Lipon ng iba't ibang uri ng panitikan na nagpapahayag ng sari-saring damdamin at pananaw na sumasalamin sa lipunan at kulturang Pilipino
Isinulat ni John Paul Ong, 12 Martin Luther
Tuwing magtatapos ang taon, nakaugalian na nating mga mag-aaral ang bumisita sa ilang mga lugar sa iba’t ibang panig ng bansa, upang makapagbakasyon at makapagpahinga mula sa mga aralin — hanggang sa dumating ang pandemya. Pinanatili tayo sa loob ng ating mga tahanan kung saan ligtas sa kabila ng mga walang humpay na community quarantine. Nakasasabik tuloy ang sumakay sa eroplano, lumangoy sa dagat at magbilad sa arawan, pati na rin ang kumain kasama ang ating mga mahal sa buhay nang walang inaalalang panganib.
Isinulat ni Timothy Daniel Uy, 12 Hudson Taylor
Kung may oras ka naman sa gitna ng pandemya, may mas mabuti pa bang paraan upang gamitin ito kaysa sa kapuwa maglibang at matuto? Kung iyan ang nais mong gawin, wala nang mas bagay na gawin bukod sa panonood ng bagong Netflix show na “Trese”. Kahit hindi man ito ang pinakaunang uri ng animation, nagawa pa rin nitong ipakita ang kalidad at mga kaibahan nito sa iba pang palabas.
Isinulat nina John Paul Ong at Aeron Ang, 12 Martin Luther
Matapos ang isang linggong paglalayag sa dagat, dumaong na sa pantalan ng bayan ng Cres, isang kaibig-ibig na isla, ang barkong binansagang Byzantine. Lulan nito ang humigit-kumulang isang-daang pasahero na nagmula pa sa iba’t ibang panig ng mundo, pati na rin ang mga kayamanan tulad ng ginto, pilak, at mga tela na yari sa seda.
Habang binabaybay ng mga pasahero ang andamyo ng barkong nagbubuklod sa lupa’t dagat, nalalanghap at dumadampi sa kanilang mga balat ang preskong simoy ng hangin na tila ba nag-aanyaya ng kasaganahan at bagong pag-asa. Karamihan sa kanila, mababakas ang nagniningning na mga mata, sapagkat may nababanaag silang magandang simula at panibagong mga mithiin sa islang ito.
Isinulat nina Mikaela Wang at Shanelle Dela Cruz, 12 Martin Luther
Sa isang munting baryo sa Sitio Mahiwaga, may isang pamilya na simple ang pamumuhay—ang pamilya Fernandez. Ang mag-asawang Fernandez na sina Mang Esteban at Aling Nena ay may nag-iisang anak na lalaking nagngangalang Karlos na ngayon ay labing-isang taong gulang na. Mahal na mahal nina Mang Esteban at Aling Nena ang kanilang bugtong na anak, kaya naman lumaki si Karlos sa layaw. Lahat ng kaniyang gusto ay ibinibigay ng kaniyang mga magulang, kahit na ang tanging hanapbuhay nila ay ang pamamasada sa dyip.