Ang trangkaso ay isang viral infection mula sa Influenza virus na umaatake sa ating respiratory tract (ilong, lalamunan, at baga).
Maaaring mahawa ng trangkaso sa pamamagitan ng:
Paglanghap ng droplets mula sa pag-ubo, pag-bahin, o pagsasalita ng isang taong may trangkaso o Influenza virus.
Paghawak sa bibig, ilong o mata matapos mahawakan ang isang bagay na may virus o discharge (sipon at plema).
Maaaring i-download at i-print ang mga sumusunod na resources para may kopya ka nito sa bahay o sa eskwelahan.