DEVOTIONAL TIME:
May isang bata na may malubhang karamdaman kung saan buwan nalang ang bibilangin ng bata sa mundo, isang klasing karamdaman na ang tanging magsasalba lang sa kanya upang siya’y patuloy na mabubuhay ay makakita ng donor.
Isang gabi, habang nasa hospital ,ang mag-ama ay nagkwentuhan sa kanyang anak paraan para maging komportable ang bata hanggang sa ito’y makatulog ng tuluyan. Dahil sa pag-alala ng ama at sa sobrang pagmamahal sa anak ,ay naisipan nitong umalis pansamantala at lingid sa kaalaman ng lahat lalo na sa kanyang anak . Umalis ang ama niya para sa isang kadahilan”pera” .
Umalis ito patungo sa isang lugar na kahit siya ay hindi alam ang kanyang pakay ang tanging laman ng niya ay ang pera para maisalba ang kanyang anak gamit ang pera para makabili ng organ at pambayad sa operasyon .Sa gawing malayo ,ngunit tanaw ang hospital ,may isang daanan kung saan ang sasakyan ay bahagyang nabagal dahil sa kalsadang kurbada at ng kadiliman.Dito sa di inaasahang pagkakataon, nakakita siya ng isang taxi kung saan isang batang foreigner ang naaninag niya.
Dito pumasok sa isipan niya na kung kikidnapin niya ang bata ay pwede siyang mabayaran ng ransom ng ama nitong foreigner. Papalapit na ang taxi ng bigla itong dumapa sa gitna ng kalsada dahilan para hintuan siya ng taxi. Huminto ang taxi at sa pagtangka nitong usisain ang di umanoy nakahigang katawan ng isangtao sa kalsada ay biglang itong nanunutuk ng kutsilyo. Sa kasamaang palad, nanlaban ang driver at ito ay kanyang napatay.
Lumipas ang ilang minuto, nilapitan niya ang batang foreigner kung saan pilit niyang inagaw ang Bag.“Give me that bag, I need money for my dying daughter! or else, I will kill you!” “ no please let me pass someone need my money so badly she needs me also if I will not come that person will dei! So let me pass! I’m begging you! sabi ng foreigner.
Dito nagdilim ang paningin ng lalaki at mas nangingibabaw ang pangangailangan nito para sa kanyang anak.Sinaksak niya ang foreigner hanggang ito ay malagutan ng hininga dahilan kaya malayang nakuha ang bagat hindi siya nagkamali 700K ang laman ng nasabing bag.
Makalipas ang dalawang araw sa pagtatago at sa pag-iisip na magpalamig pansamantala matapos ang ginawa niyang krimen ay bumalik siya sa hospital nagmamadaling hinanap ang doctor ng kanyang anak . Tuwang- tuwa niyang inabut ang pera. Subalit tahimik ang salubong ng doctor sa kanya at mahinang sinabi na: “pasensya napo kayo sir pero patay napo ang inyong anak. Mas napaaga ito sa inaasahan.“ isang donor sana na batang foreigner ang nag volunteer para sa anak ninyo. May dala tong pera para dagdag tulong sana, ngunit sa kasamaang palad nahold up ang donor at napatay. Dalawang araw na ang nakalipas.”Dito lumakad papalayo ang lalaki sa doktor at di sumagot pa.
Kaya minsan ang akalang pweding solusyon sa ating problema ay ito pa ang magiging daan na madagdagan ang problema. Kaya’t hayaan na ang Panginoon na ang magbigay ng solusyon sa ating problema.
Manalangin tayo.
Ama naming nasa langit, Salamat sa lahat po ng biyaya na bigay niyo sa amin. Turuan niyo po kami maghintay sa tamang solusyon ng aming mga problema. Bigyan niyo po kami ng lakas na loob sa bawat araw, upang harapin ang bawat pagsubok sa buhay namin. Ito ang samot dalangin sa pangalan ni Jesus. Amen…