MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES (MELCS)
FIRST QUARTER
Week 1: Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig
Week 2-3: Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa at mamamayan sa daigdig (lahi, pangkat-etnolingguwistiko, at relihiyon sa daigdig)
Week 4: Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko
Week 5: Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig
Week 6-7: Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan ng Egypt, Mesopotamia, India at China batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala at lipunan
Week 8: Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig
SECOND QUARTER
Week 1: Nasusuri ang kabihasnang Minoan, Mycenean at kabihasnang klasiko ng Greece
Week 2: Naipapaliwanag ang kontribusyon ng kabihasnang Romano
Week 3: Nasusuri ang pag-usbong at pag-unlad ng mga klasikong kabihasnan sa: Africa – Songhai, Mali, atbp. ; America – Aztec, Maya, Olmec, Inca, atbp. ; Mga Pulo sa Pacific– Nazca
Week 4: Naipapahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang klasiko sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan
Week 5: Nasusuri ang mga pagbabagong naganap sa Europa sa Gitnang Panahon: Politika (Pyudalismo, Holy Roman Empire); Ekonomiya (Manoryalismo) ; Sosyo-kultural (Paglakas ng Simbahang Katoliko, Krusada)
Natataya ang impuwensya ng mga kaisipang lumaganap sa Gitnang Panahon
THIRD QUARTER
Week 1: Nasusuri ang mahahalagang pagbabagong politikal, ekonomiko at sosyo-kultural sa panahon Renaissance
Week 2-3: Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng unang Yugto ng Kolonyalismo
Week 4: Nasusuri ang dahilan, kaganapan at epekto ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment at Industriyal
Week 5-7: Naipapaliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano at Pranses.
Week 8: Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo (Imperyalismo)
Naipapahayag ang pagpapahalaga sa pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa at iba’t ibang bahagi ng daigdig.
FOURTH QUARTER
Week 1-2: Nasusuri ang mga dahilan mahahalagang pangyayaring naganap at bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.
Week 3-4: Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap at bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaidig.
Week 5: Natataya ang pagsisikap ng mga bansa na makamit ang kapayapaang pandaigdig at kaunlaran.
Week 6: Nasusuri ang mga ideolohiyang politikal at ekonomiko sa hamon ng estabilisadong institusyon ng lipunan.
Week 7: Natataya ang epekto ng mga ideolohiya, ng Cold War at ng Neo-kolonyalismo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Week 8: Napahahalagahan ang bahaging ginampanan ng mga pandaidigang organisasyon sa pagsusulong ng pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran.
REFERENCE: