Ang leptospirosis ay isang malubhang impeksyong nakakaapekto sa atay, baga, bato, puso at utak, dulot ng leptospira bacteria.
Ang bakterya mula sa ihi ng mga daga ay maaaring pumasok sa katawan ng tao sa pamamagitan ng mga sugat sa katawan na nalublob o nabasa ng tubig baha.
Lagnat
Panginginig ng katawan o "chills"
Pananakit ng ulo, binti, kalamnan at kasu-kasuan
Pamumula ng mga mata
Paninilaw ng balat
Hirap umihi
Ito ay magagamot lamang ng antibiotic.
Kung may lagnat ng 2 araw, agad na komunsulta sa doktor.
Maaaring i-download at i-print ang mga sumusunod na resources para may kopya ka nito sa bahay o sa eskwelahan.