan matibay na immune system para hindi kami mahawaan ng virus na lumalaganap sa paligid. Ibinibigay po namin ang lahat naming desisyon at plano sa iyo. Sa pangalan ni Jesus na tanging tagapagligtas. Amen