Layunin (MELCs)
Nasusuri ang mahahalagang pagbabagong politikal, ekonomiko at sosyo-kultural sa panahon Renaissance
Ang Renaissance ay mula sa salitang Pranses na nangangahulugang “muling pagsilang” o rebirth. Ito ay sumibol noong 1350 hanggang 1550. Ito ay umusbong sa Italya at kalaunan ay kumalat sa buong Europa.
Una, ang pamumuhay sa Italya ay urbanisado. Ang mahahalagang gawain ng mga tao gaya ng politika, ekonomiya at osyo-kultural ay nakatuon sa mga ilang makapangyarihang lungsod-estado tulad ng Florence, Milan at Venice. Naging maunlad ang mga estadong ito dahil ito ang mga naging tagapag-ugnay ng Kristiyanong Europa at mga Kahariang Islam ng silangan.
Pangalawa, ang renaissance ay panahon ng muling pagbangon. Ang Europa ay sinalanta ng Black Death o Bubonic Plague na ikinasawi ng 24 milyong katao noong 1340s at mga digmaan noong Panahong Midyibal. Sa Panahon ng Renaissance, unti-unting nakabangon ang Europa sa epekto ng kalamidad noong Kalagitnaang Panahon.
Ikatlo, ang Renaissance ay ang pag-usbong ng Humanismo. Sa mga Italyano, itinuturing na ang buhay ng tao ay isang paghahanda lamang matapos ang kamatayan. Natuklasan ng mga Italyano na sila ay nagmula sa lahi ng mga Griyego at Romano. Ninais din mga tao noon na makamtan ang mga bagay na nakamit ng kanilang mga ninuno. Ang mga Griyego at Romano ay mga Humanista. Ibig sabihin nito, sila ay naniniwala na ang mga tao ay may kakayahang makamtan ang mga bagay na gusto nila at may karapatang maging masaya habang nabubuhay. Naging inspirasyon ng mga Italyano ang mga Griyego at Romano noong Panahon ng Renaissance kaya muling nabuhay ang Humanismong Klasikal. Ang mga pagbabagong ito na sanhi ng Renaissance ang naging dahilan ng paglakas ng Europa.
Mga Dahilan:
Itinuturing ng mga Italyano sa dugo at wika na sila ay may kaugnayan sa mga Romano kaysa sa alinmang bansa sa Europa.
May maganda itong lokasyon para magkaroon ng pagkakataon ang mga lungsod dito na makipagkalakalan sa Kanlurang Asya at Europa.
Itinaguyod nito ang mga maharlikang angkan sa mga taong mahusay sa sining at masigasig sa pag-aaral.
Mahalaga ang naging papel ng mga unibersidad ng Italya sa pagtataguyod at pananatiling buhay ng kulturang klasikal at mga teolohiya at pilosopiyang kaalaman ng kabihasnang Griyego at Romano.
Ang pagiging matanong at kahiligan sa kaisipang klasikal ang naging daan upang maitatag ang kilusang tinatawag na Humanismo. Sa kilusang ito, pinaniniwalaang dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Gresya at Roma sa pag-aaral dahil naglalaman ito ng lahat ng aral na dapat matutuhan upang magkaroon ng isang moral at epektibong buhay. Humanista ang tawag sa mga kasapi ng Humanismo.
Nagsilbing inspirasyon sa mga Humanista ang mga panitikan at sining ng mga sinaunang Griyego at Romano. Nagsaliksik at masusi nilang pinag-aalan ang mga manuskrito ng mga manunulat na Griyego at Romano at isinalin nila ito sa Latin.
Francesco Petrarch
– Ang “Ama ng Humanismo.” Mahalagang naisulat niya ang akdang pampanitikan na “His Sonnets to Laura,” na isang tula ng pag-ibig para sa kanyang pinakamamahal na si Laura.
