Week 8
Aralin 1: Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo (Imperyalismo)
Aralin 2: Nasyonalismo sa Europa
Aralin 1: Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo (Imperyalismo)
Aralin 2: Nasyonalismo sa Europa
Layunin: (Most Essential Learning Competencies)
1. Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo (Imperyalismo)
2. Naipapahayag ang pagpapahalaga sa pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa at iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Panimula (Susing Konsepto)
Aralin 1: Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo (Imperyalismo)
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Africa Kinilala ang Africa bilang “Dark Continent”, dahil hindi pa ito lubusang natutuklasan at nagagalugad subalit, paano nalaman ang tungkol sa Africa? Ating kilalanin si David Livingstone, isang misyonero at manlalakbay na nagmula sa Scotland na nakarating sa Africa. Ipinangalan niya kay Queen Victoria ng England ang Victoria Falls (o dating Zambesi Falls) ng Africa. Sa kanyang mga tuklas at impormasyon tungkol sa Africa ay naging dahilan upang magkaroon ng interes ang mga Europeo na galugadin ito.
Sa paglipas ng panahon ay nawalan ng komunikasyon si Livingstone sa Europa, kaya naman ang pahayagang The New York Herald ng Amerika ay ipinadala si Henry M. Stanley sa Africa. Natagpuan ni Stanley si Livingstone at ang kampo nito sa Lake Tanganyika noong 1841. Ang matagumpay na eksplorasyon at tuklas nina Livingstone at Stanley, ay ang simula rin ng pagdaong at paggalugad ng mga Europeo sa Africa, isa na dito ay ang ekplorasyon sa ngalan ni Haring Leopold II ng Belgium. Sa tulong ng pakikipagkasundo sa lokal na mamamayan ng Africa, itinatag niyaang pribadong organisasyonna tinawag na “International Association for the Exploration and Civilization of Africa” na layuning palaganapin ang Kristiyanismo at gawing sibilisado. Mabilis na naangkin ng Belgium ang Hilagang Congo na malapit sa ilog at tinawag itong “Congo Free State” o Zaire sa kasalukuyan. Nalaman ng mga bansa sa Europa ang tungkol sa Belguim, idagdag pa ang pagkatuklas ng mga ginto at diyamante dahilan upang maraming bansa 47 ang sumali sa kompetisyon o agawan sa Africa. Hindi nagtagal ay tuluyan ng nasakop ang Africa dahil na rin sa lokasyong estratehikal, walang laban sa modernong armas at ang pagkakaiba-iba ng mga tribo. Ilan sa mga bansang nanakop ay ang France, Italy at Germany. Ang mga pangyayaring ito ay nagdulot ng pangamba sa pagkakaroon ng digmaan kaya naman isinagawa ang Kumperensiya sa Berlin noong 1884.
May dumalong 14 na bansa, ngunit walang Aprikanong nakarating upang maging kinatawan. Ang kasunduang ito ay ang paghahati-hati ng mga bansang Europeo sa Africa.
Mapa: Ang Pagkakahati ng Africa batay sa Bansang Mananakop Kolonyalismo at Imperyalismo sa Asya Ang ika-19 na siglo ay ang panahon ng paghahati-hati ng mga Europeo sa teritoryo ng Asya. Narating ng mga Europeo ang Asya, sa mga nakaraang aralin nalaman natin ang mga bansang sinakop sa Asya ng mga Europeo, subalit sa pagkakataong ito ang China ay isa sa mga bansang nasakop.
Suriin natin!
Silangang Asya:
China, bilang Sphere of Infuence- Sa panahon pa lamang ng Dinastiyang Qi ay mayroon ng ugnayan ang China sa mga British para sa kalakalan. Dumating ang panahon noong 1839 hanggang 1842, kung saan natalo ang China sa naganap na Opium War o Digmaang Opyo. Ngunit, bakit ito itinawag na Digmaang Opyo? Tinawag itong Digmaang Opyo dahilsa ang kinakalakal ng British ay Opyo isang uri ng gamot na maaaring ituring na katulad ng shabu sa kasalukuyan. Sinunog ng mga Tsino ang barkong pangkalakal ng British na naglalaman ng mga opyo. Hudyat ito ng digmaan sa pagitan ng China at Great Britain.
