Katotohanan ng SOGIE
Maaaring paghaluin at itugma sa maraming paraan ang mga elemento ng SOGIE. Ang isang tao ay maaaring italagang lalaki sa kapanganakan at magpakilala bilang isang babae. Kapag ang kanilang pagkakakilanlang kasarian ay hindi tugma sa kanilang itinalagang kasarian, maaari nilang makilala ang kanilang sarili bilang transgender (transman, transwoman.)
“Transwomen have been measured on the level of passability of each woman. A transwoman doesn’t need to pass, doesn’t need to be physically beautiful for her to own her womanhood,” sabi ni Mela.
Dagdag pa niya sa isang facebook post na walang nakakatawa sa ipinanganak na may titi pero ang isip at puso ay babae. Ito’y patungkol sa kontrobersya ng isang pelikulang tumatangkilik sa transphobia.
Hindi ito lubusan at kailanmang naiintindihan nang buo ng mga taong wala sa komunidad. Dahil sa mata ng mundo, normal sila.
“Pero ito yung laban na hindi namin bibitawan. We will patiently educate. Because just like any person, we trans people deserve respect for our truths, for our choices, and for being us,” pagdedeklara ni Mela.
Sa kabila ng pag-unlad, karamihan sa kamalayan ay nagmumula pa rin sa kapinsalaan ng mga kasapi ng LGBTQ+ na nakakaranas ng diskriminasyon, maging karahasan.
Kaya ang pagkilala sa SOGIE ng isang tao, lalo na ng mga kagaya ni Mela, ay isang malaking tagumpay sa sarili nito. Ito ay lagi’t laging higit pa sa pisikal, at bagamat hindi ito ang hangganan, ito ang daan sa isang mapagpalayang lipunan.