Kahit sa murang edad pa lamang, napakahalaga na ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa edukasyon sa ating pagpapakatao. Sa bahagi ng portfolio na ito, subaybayan ninyo ang lakbayin ko bilang isang kabataan patungo sa isang ganap na makatao.
Kahit sa murang edad pa lamang, napakahalaga na ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa edukasyon sa ating pagpapakatao. Sa bahagi ng portfolio na ito, subaybayan ninyo ang lakbayin ko bilang isang kabataan patungo sa isang ganap na makatao.
UNANG MARKAHAN
Advocacy Campaign ⋆.ೃ࿔*:・
Nakatataba ng puso ang gawaing ito sapagkat naramdaman kong nagamit ko ang aking boses bilang isang kabataan sa isang makabuluhang paraan. Hindi man natin masyadong nabibigyan ng pansin ngunit isang malaking talakayin ang ukol sa kalayaan ng mga OFW. Sa pamamagitan ng proyektong ito, ikinakagalak kong mayroon akong naiambag kahit sa munting paraan lamang upang maipaglaban ang ating mga modern Philippine heroes. Isa pang hindi ko malilimutan sa proyektong ito ay ang dami ng aming nakuhang engagement! Tunay na nakatutuwa ang suportang natanggap ng aking grupo at nakalulugod sa damdaming marami kaming naibahagi sa aming kapwa-kabataan din.
Takdang Aralin ⋆.ೃ࿔*:・
Dahil sa takdang aralin na ito, nagamit ko ang mga aral na aking natutunan sa mga sitwasyong atin talagang pinagdadaanan. Itong aktibidad ay isang oportunidad upang masuri ko ang mga pangyayaring ipinahayag at napag-isip isip kung ano nga ba ang gagawin ko kung sakaling mangyari talaga iyon sa aking buhay. Sa tulong nito, masasabi kong handa na akong harapin ang ganitong sitwasyon at nakasisiguradong tama ang aksiyon na aking gagawin. Bata pa lamang tayo ay mahalaga nang maging matapat at mabuti sa halip ng mga hamon na susubok sa atin.
PANGALAWANG MARKAHAN
Gawain ⋆.ೃ࿔*:・
Noong una, nakaramdam ako ng kaunting paghihirap at kalituhan habang sinasagutan ang gawain na ito. Dahil halo-halo na ang mga aralin na aming pinag-aralan, kinailangan kong maglaan ng mas maraming oras upang matapos ang mga katanungan. Subalit, dahil sa gawaing ito, naging handa ako para sa paparating na markahang pagsusulit. Napagtanto ko ang mga pagkakaiba ng bawat hakbang at mga terminolohiya. Mas lumawak ang aking kaalaman sapagkat ako ay nagbasa ng mga karagdagang impormasyon mula sa aming libro. Sa kabuuan, nang dumating na ang araw ng markahang pagsusulit, aking nasagutan ang mga katanungan dahil inihanda ako ng gawaing ito. Bukod dito, nag-balik aral pa ako upang makasigurado sa aking mga sagot. Ang buong karanasan na ito ay hindi lamang nagpatibay sa aking kaalaman kundi nagturo rin sa akin ng halaga ng pagsisikap at tiyaga.
Pagbuo ng Tema ⋆.ೃ࿔*:・
Bawat buwan, may nakatakdang asignatura kung saan kami ay magsasagawa ng mga aktibidad na naaayon dito. Para simulan ang “EsP month” ngayong Disyembre, kami ay pinabuo ng tema. Ito ay naging isang masusing proseso na nangangailangan ng malalim na pag-unawa sa aming mga mag-aaral upang matiyak na ito ay angkop sa mga ibinigay na paksa. Sa pagbuo ng tema, aking isinama ang mahahalagang konteksto tulad ng pagtutulungan, pagkakaisa, at katarungan. Napili ko ang mga ito sapagkat sa panahon ngayon, hinahanap natin kung ano ang tunay na batayan patungo sa kaunlaran. Sa pamamagitan ng masinsinang pag-iisip, nakalikha ako ng isang temang makabuluhan at makapagbibigay-inspirasyon sa aking mga kapwa estudyante.
Proyekto ⋆.ೃ࿔*:・
Para sa proyekto namin ngayong markahan na Programang Pantelibisyon o Panradyo, ako ay nagpresenta upang maging editor sapagkat iyon ay isa sa aking mga kinalilibangan nitong mga nakaraang araw. Habang kami ay nagfi-filming, napakarami kong mga bagong alaalang nabuo kasama ang aking mga kagrupo na labis kong ikinalulugod. Dahil kinulang kami sa mga karakter na lalaki, naisama rin pala ang aking kaibigan na si Rich, at ikinatutuwa kong natulungan niya kami sa ganitong paraan.
Nang simulan ko na ang pag-e-edit, lubusan kong nakita ang kahusayan ng aking mga kaklase sa pag-arte. Dahil dito, mas nasiyahan akong gumawa at nakakaramdam ng pananabik sa magiging kabuuan ng proyekto. Napakalaki ng pasasalamat ko kay Felizity sa pagtulong sa akin na pagsama-samahin ang mga video para sa isang bahagi ng proyekto, dahil kung hindi ay baka kapusin na kami sa oras.
Nang matapos ko ang editing, nakatutuwa sapagkat nagustuhan ng aking mga kaklase ang aking ginawa. Sana ay ganoon din ang naging pakiramdam ng aming guro. Ang buong karanasan na ito ay hindi lamang nagpatibay ng aking kasanayan sa pag-e-edit, kundi nagbigay rin sa akin ng masayang alaala at karanasang puno ng pagtutulungan at pagkakaibigan.
IKATLONG MARKAHAN
Pamana ⋆.ೃ࿔*:・
Dahil sa pagsagot ng pamana na ito, aking napagtanto kung gaano kalaking responsibilidad ang alagaan ang ating kalikasan at kapaligiran. Binigyang-diin ng journal na ito ang iba't ibang aspeto ng pangangalaga sa kalikasan, kabilang ang kahalagahan ng pagbabawas ng basura, pagtitipid sa likas na yaman, at pagpo-promote ng mga napapanatiling gawain. Dito ko rin lubos na naunawaan kung bakit mahalagang pangalagaan natin ito sapagkat ito ay isang moral na obligasyon sa Panginoong Diyos.
Sa totoo lang, habang sinasagutan ang pamana na ito, napansin kong napakarami ng kailangan sagutan kaya ako ay medyo nahirapan. Ang ilan pa nga rito ay paulit-ulit lamang. Ngunit, nang matapos ko na sagutan ang bawat pahina, nakaramdam ako ng tagumpay at dumating sa realisasyon kung bakit kailangan isipin ito nang mabuti. Ang realisasyong ito ay nagpapakita na ang pagbabago ay nagsisimula sa atin, at ang ating mga pang-araw-araw na pagpili ay maaaring magdulot ng mas napapanatiling hinaharap.
Dahil sa gawaing ito, naitatak ko sa aking puso at isipan ang bawat paraan at kung bakit mahalagang alagaan ang ating kapaligiran. Ang pagninilay na ito ay nagpapaalala sa akin na tayo ay mga tagapangalaga ng kalikasan at may tungkuling protektahan at pagyamanin ito. Sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagkakaroon ng mga malay na pagpili, maaari tayong mag-ambag sa isang mas malusog at mas matibay na kalikasan para sa mga susunod na henerasyon.
Puno ⋆.ೃ࿔*:・
Gamit ang mga parte ng puno, natukoy namin ang kahalagahan ng aming bayan, kung paano kami nahuhubog bilang mga tao, at ang iba't ibang paraan kung paano ito ipamalas.
Sa tulong ng gawaing ito, ako ay nakapag-muni-muni sa mga bagay na ito. Dito ko napagtanto na ang pagmamahal sa ating bayan ay hindi lamang isang simpleng damdamin kundi isang mahalagang tungkulin na dapat isabuhay sa pang-araw-araw na buhay. Ang bawat hakbang na ginagawa natin, gaano man kaliit, ay may malaking kontribusyon sa pag-unlad ng ating komunidad.
Ang ating pagmamahal at pagpapahalaga sa ating bayan ay nagsisilbing inspirasyon upang magpatuloy tayo sa pagtulong sa isa't isa at sa pagpapalago ng ating mga pangarap. Sa ganitong paraan, tayo ay magiging bahagi ng isang malakas at matagumpay na bayan na patuloy na yumayabong, tulad ng isang puno na patuloy na namumunga ng kasaganaan.
Kindness Jar Challenge ⋆.ೃ࿔*:・
Araw-araw, habang pinupuno ko ang jar tungkol sa mga munting kabutihan na aking nagawa, napagtanto ko na ang bawat simpleng kilos na ito ay may katumbas na malalim na kahalagahan. Hindi man natin napapansin ang pagbabagong nagiging epekto nito, ngunit napakalaki ng nagagawa nito sa ating sarili at sa iba. Sa tulong ng gawaing ito, lagi akong napapaalalahanan na gumawa ng aksiyon na makabubuti para sa ating kapwa.
Ito ay naging hamon para sa akin na nagturo na ang kabutihan ay hindi dapat obligasyon, kundi kusang ginagawa sapagkat utos ito ng ating Panginoong Diyos. Lagi nating isapuso’t isip ang Kaniyang mga salita para Siya ay malugod sa atin. Ang bawat munting kabutihan na ating nagagawa ay isang hakbang tungo sa pagbuo ng isang mas mahabagin at mapagmahal na komunidad.
Natutunan ko na ang kabutihan ay hindi kinakailangan ng malaking paghahanda o malaking aksyon. Sa halip, ang mga simpleng gawa ng kabutihan, kapag ginagawa nang may pagmamahal at sinseridad, ay may kakayahang magbigay ng malaking epekto. Ang Kindness Jar Challenge ay nagbigay sa akin ng pagkakataon na suriin at pahalagahan ang bawat munting gawa ng kabutihan na aking nagagawa at ang positibong epekto nito sa aking sarili at sa iba.
Statement Shirt ⋆.ೃ࿔*:・
Para sa proyektong ito, napunta sa aming grupo ang paksang "Mahalin ang Ating Bansa." Matagal kong pinag-isipan kung paano ko maipapahayag ang mensaheng nais kong iparating gamit ang malikhaing statement shirt. Pagkatapos maglaan ng oras sa brainstorming, nakabuo ako ng isang makabuluhang statement at naisipang gumamit ng heat press na mayroon kami sa bahay upang makalikha ng isang disenyong may matibay at mataas na kalidad.
Sa proseso ng paggawa ng statement shirt, napagtanto ko na hindi lamang ito simpleng proyekto kundi isang pamamaraan upang ipahayag ang pagmamahal at paggalang sa ating bansa. Ang bawat disenyo at mensahe na inilagay ko sa shirt ay bunga ng masusing pag-iisip at pagsasaliksik kung paano namin mapupukaw ang damdamin ng aming mga kapwa Pilipino.
Ang proyektong ito ay hindi lamang nagturo sa amin na mahalin ang sariling bayan, ngunit nagsilbi rin itong instrumento para maibahagi sa iba ang napakagandang araling ito. Gamit ang makulay na statement shirt, maaari kong mahikayat ang aking mga kapwa Pilipino na mahalin ang bansa sapagkat ito ang magiging daan patungo sa isang matatag at maunlad na ekonomiya. Ang mensaheng nais naming iparating ay hindi lamang para sa kasalukuyang henerasyon kundi para rin sa mga susunod pang salinlahi.
Environmental Vision Board ⋆.ೃ࿔*:・
IKAAPAT MARKAHAN
Pamana ⋆.ೃ࿔*:・
Sa unang tingin, maaaring isipin ng marami na ang paksa ng Kasagraduhan ng Buhay ay masyadong sensitibo at mahirap talakayin. Ngunit habang mas lumalalim ang pag-aaral tungkol dito, higit na mauunawaan ang napakahalagang papel nito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Sa tulong ng Pamana, mas naging malinaw sa akin ang iba't ibang paraan kung paano nalalabag ang kasagraduhan ng buhay—isang realidad na dapat bigyang pansin at solusyon. Ang mga ibinigay na halimbawa ay nagbigay ng mas malalim na pag-unawa, at ang mga kaalamang nasubok ay tiyak kong magagamit sa pagpapalago ng aking pagpapahalaga sa sariling buhay.
Bukod dito, napagtanto ko ang ilang mahahalagang realidad na dati kong hindi nabibigyang-pansin—kasama na ang mga pagkakataong nakakalimutan ko ang tunay na halaga ng aking buhay. Sa kabila ng mga ganitong sandali, ang Pamana ang nagbigay-linaw at paalala na ang buhay ay isang mahalagang biyaya mula sa Panginoon. Ito ay isang handog na dapat ingatan, pahalagahan, at bigyang importansya sa bawat araw.
Recollection ⋆.ೃ࿔*:・
Ang naganap naming recollection ay isang pagkakataon upang magnilay at matutunan ang mas malalim na mga aral tungkol sa ating buhay at pananampalataya. Naiiba man ang aking relihiyon, marami pa ring mga bahagi ang tumatak sa aking isipan. Isa na nga dito ang bidyong “The Pencil’s Tale.” Ang simple ngunit makapangyarihang mensahe nito ay isang paalala na ang bawat tao ay may layunin at halaga. Ang bidyo ay nagpaalala na ang tunay na halaga ng isang tao ay nakasalalay sa kanyang kalooban, at ang proseso ng pag-unlad ay natural na bahagi ng buhay.
Bukod dito, mahalaga rin ang aral na naibahagi ng tagapagsalita tungkol sa pagtataguyod ng magandang relasyon sa Panginoon. Ang paalala na ito ay tila muling gumising sa aking pananampalataya at nagbigay-inspirasyon na bigyang-pansin ang aking espirituwal na buhay. Sa pamamagitan ng regular na pananalangin, pagsunod sa mga turo ng Diyos, at paglalaan ng oras para sa Kaniya, nahanap ko ang mas malalim na kahulugan ng relasyon ko sa Maykapal. Ang kahalagahan ng pananampalataya ay hindi lamang nakatutulong sa personal na paglago, kundi nagbibigay rin ng kapayapaan at direksyon sa buhay.