Bilang pagkatalo lumagda ang China sa Kasunduan sa Nanking na naglalaman ng ilang mga sumusunod na patakaran: limang daungan ang binuksan;ang HongKong ay pagmamay-ari na ng Great Britain; magbabayad ng danyos ang China sa Great Britain para sa nasira ng digmaan; at extraterritoriality ng Great Britain sa China. Ang extraterritoriality ay nangangahulugang ang British na nagkasala sa China ay lilitisin sa Great Britain. Muling sumiklab ang Digmaang Opyo o Ikalawang Digmaang Opyo noong 1856, at muling natalo ang China laban sa France at Great Britain. Bumagsak sa paglagda ng Kasunduang sa Tientsin ang China na naglalaman ng mga sumusunod: bubuksan ang may 11 daungan para sa pangdayuhang kalakalan; legal na pag-aangkat ng opyo sa China, at pagtanggap ng Kristiyanismo.
Bukod sa mga nabanggit na Kasunduan, tunghayan ang ilan pang Kasunduang nilagdaan ng China.
• Kasunduan sa Whampoa (1844) sa France
• Kasunduan sa Peking (1849) sa Portugal
• Kasunduan sa Lli (1851) sa Russia
• Kasunduan sa Shimonoseki (1895) sa Japan
Ang United States ay nagtakda ng Open Door Policy sa China noong 1899. Winakasan din ng United States ang sphere of influence upang maging bahagi sa kalakalan ng China.
Mapa: Mga Bahagi ng China sa ilalim ng Sphere of Influence Japan
Sa paglaya ng Amerika mula sa rebolusyon, hindi ito nagpahuli sa pakikipagsabayan sa pananakop, kaya naman ang isa sa mga bansang napasailalim dito ay ang Japan. Sa pangunguna ni Matthew C. Perry, dala ang mensahe mula kay US President Millard Fillmore, na humihingi ng istasyon ng langis, iba pang mga pangangailangan at pagkakaibigan, na-ipaabot ito sa Japan. Ang usapang ito ay humantong sa lagdaan ng Kasunduan sa Kanagawa (1854). Ang pagpasok ng Amerika at iba pang mga bansa sa Japan ay isang mahalagang pundasyon sa pag-unlad nito.
Sa patuloy na pag-unlad ng Japan, ito ay naging makapangyarihan at isa na rin sa mga naging mananakop. Timog Asya: India Ang pinakamalaking kolonya ng Great Britain ang India. Kinilala ang India bilang, "pinakamaningning na hiyas”. Dito itinatag ang English East India Company noong 1874, bilang tagapamahala sa India. Sa loob ng pitong taong pakkikidigma o Seven Years War ng France sa Great Britain dahil sa pag-aagaawan nawalan ng teritoryo ang France sa India. Ang pagsasagawa sa Kasunduan sa Paris o Treaty of Paris (1763), ang nagwakas sa digmaan. Sa puntong ito, buong kalakhan ng India ay nasa ilalim ng pamumuno ng British.
Sa mga bansa sa Asya, tanging ang Siam at Korea lamang ang hindi nasakop ng mga Europeo. Ngunit, bakit nga ba hindi nasakop ang mga bansang ito? Ang Siam o Thailand ngayon ay sinuko o ibinigay ang ilang teritoryo para sa pagsasarili sa pagitan ng Great Britain at France. Ang pagiging “Hermit Kingdom” ng Korea ay naging proteksyon nito. Hindi pinayagan ng Korea ang mga dayuhang makipagkalakaan. Ang Pagkakahati ng Asya sa Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo Pakikilahok ng United States Bakit nga ba nakilahok ang United States? Ayon nga sa kanilang paniniwala na "Manifest Destiny", nakatalaga at may basbas ng langit na palawakin at angkinin ang mga bansa. Idagdag pa dito ang pagpapalawak ng teritoryo at kalakalan.
