Week 2-3: Unang Yugto ng Kolonyalismo

Layunin (MELCs):

Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng unang Yugto ng Kolonyalismo

Kolonyalismo

Ang Kolonyalismo ay mula sa salitang kolonya na nagmula sa salitang Latin na “colons” na ang kahulugan ay magsasaka o “farmer.” Ang kolonyalismo ay ang direkta o tuwirang pananakop ng isang malakas na bansa sa iba pang mahihinang bansa upang makamit ang mga layunin o mga interes nito tulad ng pagkuha ng mga kayamanan. Kolonyaang tawag sa mga teritoryo at mamamayan na napasailalim sa kapangyarihan at pagkontrol ng bansang mananakop, samantalang ang kolonyalista ay ang tawag sa mga bansang mananakop. Tatlong bagay ang mahalagang dahilan ng pananakop ng mga Europe:

  • Paghahanap ng kayamanan;

  • Pagpapalaganap ng Kristiyanismo; at

  • Paghahangad ng katanyagan at karangalan.

https://i.natgeofe.com/n/44055596-4c41-4f8c-b51e-b4eb85bfd0af/01-colonialism-640476111_3x2.jpg

Mula ika-15 hanggang ika-17 siglo, naganap ang unang yugto ng Kolonyalismo. Ang pagbabagong naganap sa Europa sa Panahon ng Renaissance ang nagsilbing inspirasyon sa mga manlalakbay at nabigador na maglakbay sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig.


Mga Motibo at Salik ng Kolonyalismo

Una, naging kaaya-aya ang Asya sa paningin ng mga Europeo. Ang tangi lamang nilang kaalaman tungkol sa Asya ay mula sa tala ng paglalakbay ng nabiganor na sina Marco Polo, at Ibn Battuta. Naakit sila sa mayamang paglalarawan kaya naghangad silang marating ang lugar ng Asya. Ang “The Travels of Marco Polo” ay naging mahalaga sapagkat ipinaaalam nito sa mga Europeo ang yaman at kaunlarang taglay ng China. Hinikayat nito ang mga Europeo na marating ang China. Naitala naman ng Muslim na manlalakbay na si Ibn Battuta ang kanyang paglalakbay sa Asya at Africa.

Ikalawa, malaki rin ang naitulong ng dalawang 10articular na natuklasan para sa mga manlalakbay, ito ay ang “compass” na nagbibigay ng tamang direksyon habang naglalakbay at ang “astrolabe” na gamit naman upang sukatin ang taas ng bituin. Naging dahilan din ng pananakop na ito ang pagpapasimula ng paglalayag at pagtuklas ng mga bagong lupain ng dalawang bansa sa Europa – ang Portugal at Spain. Nanguna ang Portugal sa mga bansang Europeo sa katauhan ni Prinsipe Henry “the Navigator”na naging inspirasyon ng mga manlalayag sa kanilang panahon. Hinikayat niya ang mga dalubhasang mandaragat na magturo ng tamang paraan ng paglalayag sa mga tao. Masidhi ang kanyang pagnanais na makatuklas ng mga bagong lupain para sa karangalan ng Diyos at ng Portugal.

Ikatlo, nakadepende ang mga Europeo sa paggamit ng mgapampalasa o “spices” na matatagpuan sa Asya lalo na sa India tulad ng paminta, cinnamon at nutmeg.

Mga Nanguna sa Panggagalugad

Pinangunahan ng Portugal ang panggagalugad sa karagatan ng Atlantiko upang makahanap ng mga pampalasa at ginto. Sa pagitan ng 1320 hanggang 1528, nakapaglayag ang mga mandaragat na Portuges hanggang sa kanlurang bahagi ng Africa upang hanapin ang daang katubigan patungo sa Asya. Natagpuan ni Bartholomeu Dias noong Agosto 1488 ang pinakatimog na bahagi ng Africa na kilala sa tawag na Cape of Good Hope. Ang paglalakbay na ito ni Dias ay nagpapakita na maaaring makarating sa Silangang Asya sa pamamagitan ng pag-ikot sa Africa.

Noong 1497 ay apat na sasakyang pandagat ang naglakbay na pinamunuan ni Vasco da Gama mula sa Portugal hanggang sa Calicut, India. Taong 1500 sinakop ng manlalayag na si Pedro Cabral ang Brazil. Pinangunahan ng mga Heswita ang pagbuo rito ng mga pamayanan na naging destinasyon ng pandarayuhan ngmga Portuges. Sa kalagitnaan ng ika-16 na siglo, ang mga Portuges ay nangailangan ng mga manggagawa sa kanilang mga taniman ng tubo sa Amerika, kung kaya ito ang naging dahilan ng malawakang pagluluwas ng mga aliping Africano. Naging malaking 11articu para sa mga Portuges ang kalakalang ito ng mga alipin sa malaking bahagi ng Amerika.


Ang Paghahangad ng Spain ng Kayamanan Mula sa Silangan

Hindi nagpatalo ang mga Kastila sa mga Portuges sa panggagalugad. Sa ilalim ng pamamahala nina Haring Ferdinand at Reyna Isabellang Castille, naging dahilan ito upang maghangad din ng yaman sa Silangan. Sa kanilang pagsasanib pwersa, nagpadala rin sila ng ekspedisyon sa Silangan sa katauhan ni Christopher Columbus na isang Italyano manlalayag na unang namuno sa paglalayag patungong India.Binigyan siya ng titulong Admiral of the Ocean Sea, Viceroy at Gobernador ng mga islang kaniyang natagpuan sa Indies. Tatlong ekspedisyon pa ang kanyang pinamunuan bago siya namatay nooong 1506. Narating niya ang mga isla sa 11articula at sa South America 11arti’t di siya nagtagumpay sa paghahanap ng bagong ruta patungo ng silangan.

Sa panahong ito, hindi pa maunlad ang mga gamit sa paglalakbay tulad ng mapa. Noong 1507, isang Italyanong manlalakbay na si Amerigo Vespucci ang nagpaliwanag na si Columbus ay nakatagpo ng Bagong Mundo. Ang lugar na ito nang lumaon ay isinunod sa pangalan niya kaya nakilala ito bilang Amerika at naitala sa mapa ng Europa kasama ang iba pang mga bagong diskubre na mga isla. Isinunod kay Amerigo Vespucci ang pangalan ng America.

Paghahati ng Mundo


Naging mahigpit ang tunggalian ng Espanya at Portugal sa panggagalugad ng mga ng mga lupain. Humingi ng tulong ang Portugal at Espanya upang malutas ang kanilang iringan. Isang kasunduan ang napagpasyahan sa pagitan ng Portugal at Espanya noong 1493 sa bisa ng isang kautusang pinalabas ni Pope Alexander VI na naghahati sa lupain sa mundo na maaaring tuklasin ng dalawang bansa.Nagtalaga ang Papa ng paghahati o “line of demarcation” na magmumula sa gitna ng Atlantiko tungo sa Hilagang Polo hanggang sa Timog Polo. Nangangahulugan ito na lahat ng mga matatagpuang kalupaan at katubigan sa Kanlurang bahagi ng guhit ay para sa Espanya at para naman sa Portugal ang Silangang bahagi ng linya. Hindi nasiyahan ang Portuges sa ginawang paghahating ito ng Papa kaya naghain ito ng petisyon upang baguhin ang naunang 12articul dapat mapunta sa kanila at sa Espanya. Nakita 12articu baka lumawak ang panggagalugad ng Espanya sa kanluran at maaaring mapektuhan ang kanilang mga kalakalan sa silangan. Sa bisa ng Kasunduan sa Tordesillas noong 1494, nagkasundo ang magkabilang panig na baguhin ang line of demarcation pakanluran. Ipinakikita rito na noong panahong iyon ay pinaghatian ng lubusan ng Portugal at Espanya ang bahagi ng mundo na si nararating ng mga taga-Europa.

