Harapin natin ang katotohanan, hindi lahat ay may sapat na kaalaman ukol sa paksang ekonomiks. Maliban na lamang kung ikaw ay isang propesor o estudyante, magkakaroon ka ng ideya kung ano ang ekonomiks sa isang bayan. Madalas lamang naririnig ang katagang ito sa eskwelahan at sa mga politiko na namumuno sa isang bansa ngunit hindi naman nauunawaan ng karamihan. Sa artikulong ito, bibigyang diin ang konsepto ng ekonomiks at kung paano naging mahalagang konsepto ng ekonomiks ang mga bagay na nakapaloob rito. At bibigyan rin ng kaukulang pagpapaliwanag upang mas maunawaan ng husto ito.