Giovanni Boccaccio
– Siya ay kaibigang matalik ni Petrarch. Ang kanyang pinakamahusay na obra maestrang isinulat ay ang “Decameron,” na tanyag na koleksyon na nagtataglay ng isangdaang nakatatawang salaysay. Sumasalamin ito sa pananaw ng tao sa kanyang sarili at kakayahan.
William Shakespeare
– ang “Makata ng mga Makata.” Naging tanyag na manunulat sa Ginintuang Panahon ng England sa ilalim ng pamumuno niReyna Elizabeth I. Ilan sa mga sinulat niya ang kilala at tanyag na dula na pinamagatang “Julius Caesar,” “Romeo at Juliet,” “Hamlet,” “Anthony at Cleoparta,” at “Scarlet.”
Miguel de Cervantes
– isinulat niya ang nobelang “Don Quixote de la Mancha”, aklat na kumukutya at ginagawang katawa-tawa sa kasaysayan ang
kabayanihan ng mga kabalyero noong Panahong Midyibal.
Christine de Pizan
- isang babaeng Pranses na sumulat ng The Book of the City of Ladies. Ang kanyang isinulat ay isang direktang reaksyon sa paniniwala na ang mga kababaihan ay walang kakayahang matuto at walang paninindigan.
Thomas More
– isinulat niya ang Utopia na kanyang inilahad ang isang huwarang lipunan na kung saan ang lahat ay pantay-pantay at masaganang namumuhay.
Desiderious Erasmus
– tinaguriang “Prinsipe ng mga Humanista” na may akda ng “In Praise of Folly” na tumutulig sa sa hindi mabuting gawa ng mga pari at mga karaniwang tao.
Nicollo Machievelli
– diplomatikong manunulat mula Florence, Italy. Siya ang may akda ng “The Prince.” Napapaloob sa akalat na ito ang dalawang prinsipyo:
“Ang layunin ay nagbibgay matuwid sa pamamaraan”
“Wasto ang nilikha ng lakas”
Leonardo da Vinci
– hindi makakalimutang obra maestro niya ang “Huling Hapunan” na nagpapakita ng huling hapunan ni Kristo kasama ang Kanyang labindalawang disipulo. Siya ay isang henyong maraming nalalaman sa iba’t-ibang larangan. Hindi lang siya kilalang pintor, kundi isa ring arkitekto, iskultor, inhinyero, imbentor, siyentista, musikero at pilosopo.
Raphael Santi
– “Ganap na Pintor,” Perpektong Pintor.” Pinakamahusay na pintor ng Renaissance. Kilala sa pagkakatugma at balance o proporsiyon ng kanyang mga likha. Ilan sa kaniyang tanyag na gawa ang obra maestrang “Sistine Madonna,” “Madonna and the Child,” at “Alba Madonna.”
Nicolaus Copernicus
– inilahad niya ang teoryang Copernican; “Sa pag-ikot ng daigdig sa aksis nito, kasabay ng ibang planeta, umiikot ito sa paligid ng araw.” Pinasinungalingan ng teoryang ito ang tradisyonal na pag-iisip na ang mundo ang sentro ng sansinukob, na matagal ding tinangkilik ng simbahan.
Gallileo Gallei
– isang astronomo at matematiko. Malaki ang naitulong ng kaniyang naimbentong teleskopyo para mapatotohanan ang Teoryang Copernican.
Sir Isaac Newton
- higante ng siyentipikong Renaissance. Batay sa kanyang “Batas ng Universal Gravitation,” ang bawat planeta ay may kani-kaniyang lakas ng grabitasyon at siyang dahilan kung bakit nasa wastong lugar ang kanilang pag-inog. Ipinaliwanag niya na ang grabitasyong ito ang dahilan kung bakit bumabalik sa lupa ang isang bagay na inihagis pataas.
Para sa dagdag kaalaman:
Video Lesson: Week 1: RENAISSANCE
PPT: Week 1: RENAISSANCE
AP MODULE (LAS)
PAGSUSULIT
SUSUNOD:
Layunin (MELCs): Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng unang Yugto ng Kolonyalismo