MID QUARTER EXAM (MQE)
MID QUARTER EXAM (MQE)
Ang aking iskor sa MQE sa ESP ay 36/40. Masaya na ako sa iskor na ito, sapagkat hindi ako nagkaroon ng iskor na 30 pababa. Mas lalo akong mag-aaral para sa QE para magkaroon ako ng mas mataas na puntos.
TEATRO TUNGKULIN
Ang itinakdang konsepto para sa amin ay ang "Paggalang sa Karapatan ng mga Tao". Pinili naming gumawa ng iba't ibang mga senaryo sa aming play. Ang una ay karapatang maglaro at maglibang, ang pangalawa ay karapatang magkaroon ng tahanan, at ang panghuli ay karapatang magkaroon ng magandang edukasyon. Sa aking palagay, naging magulo ang pagkakasunod-sunod ng aming mga senaryo ngunit naging maganda naman ang resulta.
UNANG MARKAHANG REPLEKSYON SA ESP
Labis na naging kapanapanabik at masaya ang aming pag-aaral sa EsP lalo na't ginabayan at tinulungan kami ni G. Carillo. Ang aming mga aralin ay ang sumusunod: Isip at Kilos-loob, Dignidad ng Tao, Pagpapahalaga at Birtud, Pananampalataya sa Diyos, at Pagtitipid at Pag-iimpok.
Ang Gamit ng Isip at Kilos-loob ay lubos na nakatulong sa amin upang gawin ang tamang pagpapasya sa buhay. Ang Dignidad naman ay ang batayan ng paggalang sa sarili, sa pamilya, at sa kapwa. Ang lahat ng tao ay may dignidad, kung kaya't lahat tayo ay karapat-dapat sa buhay. Ang Pagpapahalaga at Birtud ay nakakatulong upang umunlad ang ating sarili at personalidad sapagkat ito ang mga batayan upang maging isang mabutIng tao. Mahalaga ang Pananampalataya sa Diyos. Dahil dito, nagkakaroon tayo ng malakas at matibay na paniniwala at koneksyon sa Diyos. At ang Pagtitipid at Pag-iimpok naman ay ang maaaring makatulong sa atin sa oras ng nangangailangan at hamon, sapagkat nagiging handa tayo at alerto.
SLOGAN PARA SA ESP-MONTH
Ang aking ginawang slogan ay "Pamilyang masagana at masaya, pundasyon ng pamayanang kaaya-aya". Ipinapakita nito na kapag mayroon tayong masaya, mapagmahal, at masaganang pamilya, magkakaroon tayo ng maayos at tahimik na pamayanan. Ang puntos na nakuha ko rito ay 20/20.
ESP GAWAING PANG-UPUAN #4
Ito ay ang aking SW#4. Ang aking iskor ay 18/20. Ang gawain na ito ay tungkol sa iba pang mga paraan sa paghubog ng konsensiya kasama ang pamilya.
CLIMATE CHANGE ACTION PLAN
Ito naman ay ang aking Climate Change Action Plan, kung saan kinailangan naming maglista ng tatlong paraan upang makatulong sa pag-iwas sa climate change kasama ang pamilya. Ang aking iskor ay 20/20.
IKALAWANG MARKAHANG REPLEKSYON SA ESP
Ang pagmamahal at pagpapakita ng paggalang sa pamilya at kapwa ay mahalaga. Sa markahang ito, natutunan namin ang Uri ng Pamilya, Tungkulin ng Bawat Miyembro ng Pamilya, Pamilyang Pilipino Bilang Likas na Institusyon ng Pagmamahal, Pananalangin sa Pamilya, Paghubog ang Konsensiya Gabay ang Pamilya, at Pagtuon ng Pamilya sa Pagbabago ng Klima.
Ngayong markahan, natuklasan namin na lubos na mahalaga ang pagpapahalaga sa pamilya. Sila ang gumagabay sa atin sa oras ng hamon at pag-aapi. Bilang tulong sa ating pamilya, mayroon tayong sari-sariling tungkulin upang makapagpakita ng pagkakaisa sa loob ng bahay. Bilang anak, ako ay tumutulong sa mga gawaing bahay, nag-aaral ng mabuti, at pagpapakita ng paggalang. Ang pamilya ay ang institusyon o simula ng pagmamahal kaya mayroon tayong iba't ibang paraan ng pagpapakita ng ating pagmamahal. Ang pananalangin kasama ang pamilya ay napakahalaga, sapagkat nagiging mas malakas ang ating panalangin, at naipapatibay natin ang ating koneksyon di lang sa Diyos, kundi ang ating pamilya na rin. Gamit ang gabay ng ating pamilya, nakakapaghubog tayo ng ating konsensiya, dahil sila ang tumuturo sa atin ng mahalagang aralin sa buhay. At ang panghuli, ang pagtuon ng pamilya sa pagbabago ng klima o climate change ay nakakatulong sa ating kinabukasan at kalikasan.
PARAAN NG PAGTITIPID NG TUBIG AT ENERHIYA
Ito po ang aming bidyo sa mga Paraan ng Pagtitipid ng Tubig at Enerhiya. Ang aming iskor dito ay 48/50. Napakasaya ko, sapagkat lahat ng aming mga miyembro ay may sari-sariling tugon at ang lahat ay tumulong. Maaaring panoorin ang aming bidyo sa kaliwa.
GAWAING PANG-UPUAN #3
MAIKLING GAWAIN
MAIKLING GAWAIN
TAKDANG-ARALIN
POSTER MAKING
Ito ang aking poster tungkol sa pagpili ng isang mabuting pinuno/lider. Ang iskor ko dito ay 20/20, at ako'y masaya dahil dito. Yehey!
BATAYAN SA PAGPILI NG PINUNO
Ang iskor ko dito ay 20/20. TyL!
PLEDGE: Ako ay nangangako na..
Muli, ako ay nakakuha ng perpektong puntos. Napakasaya ko dito, sapagkat naipapakita talaga ang pagsisikap ko.
GAWAIN
GAWAIN
ESSAY SA ESP
Ito ang aking essay/sanaysay, kung saan ako ay nakakuha ng 19/20 puntos. Ang aming sanaysay ay tungkol sa pagiging maingat sa social media.
ANG PANGHULING REPLEKSYON SA ESP
Sa pagtatapos ng ika-apat na markahan sa ESP 7, marami akong natutunan na moralidad at kabutihang-asal. Ang lahat ng mga araling tinuro sa amin ay nakakatulong upang tayo'y maging mabuting mamamayan na may mabuting ugali. Tinulungan kami ni G. Carillo, ang aming mapagmahal na guro sa ESP.
Mas nabuksan ang isip ko nang matutunan namin ang aming mga aralin sa lahat ng markahan. Naunawaan ko na kailangan nating respetuhin ang isa't isa, pati na ang ating sarili. Hindi lang iyan, kundi natutunan ko din na kailangan nating mahalin at di pagbalewalaan ang kalikasan. Ang lahat ng mga gawa ng Diyos ay dapat nating alagaan, sapagkat ito ang mga biyayang ipinagtitiwalaan Niya sa atin. Mas naging malinaw sa aking pananaw ang konsepto ng pagiging isang mabuting mamamayan at indibidwal.
Sa pangkalahatan, ang mga aral sa ESP ay mga gabay sa buhay, at nakakatulong ang mga ito upang mapunta tayo sa tamang landas sa buhay. Maraming salamat po, G. Carillo, sa iyong gabay at pagiging malikhain!