Taong 1898, ang United States ay nagkaroon ng digmaan sa Spain. Sa pagkapanalo nito, ay sinakop ang Guam, Puerto Rico at Pilipinas na dating kolonya ng Spain. Ang Guam ay naging himpilang-dagat sa Silangan at ang Puerto Rico naman ay himpilang-dagat sa Carribean. Samantala, ayon kay Pangulong William Mckinley, ay pinag-isipan kung ano ang nararapat gawin sa Pilipinas. Nalagpasan ng United States ang Unang Digmaang Pandaigdig at nakuha ang teritoryo ng Samoa at Hawaii. Sa Samoa inilagak ang mahalagang himpilan. Sa Hawaii naman matatagpuan ang Pearl Harbor, kung saan nakabase ang himpilang-dagat ng United States sa Pasipiko. Bago matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, noong 1917, nakuha ng United States ang Virgin Islands mula sa kamay ng Denmark.
Ang Iba’t ibang Anyo ng Imperyalismo Ang pagiging makapangyarihan ng United States sa Pasipiko ay nagdulot sa pagkakaroon nito ng mga protectorate at sphere of influence. Ilan dito ay ang West Indies, Australia, New Zealand at mga bansa sa Central America.
Bakit naging protectorate at sphere of influence ang mga bansang ito? Walang tagapagtanggol ang kanilang bansa at walang pagkakaisa Nakukuhanan ng hilaw na materyales ng United States Pang-ekonomikong interes; pag-aari ng mga minahan, mga balon ng langis, mga taniman, mga daang-bakal at samahan ng mga sasakyang pandagat.
Sa ilalim ng pamumuno ng Great Britain sa Australia at New Zealand ay nakaligtas sa mga hidwaan ng mga bansang mananakop. Ang mga bansang ito ang nagsilbing bilangguan matapos ang labanan sa United States. Sa huli, hindi nakaligtas ang mga bansa ito sa pagtatayo ng kolonya ng mga bansa dahil sa pagkatuklas dito ng mga ginto.
Epekto ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo
Ang Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo ay nagdulot ng mabuti at hindi mabuting epekto sa mga mananakop at sa lupang nasakop(Africa at Asya). Anu-ano nga ba ang mga ito?
Mabuting Epekto
Pagkakaroon ng Sistema ng edukasyon
Pagtatayo ng mga imprastraktura
Panibagong Sistema ng pagtatanim Modernisasyon
Hindi Mabuting Epekto
Pang-aabuso at Pang-aalipin Pagkamkam ng mga likas na yaman
Pagkakahati ng mga teritoryo Pagbabago ng Kultura
Ang nasyónalismo ay isang sistema ng paniniwala o ideolohiyang politikal ng pagiging makabansa, ng katapatan sa interes ng bansa, ng identipikasyon nang may pagmamalaki sa kultura at tradisyon ng bansa, at ng paglulunggating matamo ang pambansang pagsulong. Pinaniniwalaang ang nasyonalismo ay isang pangyayaring kamakailan lamang naganap at nangangailangan ng mga kondisyong estruktural ng mga modernong lipunan.
Ang mga pambansang watawat, pambansang awit, at iba pang simbolo ng mga pagkakakilanlang pambansa ay itinuturing na mahalagang sagisag ng pagkakabuklod-buklod.¹ Ipinapakahulugan din ang nasyonalismo na damdamin at paniniwalang makabayan na nag-uugat sa pagmamahal sa isang bansa o estadong kinabibilangan. Sa madaling salita ay ang labis na pagmamahal sa bayan. Paano nga ba natin maipapahayag ang pagging nasyonalismo?
Kilalanin naman natin ang mga Superheroes, wala mang kapangyarihang lumipad, walang shield at walang robotic suits pero maraming nailigtas gamit ang kanilang pamumuno. Halika kilalanin natin ang ilan sa kanila!
