DEVOTIONAL: Bible Text:Matthew 22:36-40
“37 Jesus replied: “‘Love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your mind.’[a] 38 This is the first and greatest commandment. 39 And the second is like it: ‘Love your neighbor as yourself.’40 All the Law and the Prophets hang on these two commandments.”
Una, lagi mong tatandaan na nabubuhay ka lang sa grasya ng Panginoon. Kahit malungkot ka, problemado. May grasya padin ang Panginoon na makikita mo sa buhay mo. Ung paghinga mo, galing sa Kanya un. Kapag ba malungkot ka at problemado hindi ka na makahinga? Sa Kanya nga nanggagaling ung lakas natin para maging matatag araw araw. Hindi tayo makakapag puri sa Ama kung hindi sa ginawa ni Kristo. Kaya wala tayong maipagmamayabang, wala akong maipagmamayabang. Sa lahat.. sa minitsry, sa buhay ko.. lahat un grasya ng Panginoon.
Pangalawa, kahit na malungkot, masaya, may problema, may kasama o wala.. Tayo ay magpuri.. sabi nga diba continually offer to God a sacrifice of praise.
Pangatlo, mag ingat sa pananalita. Pinupuri natin ang Diyos sa pamamagitan ng ating mga labi. Kaya mag ingat tayo sa pag gamit nito. Wag maging doble kara, nagpupuri ka tuwing linggo tapos mula lunes hanggang sabado hindi pagpupuri ang lumalabas sa bibig mo.
Reference: https://ptl2010.com/2013/05/15/devotion-hebrews-1315-16/
Manalangin Tayo!
Ama naming nasa langit,sambahin nawa ang iyong pangalan.Nawa’y maghari ka sa amin.Sundin nawa ang iyong kalooban dito sa lupa, tulad ng sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw; at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming hayaang matukso, kundi iligtas mo kami sa Masama. Panginoong Jesus bigyan mo kami ng magandang pangangatawan matibay na immune system para hindi kami mahawaan ng virus na lumalaganap sa ating paligid. Ibinibigay po namin ang lahat naming decision atplano sa iyo. Sa pangalan ni Jesus na tanging tagapagligtas. Amen