Ang Paglalakbay ni Ferdinand Magellan

Taong 1519, naglayag ang Portuges na si Ferdinand Magellan para sa karangalan ng Espanya. Sa ilalim ng bandila ng Espanya, inilunsad niya ang kanyang paglalakbay upang maghanap ng rutang pa-Kanluran patungo sa Asya. Natagpuan niya ang silangang baybayin ng Timog Amerika o ang Brazil, natagpuan din niya ang isang makitid na daanan ng tubig na tinawag na “Strait of Magellan,” pagpapangalan sa malaking karagatan na Karagatang Pasipiko, at hanggang sa marating nila ang kasalukuyang bansa ng Pilipinas.

Sa haba ng paglalakbay, nakaranas sila ng pag-aalsa ng mga kasamahan at pagkagutom. Nalagpasan nilang lahat ng ito at nakatagpo sila ng malaking kayamanang ginto at pampalasa. Nagawa nilang binyagan sa Katolisismo ang maraming mga katutubo. Sa nasabi ring ekspedisyon, nagpakilala ito na maaaring ikutin ang mundo at muling bumalik sa dating pinanggalingang lugar ng ang sasakyang Victoria ay makabalik sa Espanya kahit napatay si Magellan ng isang katutubong si Lapu-lapu. Ito ang unang “circumnavigation” o pag-ikot sa mundo. Itinama nito ang dating lumang paniniwala ng mga taga-Europa na ang mundo ay patag, naitala sa mapa ng Europa ang iba pang mga kalupaan sa Silangan at lalong nagpakilala ng yaman na mayroon sa Silangan.

Halos kasabayan ni Magellan sa paglalayag ang Kastilangconquistador o mananakop na si Hernando Cortes ay tumungo sa Mexico upang maghanap ng yaman at ginto. Nung una,maluwag na tinanggap ng mga Aztec si Hernando Cortes ngunit napag-alaman nila ang tunay na hangarin ng mga manlalayag na ito sa kanilang lupain. Sumiklab ang isang digmaan sa pagitan 13articu ikinabagsak ng Kahariang Aztec noong 1521. Nasundan pa ito ng mga Kastilang mananakop na si Francisco Pizarro noong 1532. Pinabagsak niya ang Kaharian ng mga Inca sa Peru. Matapos ang tagumpay nina Cortes at Pizarro, pinagpatuloy ng mga Espanyol ang kanilang paglalayag at pananakop sa mga lupain sa Latin America para humanap ng mga ginto sa katauhan ni Hernando de Soto noong 1541 na nakarating ng ilog Mississippi. Ginalugad din ni Francisco Vasquez de Coronado ang timog kanlurang rehiyon ng Hilagang America. Naglakbay siya pahilaga at nagalugad ang rehiyon ngayon na tinawag na Estados Unidos. Natuklasan din niya ang Grand Canyon. Nagpadala rin ang mga Kastila ng mga maraming paglalakbay sa Gitnang Amerika at sinubukan nitong magtatag ng 13articular13t panirahanan na taliwas sa hangarin ng mga Portuges na pinagbuti ay ang ukol sa kalakalan. Naging matagumpay si Vasco de Balboa na magtayo ng 13articular13t panirahanan sa Amerika sa silangang baybayin ng Isthmus ng Panama noong 1510. Ginalugad ni Juan Ponce de Leon ang Bahamas sa paghahanap ng tinatawag na “Fountain of Youth,” isang bukal na pinaniniwalaang nagpapanumbbalik ng kabataan sa sinumang maligo dito. Sa kanyang paghahanap, ginalugad niya ang baybayin ng Florida. Pinagpatuloy ng isa pang manggagalugad na si Hernando de Soto ang timog silangang hangganan ng Hilagang Amerika. Pinangunahan niya ang 600 tao mula sa estado ng Florida hanggang sa Oklahoma subalit hindi nila natagpuan ang kayamanan, subalit sila ang unang mga Europeo na nakarating sa Ilog ng Mississippi.

