Ito ay isang sakit na galing sa mikrobio na naihahawa sa tao sa pamamagitan ng kagat ng Aedes na lamok.
Ang Dengue ay hindi maikakalat na tuwiran ng tao sa tao.
Mataas na lagnat
Matinding pananakit ng ulo
Pananakit ng katawan at kasukasuan
Pagsusuka
Pananakit ng mata
Mapupulang butlig sa balat
Ang dengue ay walang gamot ngunit naiibsan ang mga sintomas nito. Magpakonsulta sa iyong doktor kung mayroon kayong nararamdaman na sintomas.
Maaaring i-download at i-print ang mga sumusunod na resources para may kopya ka nito sa bahay o sa eskwelahan.