Ito ay ang madalas at matubig na pagdumi na maaaring sanhi ng impeksyon mula sa virus, bacteria o parasyte.
Ang HAV ay naipapasa sa paghawak o pagkain ng mga bagay, pagkain o tubig na kontaminado ng dumi ng isang taong may impeksiyon.
Lagnat
Pagtatae
Pagduduwal
Pagkabalisa ng tiyan
Kawalan ng ganang kumain
Panghihina
Paninilaw ng balat at puti ng mata
Walang tiyak na gamot para sa Hepatitis A. Upang maibsan ang sakit na ito, kumain ng masustansiyang mga pagkain at uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration o pagkawala ng tubig.
Panatilihin ang kalinisan ng katawan o hygiene.
Ugaliin ang madalas na paghuhugas ng kamay, lalo na bago kumain o hawakan ang pagkain, at pagkatapos gumamit ng banyo.
Gumamit ng malinis na kutsara at/o tinidor kung kakain sa halip na gamitin ang mga kamay lamang.
Huwag makipagsalo ng pagkain at inumin ng iba.
Siguraduhing malinis ang pagkakaluto ng mga pagkain.
Panatilihin ang kalinisan ng inuming tubig.
Pagbabakuna laban sa Hepatitis A.
Maaaring i-download at i-print ang mga sumusunod na resources para may kopya ka nito sa bahay o sa eskwelahan.