Naipapaliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano at Pranses.
Rebolusyong Amerikano
Ang Amerika na binubuo ng labitatlong (13) kolonya at pinamumunuan ng bansang Great Britain sa kalagitnaan ng ika-18 siglo ay nagsimulang kalabanin ang Britanya upang makuha ang kanilang kalayaan.
Ang Labintatlong Kolonya ng Estados Unidos (nakatala magmula hilaga hanggang sa timog) ay ang mga sumusunod:
Mga Dahilan (RISE):
Representasyon sa Parlyamento. Dito sumikat ang kaisipan at katagang “no taxation without representation” o ‘walang pagbubuwis kung walang representasyon’. Hiningi ng mga Kolonya sa Amerika ang pagkakaroon ng representasyon sa parlyamento.
Intelektuwal o Enlightenment. Ito ang pinakamalaking pundasyon at kontribusyon sa pagkakaroon ng Rebolusyong Amerikano. Bakit? Ang mga akda, aral at prinsipyong mula sa mga pilosopo ay naging inspirasyon at nagbigay-daan upang mabuksan ang kanilang kaisipan bilang Amerikano na may mga karapatan, kalayaan, kaisipang politika at kaisipang rebolusyon. Isa na dito ay ang pilosopong si John Locke.Ang kaniyang ideya na “Tabula Rasa”, na ang tao ay nahuhubog batay sa kanyang karanasan. Pagdating sa pamahalaan, ipinaliwanag ni Locke na ang tao ay may kakayahang bumuo ng sariling pamahalaan batay sa kanyang pangangailangan at ikabubuti kung ito ay gagamitan ng pangangatwiran. Ang mga kaisipang ito ang naging dahilan upang ipaglaban ng mga Amerikano ang kanilang karapatan at kalayaan.
Stamp Act of 1765. Ipinatupad ang batas na ito upang patawan ng buwis ang mga illegal na dokumento at paglalagay ng mga selyo sa mga produkto ng British.Ang Stamp Act of 1765 at ang pagbubuwis ay naging dahilan upang iboykot ang mga produkto ng British ang kolonya, at mag-smuggle o lihim na pagpuslit ng mga produkto mula sa ibang bansa ang mga Amerikano.
Ekonomiya. Sa loob ng Seven Years’ War (1756-1763) ng Great Britain sa France, nangailangan ito ng malaking salapi, bilang panustos sa digmaan at pambayad sa malaking pagkakautang. Dahil sa pangangailangang ito, hinigpitan ang kalakalan at tinaasan ang mga buwis na ikinagalit ng mga Amerikano.
Mga pangyayaring humimok at nagtulak sa pagkamakabayan ng mga Amerikano
Stamp Act of 1765
Declaratory Act – sa batas na ito binibigyan ng karapatang lumikha ng batas para sa kolonya ang Parlamento ng British
Townshend Revenue Act –sa batas na ito ang produktong salamin, lead, papel, at tsaa ay papatawan ng karampatang buwis.
Boston Massacre (1770) -Namatay ang limang Amerikano sa pamamaril ng mga sundalong British.
Tea Act (1770) -isinasaad na ang 13 kolonya ay makikipagkalakalan sa East India Company ng Great Britain.
Boston Tea Party (December 16, 1773) –Palihim na nakapasok sa bapor ng British ang mga kolonistang Amerikano o tinatawag na “Sons of Liberty” sa pagpapanggap bilang Indiano o katutubong Amerikano at itinapon sa dagat ang mga baul ng tsaa. Dahil sa pangyayaring ito, pinatawan ng kaparusahan ang mga kolonista at buong Boston, pinaghigpitan at inalisan ng karapatang pamunuan ang sarili.
Mga mahahalagang pangyayari na naging hakbang sa paglaya ng Amerika
Setyembre 5, 1774 - First Continental Congress o Unang Kongresong Kontinental
Isang pagpupulong na linahukan ng mga kolonya liban lamang sa Georgia bilang paglaban sa mga British.Nagka-isa at sama-samang upang maitaguyod ang kanilang karapatan sa kolonya at matigil ang pakikipagkalakalan sa Great Britain. Sa kabila nito, hindi ito nabigyan ng pansin ni Haring George III ng Great Britain.
April 19, 1775 - Labanan sa Lexington, Massachusetts: American vs. British soldiers (Redcoats)
Bago makarating ang mga British sa Concord upang makuha an tindahan ng pulbura, mabilis na ipinaalam ito ng isang panday na si Paul Revere sa mga Amerikanong tagapagbantay. May namatay sa Amerikano, subalit natalo naman nila ang mga sundalong British sa Boston.
