Ito ay isang sakit na nagdudulot ng labis na pagdudumi, pagsusuka, at dehydration, na maaaring magdulot ng pagkasawi.
Ang cholera ay sanhi ng isang uri ng bacteria na tinatawag na Vibrio cholerae na nakukuha sa pag-inom ng tubig na kuntaminado ng dumi ng tao.
Labis na pagdudumi
Labis na pagsusuka
Labis na pagkauhaw
Panunuyo ng balat, mata, ilong, bibig, at lalamunan
Pagbagsak ng presyon ng dugo
Pananakit ng mga kalamnan
Uminom ng oral rehydration solution (1 tsp asin, 1 tsp asukal at 4 tsp tubig)
Magpakonsulta sa doktor upang mabigyan ng antibiotic o iba pang nararapat na lunas
Ugaliing maghugas ng mga kamay bago kumain at pagkatapos gumamit ng banyo.
Kumain lamang ng mga pagkaing naluto nang maayos. Iwasan ang pagkain ng mga hilaw na pagkain at mga pagkaing ibinebenta sa kalye.
Uminom lamang ng ligtas na tubig. Iwasan din ang pagbili ng mga palamig na ibinibenta sa kalye.
Hugasan nang mabuti ang mga prutas at gulay.
Maaaring i-download at i-print ang mga sumusunod na resources para may kopya ka nito sa bahay o sa eskwelahan.