Napakalaking bahagi ng paghuhugas ng kamay sa pagsugpo ng mga nakakahawang sakit. Sa simpleng pagsunod sa tamang handwashing, mapipigilan natin ang pagkalat ng COVID-19 at iba pang sakit na maaaring makaapekto sa ating sarili at mga mahal sa buhay.
bago maghanda ng pagkain o bago kumain
pagkagaling sa pampublikong lugar
pagkahawak sa mga alagang hayop
pagkatapos makisalamuha sa taong may sakit
pagkatapos gumamit ng palikuran
Panuoring ang video sa ibaba upang malaman ang mga hakbang para siguradong malinis na ang iyong mga kamay.
Basain ng tubig ang mga kamay at sabunin.
Sabunin ang mga palad.
Sabunin ang likod ng mga kamay.
Kuskusin ang mga pagitan ng daliri.
Kuskusin ang mga kuko.
Kuskusin ang pagitan ng mga hinlalaki.
Kuskusin nang paikot ang dulo ng mga daliri sa magkabilang palad.
Banlawang mabuti sa malinis na tubig at patuyuin ang mga kamay gamit ang single-use towel.
Maaaring i-download at i-print ang mga sumusunod na resources para may kopya ka nito sa bahay o sa eskwelahan.