Mayo 1775 - Second Continental Congress o Ikalawang Kongresong Kontinental
Dahil sa hindi Nabigyang-pansin ng Britain ang kanilang hiling nagsagawa ng ikalawang pgpupulong ang mga kolonya. Bumuo ang kolonya ng hukbong sandatahang lakas na tinawag na Continental Army at nanalo sa botohan si George Washington bilang commander-in-chief.
Ang pamahalaan ng mga kolonya ay tinawag na United Colonies of Americaat sinimulan na nilang makipaglaban sa mga British.
Hulyo 4, 1776 - Declaration of Independence o Deklarasyon ng Kalayaan
Ang Second Continental Congress ay inaprubahan at inalabas ang Declaration of Independence na isinulat ni Thomas Jefferson. Ang mga kolonya ay naging malaya at kinilala bilang malayang nasyon sa ilalim ng pangalang United States of America o Estados Unidos ng Amerika.
Oktubre 19, 1781 - Pagsuko ng Great Britain sa Amerika
Tuluyang nagapi ng mga Amerikano ang Great Britain sa pamumuno ni George Washington. Sumuko sa Labanan sa Yorktown, ang hukbong ng mga British sa ilalim ng pamumuno ni Heneral Cornwallis,tuluyan ng nakalaya ang Amerika.
September 3, 1783 - Treaty of Paris o Kasunduan sa Paris
Bilang pagtanggap ng Great Britain sa kalayaaan ng Amerika.
Mayo 14, 1787 - Paggawa ng Konstitusyon
Binalangkas ang Konstitusyon sa Philadelphia, Pennsylvania, na nilahukan ng 12 dating kolonya. Kabilang sina George Washington, Benjamin Franklin, Alexander Hamilton at James Madison mga kilala at prominenteng delegado. Si James Madison ay kilala bilang “Father of the Constitution” o “Ama ng Konstitusyon”.
Sa mga pangyayaring ito sa Amerika, tunay na kakakitaan ng impluwensiya at kaugnayan sa Rebolusyong Pangkaisipan o Enlightenment, dahil sa pagpupursigi nito na maisulong ang kanilang kalayaan at karapatan. Ito ay nagpapakita ng kanilang pagkakaroon ng malawak at bukas na kaisipan; at malalim na pangangatwiran, na nagbunga ng isang mahalang ebidensiya, ang Kalayaan at Konstitusyon ng Amerika.
Gayunpaman, hindi madali ang pinagdaanan ng mga Amerikano sa pagkamit ng kalayaan, maraming labanan ang kanilang nilagpasan. Tunghayan natin ang tsart ng ilang tunggalian ng mga Amerikano at British.
Mga Labanan ng Great Britain at Amerika
(pagkatapos ng Deklarasyon ng Kalayaan)
Lugar
-Saratoga at Canada (Oktubre 1777)
-Daungan sa Savannah at Georgia(Disyembre 1778)
-King’s Mountain at Cowpens (1781)
-Yorktown (Oktubre 19,1781)
Resulta
Nanalo ang Amerikaat itinigil ng mga British ang pag-atake sa Canada.
Nanalo ang British, napasakamay nila ang buong Georgia.
Nanalo ang Amerika katuwang ang hukbong Pranses.
Nanalo ang Amerika sa pamumuno ni George Washington at sumuko ang British sa pamumuno ni Heneral Cornwallis.
Sa kabila ng kalayaan ay may mga labanan pa ring kailangang sagupain at pagtagumpayan. Ang Rebolusyong Amerikano ay tunay na simbolo ng pag-asa sa kalayaan at nagbigay inspirasyon sa mga kolonyang napasailalim ng mga mananakop.
Para sa dagdag kaalaman:
Video Lesson: Ang Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano - part 1
Video Lesson: Ang Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano - part 2
PPT: Week 5: Ang Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano
AP 8 MODULE/LAS
PAGSUSULIT
Susunod:
Layunin: (Most Essential Learning Competencies)
Naipapaliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano at Pranses.
Hunyo 17, 1789
Sa tulong ni Abbe Sieyes, isang pari (First Estate), idineklara ang Third Estate bilang National Assembly o Pambansang Asemblea.