Gawain 1:
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
1. Bakit kinailangan ng mga Europeo ng hilaw na materyales?
A. Hindi sapat ang kanilang mga likas na yaman para sa produksyon.
B. Walang mapapagkunang hilaw na materyales sa mga bansa sa Europa.
C. Upang matugunan ang walang hanggang pangangailangan sa produksyon.
D. A at B
2. Bakit tinawag ng kilalang misyonero ng Scotland na si David Livingstone ang
Africa bilang ‘Dark Continent’?
A. Dahil hindi pa alam ng buong mundo ang tungkol sa Africa
B. Dahil hindi pa ito lubusang nagagalugad at wala pang masyadong naglalakbay
C. Dahil wala pang nakakarating sa kontinente
D. Wala sa nabanggit
3. Paano nakilala sa buong mundo ang tungkol sa Africa?
A. Dahil sa taglay nitong likas na yaman.
B. Dahil sa matagumpay na eksplorasyon nina David Livingstone at Henry Stanley.
C. Dahil sa ipinangalan sa Reyna ng England ang Zambesi Falls ng Africa
D. Lahat ng nabanggit.
4. Bakit pinag-aagawan ng mga bansa sa Europa ang Africa?
A. Nagatataglay ito ng mga hilaw na materyales na kakailanganin sa produksyon.
B. Ang kultura ng mga mamamayan sa Africa ay tunay na yaman.
C. Nagtataglay ito ng mga ginto at diyamante.
D. A at C
5. Ang mga sumusunod ay ang bansang mananakop katambal ang bansang sinakop bunga ng kolonyalismo, maliban sa isa;
A. Belgium-Congo C. Great Britain-India
B. United States-Samoa D. Japan-Philippines
6. Ito ay nangangahulugang ang British na nagkasala sa China ay lilitisin sa Great Britain.
A. Protectorate C. Koloniyalismo
B. Extraterritoriality D. Sphere of Influence
7. Isa sa uri ng imperyalismo, tumutukoy ito sa isang bansa na nasa ilalim ng dayuhang pamamahala.
A. Protectorate C. Koloniyalismo
B. Extraterritoriality D. Sphere of Influence
8. Paniniwalang ang lahing kayumanggi, itim at dilaw ay obligasyong tulungan ng lahing puti upang umunlad.
A. White Man’s Burden C. Manifest Destiny
B. Social Darwinism D. Extraterritoriality
9. Damdamin at paniniwalang makabayan na nag-uugat sa pagmamahal sa isang bansa o estadong kinabibilangan.
A. Kolonyalismo C.Imperyalismo
B. Nasyonalismo D. Patriotism
10. Ang sumusunod ay malalayang bansa sa Africa bago magsimula ang 1914, maliban sa isa
A. Angola C. Republic of South Africa
B. Ethiopia D. Liberia
11. Matagumpay niyang napalaya ang Argentina dahil sa kaniyang husay sa pamumuno, sino siya?
A. Jose de San Martin C. Tupac Amaru
B. Vincent Oge D. Simon Bolivar
12. Ang kaniyang kamatayan at pamumuno ang nagmulat sa mga mulatto na magrebelyon. Sino siya?
A. Jose de San Martin C. Tupac Amaru
B. Vincent Oge D. Simon Bolivar
13. Kinilala bilang “Ama ng Mehiko/Mexico” bilang pangunguna at pamumuno ng pag-aalsa.
A.Miguel Hidalgo C. Tupac Amaru
B. Vincent Oge D. Simon Bolivar
14. Sino ang Emperador ng Ikalawang Republika ng France noong 1851?
A. Louis Philippe I C. Louis Napoleon
B. Napoleon II D. Emperador William I
15. Pinuno sa Haiti na nanguna sa pagsulong ng Nasyonalismo maliban sa isa
A. Vincent Oge C. Tupac Amaru
B. Francois Dominique Toussaint D. Jean Jacques Dessalines