Ang mga Dutch at Iba pang mga 14articul Nagtatag ng Kalakalan

Pagsapit ng ika-17 siglo, pumalit ang mga Dutch sa mga Portuges sa pagtatayo ng mga kolonya sa Asya. Inagaw ng mga Dutch ang mga naunang teritoryong hawak ng Portugal na kinabibilangan ng Moluccas, Malacca at itinayo ang kabisera ng kolonya, ang Batavia na ngayon ay kabisera ng Indonesiya, ang Jakarta. Itinatag nila ang Dutch East Indies Company upang maging daan sa pagpapalawak ng kanilang komersiyo sa Asya. Nagtatag sila dito ng sistemang plantasyon na kung saan ang mga lupain ay pinagtamnan ng mga halamang mabibili sa pamilihan. Nagbunsod ito sa sapilitang paggawa na tulad ng naging patakaran ng mga Kastila sa Pilipinas.

Nagtatag din ng kolonya ang mga Dutch sa Hilagang America. Nanguna dito ang Ingles na manlalayag na si Henry Hudson na naglingkod sa karangalan ng Dutch kung kaya’t ipinangalan sa kanya ang isang ilog ng Hudson na nasa Manhattan, USA, kung kaya nagmula sa kanyang pangalan ang Hudson Bay sa Amerika. Kumpara sa mga ibang mga Europeo ang mga Dutch ay interesado lamang sa pakikipagkalakalan kung kaya’t hindi sila nagtatatag ng mga kolonyal na pamahalaan ang mga bansang kanilang sinakop na lugar. Hindi rin sila nagpakalat ng kanilang relihiyon kung kaya’t sila lang ang Europeong bansa ang pinayagang mamalagi sa Hapon. Noong 1621, itinatag din nila ang Dutch West India Company upang lumahok sa kalakalan sa Caribbean. Nilayon ng kompanyang ito na makinabang sa kalakalan ng mga alipin na lumalakas noong panahong kolonyal.

Taong 1600, nagtatag naman ang Ingles ng British East India Company upang makisali sa pandaigdigang kalakalan. Si John Cabot na isang Italyanong nabigador ang nagbigay ng mga unang kolonya sa Inglatera gaya ng Newfoundland, Nova Scotia at New England na nasa bahagi ng Canada at Amerika. Si Francis Drake, isa sa kinikilalang mahusay na manlalayag noong panahon ng pamumuno ni Reyna Elizabeth I ng Inglatera ay isang 14artic.

Pinamunuan ni Drake ng halos anim na taon ang mga sasakyang pandagat ng mga Ingles na tumalo sa Spanish Armada. Sa pagkatalong ito ng Spanish Armada, naging hudyat ito ng paghina sa kapangyarihan ng Espanya sa Europa. Pinaunlad ng mga Ingles ang Madras, Bombay at Calcutta na 15artic mga nasa India bilang mga pangunahing himpilang pangkalakalan. Nagtagumpay ang mga Ingles sa isang labanan na kilala sa tawag na Battle of Plassey laban sa mga Pranses kung kaya’t nakuha nila ang pamamayani sa India. Ginamit ng mga Ingles ang India bilang taniman at pabrika para kalakalang opyo sa Tsina. Kasabay ng panggagalugad sa Asya, sinakop din ng mga Ingles ang teritoryo ng Hilagang Amerika noong ika-17 siglo. Itinayo nila ang 15articular15t tirahan sa Jamestown, Virginia, USA. Nagtatag din sila ng mga pamayanan sa rehiyong tinatawag na 15 articular 15ts Bay noong 1630; sa Rhode Island, Connecticut, New Hampshire, Maine, Pennylvania, Delaware at Manyland.

Noong 1524,naglingkod ang Italyanong manlalakbay na si Giovanni de Verrazano sa pamahalaang Pranses upang hanapin ang Hilagang Kanlurang daan mula sa Amerika patungo sa Asya. Subalit hindi niya ito 15articula, bagkus napuntahan lang niya ang Hilagang Carolina patungo sa Maine, USA. Noong 1534, 15 articula ni Jacques Cartier ang bahagi ng Montreal, Canada. Natagpuan naman ni Samuel de Champlain ang Quebec upang magtatag ng unang pamayanang Pranses. Natuklasan din ni Sieur de la Salle ang Louisiana ng marating niya ito noong 1682. Inangkin naman ni Robert Cavalier ang buong Ilog ng Mississippi para sa Pransya. Nagpadala rin sila ng mga Heswitang misyonero upang gawing Katoliko ang mga katutubong Amerikano. Nakipagkalakalan sila sa mga katutubo sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng mga kalakal na matatagpuan sa mga 15articul kanilang nasakop. Dinala rin nila ang mga aliping Aprikano sa mga islang kanilang sinakop sa Kanlurang Indies tulad ng St. Kitts, Martinique, at Guadeloupe upang katulungin sila sa mga plantasyon ng tubo at tabako.

Epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo

Maraming pagbabago ang naging hatid ng Unang Yugto ng Kolonyalismo. Katulad ng mga sumusunod:

  • Lumawak ang teritoryong nasasakupan ng mga bansang Kanluranin sa labas ng Europa.

  • Nakatuklas ng mga bagong ruta ng kalakalan na siyang nagbigay wakas sa mga Italyano sa pagpapanopolyo ng mga kalakal sa Europa. Naging sentro ng kalakalan ang mga daungan sa baybay-dagat ng Atlantiko mula sa Espanya, Portugal, Pransya, Flanders, Netherlands at England.

  • Dumami ang mga kalakal na nagmula sa Asya, tulad ng spices. Mula sa Hilagang Amerika ang kape, ginto at pilak; sa Timog Amerika 16articu ang mga asukal at molasses; sa Kanlurang Indies ang mga indigo, at sa Africa 16articu ang mga kahoy, ivory, ginto at mga ostrich.

  • Lumawak at lumaganap ang mga salaping ginto at pilak na 16articu sa Mexico, Peru at Chile dahil sa pagdami ng mga produkto.

  • Pinasimulan ang pagtatatag ng mga bangko dahil sa dumaraming salapi ng mga mangangalakal, kinakailangan nilang may paglagyan ng kanilang mga salaping barya.

  • Nang ginamit at ipinakilala sa mga mangangalakal ang salaping papel, ito ang nagbigay daan sa pagtatatag ng kapitalismo, ang 16articu kung saan mamumuhunan ng kaniyang salapi ang isang tao upang magkaroon ng tubo o interes.

  • Lumaganap ang relihiyong Kristiyanismo 16articular ang Katolisismo ng Espanya at Portugal.

  • Sa larangan ng wika at kultura, nanatili hanggang sa ngayon sa lahat halos ng maraming bansa sa Gitna at Timog Amerika ang wikang Espanyol, wikang Pranses sa ilang bansa at pulo na nasakop ng Pransya sa Caribbean, at Portuguese sa Brazil. Maging sa Pilipinas, ilang wika natin ay mula sa mga Kastila.

  • Nagkaroon ng pagbabago sa sistemang ekolohikal sa daigdig na nagresulta sa pagpapalitan ng mga hayop, halaman, at maging mga sakit na dala ng mga Europeo.

  • Nagkaroon ng malawakang kalakalan ng mga alipin na naging mahalagang bahagi ng komersiyo sa Europa bunga ng kakulangan ng mga manggagawa sa mga minahan at plantasyon sa America.

  • Nagkaroon ng malawakang pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa nagagalugad at mga sibilisasyong hindi pa natutuklasan. Naging daan din ito sa nagpalakas sa ugnayang silangan at kanluran.

  • Nakahikayat din ito ng interes sa mga makabagong pamamaraan at teknolohiya sa heograpiya at paglalayag.

  • Nagsimula rin ang paglaganap ng sibilisasyong Kanluranin sa silangan.

  • Nagdulot din ito ng maraming suliranin sa mga bansang nasakop tulad ng pagkawala ng kararinlan, paninikil, at pagsasamantala sa kanilang likas na yaman.

Para sa dagdag kaalaman:

Video Lesson: Unang Yugto ng Kolonyalismo

Q3-WK 2-3- Unang Yugto ng Kolonyalismo.pptx

PPT: Week 2-3: Unang Yugto ng Kolonyalismo

Q3-ARALING PANLIPUNAN - Week 1-8.pdf

AP MODULE / LAS

PAGSUSULIT

Susunod:

Week 4: Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment at Industriyal

Layunin: (MELCS)

Nasusuri ang dahilan, kaganapan at epekto ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment at Industriyal