Ang National Assembly o Pambansang Asemblea ay ang magpapasiya ng mga batas para sa lahat ng mamamayan ng France. Hindi sang-ayon si Haring Louis XVI kaya naman ipinasara niya ang lugar na pagpupulungan ng ikatlong estado. Gayunpaman, hindi nagpa-awat ang estado kaya naman isinagawa ang pagpupulong sa Tennis Court ng palasyo sa Versailles, France o kilala bilang “The Tennis Court Oath”. Sa pagkakaisa, kalakasan at determinasyon ng third estate, sa huli pumayag si Haring Louis XVI na, lumahok ang First at Second Estates sa pagpupulong. Ang pangyayaring ito ay ang simula ng pagkapanalo ng third estate.
Hulyo 14, 1789
Ang Pagbagsak ng Bastille. Ang Bastille ay isang kulungan at lugar na kinaroroonan ng mga pulbura. Sinugod,pinakawalan ang mga nakakulong, kinuha ang mga pulbura para sa digmaan at sinunog. Sa kasalukuyan ang Hulyo 14 sa France ay ipinagdiriwang bilang “Bastille Day”o “France’s Day of Independence”. Ang mga rebolusyonaryo ay binubuo ng mga sundalo at miyembro ng Asemblea. Nabalot ang France ng kaguluhan at pagkatakot sa rebolusyon.
Agosto 27, 1789
Declaration of the Rights of Man: “Liberty, Equality and Fraternity”. Ang Constitutional Assembly o dating Pambansang Asemblea ay naglabas ng Deklarasyon ng Karapatang Pantao at Mamamayan, ang Saligang Batas na nakatuon at isinusulong ang pagkakaroon ng kalayaan, pagkakapantay-pantay at kapatiran ng mga Pranses. Ang deklarasyong ito ay tunay na naipakita ang impluwensiya ng Enlightenment. Nabawasan ang kapangyarihan ng mga nasa Simbahan .
Setyembre 1791-1792
Sumang-ayon si Haring Louis XVI na ang pamumuno ay nakabatay sa batas. Naitatag din ang Legislative Assembly, bagong Asemblea na may kapangyarihang tagapagbatas. Mula sa monarkiya, ngayon ay naaging republika ang France.
Enero 21, 1793
Pinugutan ng ulo si Haring Louis XVI gamit ang guillotine, sa kasalukuyan tinawag ang lugar na Place de la Concorde sa Paris. Ilang araw ang nakalipas, ang kanyang asawa na si Marie Antoinette naman ang napugutan. Ang mga pangyayaring ito ay lumaganap at kinatakutan sa Europa, upang matigil ang mga rebolusyonaryo, ang Austria at Prussia ay nagpadala ng mga sundalong lalaban at tatalo sa rebolusyon.
Ang panahong ito ay kinilala bilang “Reign of Terror”. Bakit? Iyan ang aalamin natin ngayon! Upang mapanatili ang Republika, nagtatag ang rebolusyonaryo ng Committee of Public Safety noong ika-6 ng Abril 1793. Pinamunuan ito nina Jean Paul Marat, Georges Danton at Maximilien Robespierre, sila rin ay pinuno ng Jacobin. Tinawag na Reign of Terror ang panahong ito dahil sa libu-libong namatay sa guillotine at iba’t – ibang brutal na pagpaparusa. Ito din ang mga taong nilitis at itinuturing na banta sa Republika.
Sa huli, si Danton at Robespierre na nagpanukala ng kaparusahang guillotine ay mismo ring naparusahan ng kamatayan sa pamamagitan ng guillotine, ang kanilang kamatayan ay ang naging wakas ng Reign of Terror.
Taong 1795, dahil sa pagbagsak ng pamunuan ng rebolusyonaryo pinalitan sila ng mga Moderates, nagkaroon ng bagong konstitusyon at bumuo ngpanibagong konstitusyon na pamumunuan ng tinatawag na Directory na binubuo ng limang tao na ihahalal sa bawat taon. Subalit, dahil sa likas na kahinaan ng pamahalaan, matinding kaso ng graft and corruption at mga kalabang Pranses na nagnanais ibalik ang monarkiya. Ang kaguluhan at kahirapang ito, isinilang ang isang lider at heneral na si Napoleon Bonaparte, na sumakop sa iba’t-ibang bahagi ng Europa at nagpasimula ng French Empire. Dala sa kanyang pananakop ang ideya ng kalayaan, pagkakapantay-pantay at kapatiran na nagsulong sa pagbabago ng pamumuno at pagtatatag ng Republikang pamahalaan.
Para sa dagdag kaalaman:
Video Lesson