Reporting ⋆.ೃ࿔*:・
Sa lahat ng mga aktibidad na aming isinasagawa sa EsP, ang reporting ang isa sa mga pinaka-inaabangan at kinaaaliwan ko. Sa bawat presentasyon, makikita ang malikhaing paraan ng bawat grupo sa pagpapahayag ng kanilang ulat—isang malikhaing pagsisikap na nagdadala ng kasiyahan at nag-aambag ng mahahalagang impormasyon na may praktikal na halaga sa aming pag-aaral. Ang bawat aktibidad ay nagiging pagkakataon upang hindi lamang magbahagi ng kaalaman, kundi upang ipakita rin ang pagkamalikhain at samahan ng bawat miyembro ng grupo.
Lubos akong nasisiyahan sa pakikipagtulungan sa aking grupo dahil ang bawat isa ay may natatanging kakayahan na nagiging mahalagang kontribusyon sa pagbuo ng isang presentasyong kapansin-pansin. Ang koordinasyon at pagsisikap ng bawat isa ay nagsisilbing susi upang makagawa kami ng isang mahusay na ulat na hindi lamang nagbibigay-kaalaman, kundi nagpapakita rin ng aming sama-samang determinasyon. Ang ganitong mga karanasan ay hindi lamang nagtataguyod ng pakikipagkaibigan, kundi nagbibigay rin ng inspirasyon upang mas maging masigasig sa aming pag-aaral.
Proyekto ⋆.ೃ࿔*:・
Napakagandang proyekto nito, lalo na’t napapanahon ito sa nalalapit na eleksyon. Isa itong mahalagang hakbang upang hikayatin kaming mga kabataan na maging aktibong boses sa pagtataguyod ng isang pamahalaang may mataas na kalidad at integridad. Ang proyekto ay hindi lamang nagbibigay-inspirasyon sa mga kabataan na makilahok sa mga usaping panlipunan, kundi nagsisilbi rin itong mahalagang leksyon para sa mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng mga panayam at talakayan tungkol sa mga napapanahong isyu, natutulungan kaming suriin ang kanilang mga sagot at pananaw upang mas maunawaan kung sila ay karapat-dapat at handa sa mga posisyon ng responsibilidad.
Bukod dito, ang karanasan ng pagpapanggap bilang mga tumatakbo sa eleksyon ay nagbigay ng mas malalim na pag-unawa sa proseso ng pamamahala at sa mga hamon na kinakaharap ng mga lider. Ang ganitong aktibidad ay nagtuturo ng kahalagahan ng pagiging mapanuri, responsable, at may malasakit sa kapwa. Sa pamamagitan ng ganitong simulasyon, natututo kaming mga mag-aaral na mas pahalagahan ang kanilang papel bilang mamamayan at ang kanilang kakayahang makapag-ambag sa pagbabago.
Ang ganitong uri ng proyekto ay nagtataguyod ng kritikal na pag-iisip at nagbibigay-daan sa mga kabataan na maging mas mapanuri at responsable sa kanilang mga desisyon. Sa huli, ito ay hindi lamang isang simpleng aktibidad, kundi isang makabuluhang hakbang tungo sa mas maayos at makatarungang lipunan.
Maikling Pagsusulit ⋆.ೃ࿔*:・
Lubos ang aking kasiyahan nang makamit ko ang perpektong marka sa parehong pagsusulit. Ang tagumpay na ito ay nagbigay sa akin ng matinding inspirasyon at kumpiyansa, sapagkat ipinapakita nito na tunay kong nauunawaan at natututuhan ang mga aralin namin sa EsP—mga araling mahalaga at magagamit ko sa pang-araw-araw na buhay. Ang karanasang ito ay hindi lamang nagbigay ng kasiyahan, kundi nagsilbi rin bilang patunay na ang aking pagsisikap at dedikasyon ay nagbubunga ng magagandang resulta.
Bukod dito, ang tagumpay na ito ay nagbigay sa akin ng mahalagang paghahanda para sa mas malalaking pagsusulit at hamon na maaaring dumating sa hinaharap. Sa bawat aralin at pagsusulit, natututo akong maging mas handa, mas determinado, at mas matatag sa pagharap sa anumang pagsubok. Ang karanasang ito ay nagsisilbing paalala na ang bawat tagumpay, gaano man kaliit o kalaki, ay hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.
End ☆*: .。. o(≧▽≦)o .。.:*☆