Ang naging takdang-aralin namin sa Araling Panlipunan ay ang paglalarawan ng mapa ng Timog-Silangang Asya. Ako ay nagkaroon ng iskor na 14/15 dito. Masasabi kong maganda ang aking gawa at ito ay wastong tignan sa totoong mapa ng Timog-Silangang Asya.
Ang aking iskor sa MQE ay 44/45. Masayang masaya ako dahil ito ang aking pinakamataas na iskor sa lahat ng aking mga MQE. Sa QE, susubukan kong i-perfect para mas magkaroon ako ng mga matataas na grado at puntos.
PROYEKTO SA AP 7
Ang aming proyekto ay tungkol sa mga tirahan, artipakto, at mga gawang bato sa Timog-Silangang Asya. Masasabi kong maganda ang aming gawa at wasto ang mga nilalaman nito.
Tunay na mahalaga na malaman natin ang kasaysayan ng ating pinagmulan at ang ating bansa. Sa markahang ito, pinag-aralan namin ang heograpiya ng Pilipinas, kultura, wika, at relihiyon nito. Sa tulong ni Gng. Daniel, natutunan namin ang mga ito nang mabilis.
Ang heograpiya ng Pilipinas ay napakahalaga sapagkat pinapahalagahan natin ang ating lugar at pisikal na katangian ng Pilipinas. Nauunawaan natin ang ating pinagmulan at mga likas na yaman. Mahalaga naman ang ating kultura dahil ito ang nagbibigay ng repleksyon sa ating pamamaraan ng pamumuhay. Kasama na rin dito ang ating wika at relihiyon. Bagamat iba-iba ang ating kultura sa ibang mga panig ng mundo, kailangan parin nating igalang ang isa't isa at bigyang-halaga ang sariling tradisyon. Ang tawag dito ay Unity in Diversity.
Ang aking nakuhang puntos ay 10/10. Ito ay makakatulong sa aking kaalaman tungkol sa imperyalismo at ang mga nakatulong dito.
Ito ay ang aming gawain tungkol sa Kolonyalismo at Imperyalismo. Ito ay aming ginawa sa aming online class. Itinakda kami na punan ang talahanayan.
docs.google.com/document/d/1iwnV3YTKvz-Vhg6vzane6dv08NJ-VMIV5u9hDcu4Fo4/edit?tab=t.0
Sa markahang ito, pinag-aralan namin ang pananakop sa iba't ibang bahagi ng mundo. Ang ibang aralin ay ang Kolonyalismo, Imperyalismo, mga Termino sa Panahon ng Bagong Imperyalismo, ang mga Patakaran at ang Pagtugon ng mga Katutubo.
Sa mga araling ito, natutunan ko na napakahalagang bigyang-pansin at halaga ang mga sakripisyo ng ating mga ninuno. Katulad sa mga nag-alsa para sa ating bansa, kailangan natin silang pasalamatan dahil tinulungan nila tayo upang maging malaya ang ating bansa. Napakahalaga din ang konsepto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sapagkat ito ay nakatulong sa pagsulong ng mga batas, patakaran, at iba pa.
Ang aking nakuhang puntos ay 25/25. Napakasaya ko nang makita ko ito, sapagkat madali rin naman ang pagsusulit na ito,
Ang aking nakuhang puntos naman dito ay 17/20. Masaya naman ako sa iskor na ito, kahit ako'y nagkaroon ng tatlong maling kasagutan.
Ako ay naubusan ng oras para dito, ngunit nagkaroon parin ako ng perfect na iskor (15/15). Ang aking binasa na libro ay ang Buddha: The Journey to Enlightment.
Sa markahang ito, ang aking kaalaman ay umusbong nang mapag-aralan namin ang Nasyonalismo at Kasarinlan, ang Kahalagahan Nito, Ang mga Uri ng Nasyonalismo, at Pagtamo ng Kasarinlan sa Pilipinas at Burma.
Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa pag-ibig sa bansa at matibay na ugnayan sa kasaysayan, wika, relihiyon, at kultura nito. Ito ang naging dahilan ng pag-usbong ng kalayaan at pag-aalsa ng ating mga bayani. Ang kasarinlan ay tumutugon sa kondisyon ng pagiging malaya mula sa pagkontrol. Mahalaga ang mga ito sapagkat binibigyan nitong diin ang pagiging makabayan, pagkakaroon ng pagkakaisa sa bayan, pagtataguyod ng sarili, at pagmamalaki ng mga pamana at kasaysayan. Matutukoy natin ang mga uri ng nasyonalismo sa pamamagitan ng SPIKED: Sibiko, Pan-nationalism, Ideolohikal, Kultural, Etniko, at Diaspora. Upang magkaroon ng kalayaan at kasarinlan sa Pilipinas at Burma, nagtatag sila ng mga misyon at layunin. Isa na rito ay ang Misyong OsRox na itinatag nina Manuel Roxas at Sergio Osmena, kung saan hinihingi nila ang kasarinlan sa Pilipinas sa mga Amerikano. Napakahalaga ng lahat ng mga araling ito, sapagkat pinapahalaga natin ang mga paghihirap ng ating mga bayani sa Pilipinas, maging sa Burma. Kailangan natin silang ipagmalaki, sapagkat sila'y nagsakripisyo para sa ating kalayaan.
Ito ang aming proyekto sa AP. Ako ang nag-disenyo, habang ang iba naming miyembro ay naghanap ng mga balita at nagbigay ng reaksyon. Upang makita ang aming gawa, i-click ang link sa baba:
PREVIEW...
PREVIEW...
Sa Quiz na ito, ako'y nakakuha ng 11/11 puntos. Napakasaya ko dahil dito!
Ako'y nakakuha ng +10 na puntos dahil dala ko ang aking AP Book. Yehey!
Sa markahang ito, mas marami akong natutunan na mga aralin tungkol sa kasaysayan ng iba't ibang mga bansa. Mahalaga ang lahat ng mga aralin na ito, sapagkat naniniwala ako sa kasabihan na "History always repeats itself". Sa tulong at gabay ni Gng. Daniel, marami kaming napulot na aralin tungkol sa AP!
Dahil sa mga aralin, mas naunawaan namin ang koneksyon ng nakaraan sa kasalukuyan. Makikita sa mga aralin at kasaysayan na nagtulungan ang mga bansa upang magkaroon ng kalayaan at kapayapaan sa pagitan ng bawat isa. Ang lahat ng mga ito ay may aral ng katatagan, pagkakaisa, at pagkilos para sa ikabubuti ng lahat.
Muli, maraming salamat po Gng. Daniel sa iyong tulong at pagtuturo nang may pagmamahal at sipag. Hanggang sa muli!